Kasi Ikaw Lang
Nagising ako sa alarm clock ko. Nakakatamad bumangon pero may klase kami ngayon at madami din ang gagawin. At syempre gusto ko din syang makita. Sinilip ko ang cellphone ko at umaasa na may text sya o kahit man nag reply sa text ko kagabi. Pero wala. Wala akong natanggap na mensahe galing sa kanya.
Wala pang nakakaalam sa kung anong meron kami bukod sa kaibigan ko na si Kyra. Hindi ko alam kung sasabihin nya ba ito sa iba.
Naligo na ako at nag handa na. Nag ayos ako ng sobra.
Kung dati ay pulbos at suklay lang ay ayos na. Syempre, kailangan ko maging maganda. Ayoko naman na mag mukhang ewan pag ikinumpara ako sa ex nya na si Kat. Walang wala naman ata ako doon.Hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na message galing sa kanya.
To: Kean
Nasaan ka na?
Tinext ko sya dahil dumaan ako sa classroom nila pero wala pa sya doon. Ilang minuto na lang ay mag sisimula na ang klase. Bakit ba kasi hindi kami mag kaklase? Hindi kasi ako kasing talino katulad nya. First pilot sya at ako naman ay secons pilot lang.
Tumunog ang cellphone ko na ang ibig sabihin may nag text. Umaasa ulit ako na si Kean ito at tama, si Kean nga.
From: Kean
Hi! Kakarating ko lang. Sabay tayo mag lunch mamaya :)
Nung nag text sya sa akin ay halos mag diwang na ako at lalo na ngayon na niyaya nya ako na sabay daw kami mag lunch. Teka lang, baka maubusan ako ng hininga.
Baka lumagpas na ako sa limitasyon ko. Baka umasa ako ng sobra kung ganyan sya sa akin. Niyaya nya na ako! So ibig sabihin ay ayos lang kahit na makita ng ibang tao kung anong meron sa amin. Pero syempre hindi sasabihin kung ano ang meron sa relasyon namin.
Lutang ako sa klase at wala din akong naintindihan. Masyado akong excited na mag lunch break.
Pagkalabas ko ng class room namin ay naabutan ko siya sa labas at hinihintay ako.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Kakarating ko lang din. Tara na." nakangiti nyang sagot sa akin. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko at nag wawala ang mga butterfly sa tiyan ko. Mas lalo akong nagulat nang hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya pero parang wala lang iyon sa kanya.
Madaming mata ang nakatingin sa amin. Nag tataka. Napapatanong na kung sino ba ako. Sino nga ba ako?
Natanaw ko si Kat, ex niya na paparating. Kaya pala. Kaya pala nya siguro hinawakan ang kamay ko dahil paparating ang mahal nya. Ano ba ini-expect ko? Bakit ang taas ng ekspektasyon ko at umaasa ako ng sobra?
"Ano sayo? Ako na ang oorder." Masaya narin ako kahit na alam ko na ang lahat ng ito ay pag papanggap lang.
"Kahit ano na lang. Kung ano yung iyo." kumuha ako ng pera sa wallet at inabot iyon sa kanya pero hindi nya tinanggap.
"Ako na." ngiti nya sa akin. Parang gusto kong matunaw tuwing ngingiti sya sa akin. Pinag masdan ko sya na umalis. Sobrang perfect nya na kahit likod nya lang ang makita ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/125592594-288-k166234.jpg)
BINABASA MO ANG
Things I Could Never Tell You
Novela JuvenilWhy do we love someone who hurt us and hurt someone who love us? Hindi ba pwedeng kapag magmamahal ay magmamahal lang? Kaya may mga bagay na mas pinipili nalang natin na itago dahil takot tayong masaktan. Takot tayong mabalewala. Pero iba si Zoei A...