Chapter One

158 17 22
                                    

CHAPTER ONE

Mula sa malayo nakatingin ako sa kanya. Bawat galaw niya tinitingnan ko ng mabuti. Kung paano gumalaw ang panga niya kapag siya ay tumatawa o nagsasalita. Kung pano niya hawakan ang buhok niya para ayusin ito. Kung pano niya paglaruan ang relo na nasa kamay niya mula sa pag ayos ng kuwelyo at butones ng kaniyang uniporme. Kung pano niya panliitan ng mata ang kaniyang mga kaibigan. Ang matang yon ang isa sa dahilan kung bakit ako nahumaling sa kanya. Porselanang kutis, Itim na buhok ngipin na nababalutan ng braces. Mga labi na parang rosas sa kapulahan, Matipunong katawan, At ang katangkaran niya na maka agaw pansin.

Ang drama ko. Hay Julian! Kailan mo ba 'ko mapapansin? Hindi ka naman masiyadong famous. Sa fb ka lang naman famous. Hay naku! Napaka snob. Hmp!

Nandito ako ngayon sa bench kung saan may puno na masisilungan para hindi mainit. Tanaw ko mula sa malayo ang mga naglalaro ng soccer at ilang mga estudyante na gaya ko na nakatambay. Tanaw kodin mula sa kinauupuan ko si Julian. Napangiti ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ko. Gumagawa kase ako ng story, story namin ni Julian. Sa storyang to nagkatuluyan kaming dalawa.
"Kahit magkatuluyan man lang tayo sa kabilang mundo" bulong ko sa isip ko.

Tatlong taon. Tatlong taon na akong umaasa na sana mapansin niya ko. Tatlong taon din akong umiyak, kinilig, nasaktan at humanga at nagmahal ng palihim. Napakalapit niya lang sakin pero diko siya maabot abot. Para siyang bituin makikita mo lang, Pagmamasdan mo lang sa malayo pero kahit kailanman dimo mahawakan. Mula bata, Grade 5 pa lang kami may gusto nako sa kanya. Hindi kase siya katulad ng ibang lalake, Napakatahimik, Minsan sinabihan ako ng kaklase ko kung Ano daw ba nagustuhan ko sa kanya, Bakla naman daw yon, Mayabang at torpe pa. Ang lagi ko lang isasagot ay "Hindi ko alam ang dahilan, Hindi ko ginawa basta naramdaman ko na lang" sabihin niyo ng napaka poetric ko masyado akong seryoso at madrama pero ganon talaga pag nagmamahal ang isang tao.

"Ally!!!" napangiti ako ng marinig ko ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Boses pa lang alam ko na, Tawa at matitinis na Boses palang alam ko nang si Jam, Lexa at Barb yan. "Barb!" sinalubong ko sila ng yakap at nakipag beso ako kay kay Barb.

"Ano ka ba bakla, So ewwy mo naman sabi ko nga diba Anastacia ang tawag mo sakin as in A-nas-tey-sha. Ganern! Kabog!"

Nasa first year palang ako ng highschool at sila ang mga naging kaklase ko. Naging kaibigan at mga barkada din, Si Barb? Este si Anesteysha? Isa siyang vaklush, Sisteret namin yan. Wala pa namang 2 buwan eh close na kaming tatlo, Sa kanila ako natutong magcutting at maglakwatsa, Umuwi ng hatinggabi at magmura. Kilala ko na rin sila at ang mga pamilya nila, Para sakin hindi sila bad influence dahil sa kanila natutunan ko ang salitang Malaya nung makilala ko sila. Sila din ang nakasaksi kung paano ako nahumaling kay Julian. Katulong ko sila sa pagpapadala ng sulat kay Julian, Pagpapapansin, Pagpapacute o pagpapadala ng kung ano anong ka eklavuhan.

Sila ang nakasaksi kung pano ako umiyak at kiligin kay Julian. Isipin niyo ng obsessed ako pero ganun talaga mga inday, Kahit naman siguro yung iba ganyan din ang ginawa nila sa ultimate crush nila.

"Ano nanamang drama mo bes?" tanong ni Jam. Sabay tingin sa notebook na pinagsusulatan ko ng story. "Wala" sabi ko sabay kuha ng notebook sa kanya. "Sus! If I know naman, Sinusulat mo nanaman future kuno niyo ni Julian. Alam mo hindi naman kami against sayo eh. Support lang kami diyan eh, Ang inaalala lang namin kase pang 3 years mo na to. Di ka pa ba nagsasawa?" pangaral na tanong ni Lexa. "Oo nga girl. Pahinga pahinga din ng heart baka di na tumibok. Grade 7 ka palang madami ka pang makikilala. Sinasayang mo lang ganda mo. Andaming nanliligaw sayo ni isa wala kang sinagot. Naloloka ang beauty ko sayo. Grabe" maarteng sabi ni Barb with matching paypay kunyari gamit ang kanyang kamay sabay hawi ng buhok kahit wala naman siya non. "Alam mo hindi ako manghuhula Annellys. Pero yang pag iyak ng mga manliligaw mo ng dahil sayo pinarusahan ka. At ang karma mo ay si Julian." sabi ni Jam sabay buntong hininga.

Totoo lahat ng sinabi nila. Madami ng sumubok na manligaw sakin, Lahat bigo, Lahat luhaan, Lahat nasaktan. Siguro nga si Julian talaga ang karma ko pero kahit kailan hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, Kase kung hindi ko sila sinagot hindi ko makikilala si Julian. Sa kanya ko natutunan yung salitang "pagmamahal". Nakakatawang isipin na sa mura kong edad pagmamahal agad nasa isip ko. Ano bang alam ko sa ganong bagay? Wala. Pero natutunan ko yun kay Julian. Masyadong corny pero totoo din naman. At totoo ding pangatlong taon ko na 'tong pagkagusto sa kanya or should i say 3 years of my love for him.

"Mag pa party na ba tayo? Anong gusto mong confetti yung pinaka malaki? Ha? Gusto mo ba ng handaan? Sabihin mo lang ipapareserve natin tong buong school." sarcastic said of Lexa. "Ay hindi gurl! Dapat mag pa contest tayo. Kung sino pinakatanga at pinaka martyr sa pagibig siya ang mananalo. Kailangan sash tapos korona with trophy para masaya. " dagdag na kantyaw ni Jam sabay tawa nilang tatlo. "And the winner is!!!!!!!!" sigaw ni Barb with matching sound effects pa. "Annellys Gonzaga!!!!!!" sigaw nilang tatlo at nagpalakpakan. Nakaka agaw tuloy kami ng eksena.

Lunapit naman sakin si Bon at nakipagbeso sakin sabay yakap. "Were so proud of you bhe!" sabi niya sakin na kunyaring naiiyak pa. Agad naman akong humiwalay sa kanya. Mga baliw. "Okay? " awkward na sabi ko sa kanila. "Wala lang. Tara na sa canteen treat ko kayo dahil binigyan nako ng allowance. Bongga!" sabi ni Barb. "Wow! Sige tara yey!" sang ayon naman ni Jam. Tsk.. Kahit kailan talaga.

Inayos ko muna ang gamit ko pagkatapos tiningnan ko sandali si Julain at ngumiti kahit di niya naman nakita. Julian iiwan muna kita, Mahirap tanggihan ang grasya baka masayang.

Secretly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon