Chapter Four

45 0 0
                                    

Hatid

Malapit na ang periodical exam namin. Malapit na din kami mag grade 11. Napag desisyunan ko na mag library muna ako.

"Zoei! Saan ka pupunta?" si Kean. Napangiti ako.

"Sa library. Kailangan ko mag review, next week na ang periodical." sagot ko sa kanya. Matalino sya kaya kahit siguro hindi siya mag aral ay papasa pa din yan o baka nga mataas na score pa din ang makuha nya.

"Sama ako sayo. Mag aaral din ako." nakakapanibago. Hindi kasi sya yung tipo na makikita mong nag aaral. Chill lang sya.

"Wow! Parang hindi mo na ata kailangan non." tumawa ako.

"Eh bakit ba? Sasamahan na nga kita mag aral eh. Turuan kita." humalakhal sya ng napaka lakas na halos umalingawngaw na ata sa buong building.

Tinignan ko siya ng masama. Oo na, mas matalino ka. Katulad nga nung sinabi nya noon, maging mag kaibigan na lang kami. 3 months na ang nakalipas nung sinabi nya 'yon, at eto mag kaibigan na. Unti unti na din syang nakaka move on.

"Ay alam mo ba, magkakaroon pala kami ng game. LU ang kalaban. May practice kami bukas. Nood ka?" varsity sya at magaling sya mag basketball. Parang nasa kanya na ang lahat no.

"Hindi ko pa sure. Baka madami akong gagawin eh." sunod sunod na ang mga performance task namin, may ilang linggo pa naman para matapos ko 'yon pero ayoko matambakan.

"Sige na, please. Manood ka na." pag mamakaawa nito.

"Baka kasi madami akong gagawin. Ayokong matambakan ng mga projects." paliwanag ko sa kanya.

"I'll help you. Siguro sa weekends? Tutulungan kita sa mga projects nyo. Tapos treat kita. Where do you want? Mcdo?" pag may gusto syang gawin or puntahan tapos ako ang niyaya nya at hindi ako pumayag, lagi nya akong nililibre sa mcdo dahil favorite ko 'yon.

"Alam ko na papayag ka." ito nanaman ang ngiting aso nya. Tumawa ako at hinampas sya.

"Oo na." matitiis ko ba sya? Yes, I still like him.

Nakarating na kami sa library. Makakapag aral pa ba ako kung sya ang kasama ko?

"Saan ka ba nahihirapan? Tulungan kita." seryoso nyang tanong.

"Uhm. Math?" medyo nahihirapan ako sa math ngayon. Nakakalito kasi.

Tinuruan nya ako. Nakakainis bakit ang talino nya. Edi ikaw na. 

"Ang cute mo, baby." sabay kurot sa pisngi ko.

"Huwag mo akong tawaging baby." tinatawag nya akong baby dahil sa height ko at baby face. Huwag kang ganyan. Baka mas lalo akong mahulog.

"Bakit? Bagay naman sayo? Mukha kang baby." hindi ko sya pinansin at inayos na lang ang mga gamit ko. Hindi din naman ako makapag focus dahil nandyan sya.

"Tara na nga. Kain tayo." yaya ko sa kanya.

"Kain lang, walang tayo." at eto nanaman ang mala demonyo nyang tawa. Buti na lang ay nakalabas na kami ng library.

"Edi kumain ka mag isa." sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa mga ganon nyang linyahan minsan.

"Eto naman. Hahahaha! Sorry na." tuwang tuwa talaga sya pag nakikitang naiinis o napipikon ako.

"Okay. Ayoko na pala kumain. May gagawin pa pala ako. Punta na ako sa classrooom. Bye." paalam ko sa kanya at dumiretso na sa classroom. Mababaw lang ang dahilan kung mapipikon ako pero napipikon talaga ako lalo na at wala ako sa mood ngayon. Totoo din naman, may gagawin pa pala ako.

Things I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon