Atensyon
"Konting atensyon mo lang naman ang hinihingi ko. Alam ko nasasaktan ka pa sa break up niyo. Use me. Ako na lang." pakiusap ko kay Kean habang nakasunod sa kanya.
"I still love her." sagot niya sa akin. Kita ko ang awa at sakit sa kanyang mga mata.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahal niya pa din. Ako, never niyang minahal, never napansin.
"Gamitin mo ako. Tutulungan kitang magmove on." Oo alam ko na masakit ito. Pero kung ito lang ang paraan para matutunan nyang mahalin ako, edi go.
"What? Are you serious with that? Masasaktan ka! Nababaliw ka na ba?" Bakas sa mata niya ang awa nya para sa akin. Awa lang ang nararamdaman nya sa akin.
"Ayos lang." aniko habang nakangiti sa kanya. Ayos lang talaga sa akin.
"Okay." hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa kanya. Mahigpit ang yakap nya sa akin.
"Thank you." mahina nyang sinabi pero sapat na para marinig ko. No, ako ang dapat mag thank you. Thank you kasi nakita mo na din ang halaga ko. Kahit na sa ganitong paraan napansin mo ako.
Oo, kami na. Pero hindi ibig sabihin non ay mahal na nya ako. Pero alam ko na balang araw matututunan nya din na mahalin ako.
"Ang tanga mo. Naiinis ako sayo, Zoei." inis na sabi ni Kyra sa akin.
"You should be happy for me. Atleast napansin nya na ako. May karapatan na ako sa kanya." nakangiti kong sabi.
"Wow! Dapat akong maging masaya kasi ginagamit ang kaibigan ko para makapag move on? Na panakip butas ka ganon? Hindi ko alam sayo. Hindi mo sya deserve." Irap nya sa akin. Sabagay, wala naman dapat ikatuwa doon. Pero kuntento na ako sa kung anong meron kami.
Ang mga kamay niya dati na hawak ng iba ay ako na ang hahawak. Sa pag patak ng kanyang mga luha ay ako na ang mag pupunas. Ako na ang mag te- text sa kanya sa pagkagising ko. Ngunit ako nga ang kasama nya pero ang puso nya ay nasa iba. Ako nga ito yung nandito sa kanya pero ang atensyon nya ay nasa iba pa din. Pero ayos lang. Titiisin ko ang lahat para sa kanya.
Isang taon na ang nakalipas ng nag break sila ng ex nya pero hanggang ngayon hindi pa din sya makamove on. Sabagay, hindi naman talaga madaling makalimot lalo na kapag minahal mo ng sobra.
I don't know what to feel. Masaya? Nasasaktan? I don't know. Really.
Medyo gabi na din ako ng makauwi ako sa amin. Traffic din kasi at malakas pa ang ulan. Tinext ko agad sya.
To: Kean
Just got home. Kamusta ka? Save my number. -Zoei
Siguro ay hindi pa nya alam ang number ko pero alam ko ang sa kanya. How? Stalker ako eh lol.
Kat, his ex girlfriend. Sya ang nakipag break kay Kean dahil may iba ng gusto. Paano sya nakahanap ng iba kung napaka perpekto na ni Kean? Hindi ko alam. Siguro nga wala akong karapatan husgahan ang relasyon nila dahil wala naman akong alam. Pero Kean doesn't deserve to be treated like that. Pinapangarap ko sya noon pa pero pinakawalan lang nya. Mahal ko siya, may iba syang mahal. Masakit, sobra. Nasasaktan ako, nasasaktan sya.
Ako? Ibibigay ko ang lahat kay Kean. Alam ko na balang araw ay makakalimot din sya at mamahalin nya din ako. Mahal na mahal ko sya at kaya ko ibigay ang lahat kahit na walang matira sa akin. I'll do everything for him. Gusto ko sya maging maayos. Buuin ang kanyang nadurog na puso kahit na ang kapalit non ay ang madurog ang sarili ko. Hindi ako nahingi ng kapalit sa kanya kasi ang nais ko lang naman ay maging maayos sya at iparamdam sa kanya na espesyal sya, na ang mga katulad nya ay dapat ingatan. Ganon pala talaga pag nag mamahal, ano. Handa kang itaya ang lahat. Kahit alam mong masasaktan ka ay ayos lang. Mahal na mahal kita, Kean. Sobra.
![](https://img.wattpad.com/cover/125592594-288-k166234.jpg)
BINABASA MO ANG
Things I Could Never Tell You
Dla nastolatkówWhy do we love someone who hurt us and hurt someone who love us? Hindi ba pwedeng kapag magmamahal ay magmamahal lang? Kaya may mga bagay na mas pinipili nalang natin na itago dahil takot tayong masaktan. Takot tayong mabalewala. Pero iba si Zoei A...