CHAPTER SEVEN
-After 3 years-
Itiniklop ko ang aking libro na binabasa. Tumingin ako sa orasan sa gilid ko. Gabing gabi na pero di pa din ako natutulog. Kailangan kong tapusin ang thesis ko dahil bukas na ng umaga ito papasa. Nasa huling taon na'ko ng college.
Sandali ko ding tiningnan ang cellphone ko kung may nag text ba. Nakita ko'ng nagtext ang mga kaibigan ko dati, Nangangamusta lang. Pero ganun nalang ang gulat ko nang may makita akong dugo sa screen ng cellphone ko.
Nanghina ako bigla, Takot ako sa dugo. Bago pa man ako maka sigaw ay mabilis na nagdilim ang paningin ko.
Nagising ako sa maingay na boses na naririnig ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, Puting kisame.
Ano bang bago?
Last year i was diagnosed because i have an anemia. Simple pa lamang siyang sakit pero habang tumatagal ay lumalala na ito, Umabot ito ng taon. Hindi ko pinansin kase baka normal lang dahil madalas akong mapagod at magpuyat.Nag pacheck up ako sa doctor. Inaasahan ko na anemia pa din ang sakit ko, Typical na anemia pa din. Pero gumuho ang mundo ko when the doctor said na i have a leukemia, Stage 1. Kailangan ko'ng mag aral ng mabuti, makapag trabaho ng maayos para sa sarili ko.
2 years ago, Umalis na si mama. Nilisan niya ang mundo kasama si Bridgette. Iniwan na nila ko.It was Christmas eve that time, Makikipag kita dapat ako kay mama dahil mamamasyal kami nila Bridgette. Sa dorm kase ako nag stay non. Nag kaayos na kami bago yun, Nagsorry siya sa lahat ng naging kasalanan at pagkukulang niya. Tinanggap ko yon dahil kahit anong mangyari nanay ko pa din siya, Sa kaniya ako nag mula at Siya ang nagpalaki sakin.
Excited ako 'non dahil kasama ko din ang mga kaibigan ko, Maaga kaming umalis para iwas traffic. Habang nasa biyahe biglang may nagtext sakin. Nurse daw siya galing sa isang ospital.
Wala na si mama.
Wala na din si Bridgette.
Tumigil ang mundo ko non, Nagsimulang mag laglagan ang mga luha ko, napatakip ako sa aking bibig.
"No!!! Hindi totoo yan. Buhay si mama mag kikita pa kami ngayon eh. Bakit?!" Garalgal na ang boses ko.
"I'm so sorry maam pero hindi na nakayanan ng mama mo, Matanda na din siya kaya hindi na ng kaya ng katawan niya na lumaban pa. 50/50 na kase siya nung sinugod siya dito" My heart sinked, nagsimula na kong humagulgol. Nandon ang mga kaibigan ko para daluhan ako.
Bumalik ang wisyo ko nung nagsalita ang doktor sa harap namin and then i realized na kanina pa pala kami sa ospital. Ginawa daw nila ang lahat pero hindi naging tagumpay. Talagang bumitiw na sila mama.
"May magagawa pa kayo diba? Magkano ba ang gusto niyo? Ibibigay ko lahat ng meron kami buhayin niyo lang si mama. Please doc, Nag mamakaawa ako" Lumuhod ako sa harapan ng doktor at nagmaka awa para akong bata na nag papadyak doon.
Hindi ko tanggap. Parang gusto ko nalang din mamatay. Napakasakit na mawalan ng isang pinaka mahal mo sa buhay.
Maghapon akong umiyak at nagluksa non. Dumalaw na din ang mga kaibigan ko kinabukasan pero ni isa sa kanila ay wala akong kinausap.
I just want to be alone. Walang kain. Walang ligo. Hindi ako lumalabas sa kuwarto, tatlong araw na. Yeah, im so messed.
The day comes, Nalibing sila ng maayos, pumunta ako bilang respeto pa rin kahit nasa gitna ako ng pagdadalamhati. Nang matapos ay unti untung nag alisan ang mga tao, Pinilit pa kong pauwiin ng mga kaibigan ko pero di ako sumabay. Awa at pag aalala ang nakita ko sa mga mukha nila. Tss, Di ko kailangan ng mga yon. I was alone and soaked under the rain. No one's with me. Well, gusto ko 'to.
Natigil ako ng wala ng pumapatak na ulan sa damit ko, Tiningala ko ang langit at sumalubong sakin ang mukhang matagal ko ng hindi nakikita.
Niyuko ko ang ulo saka binalik ang paningin sa lapida ng nanay at kapatid ko. Mahabng katahimikan ang bumalot sa amin. Tanging patak lang ng ulan ang maririnig. Naramdaman ko siyang tumabi sakin, Pinapayungan niya pa rin ako.
"My condolences, Annellys" Mahinahon niyang sabi sakin. I miss that voice. Tiningnan ko siya saka nginitian kahit alam kong pilit yon. Tumingin ako sa malayo sa humugot ng malalim na buntong hininga.
"Akala ko ang pinaka masakit na bagay ay ang maiwan ka ng taong mahal mo. Hindi pala, mas masakit pa lang nakikita ka na nasasaktan pero wala akong magawa" Mahaba niyang sabi. Tumigil ang mga nasa paligid ko. Parang kami lang ang naroong mga oras na yon kasabay ng kaba ko ay pagbilis ng tibok ng aking puso.
Dahan dahan akong humarap sa kanya at tiningnan siya. Binaba niya ang payong sa tabi at naramdaman ko na ulit sa balat ko ang tubig ulan, kaya napa pikit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Pagdilat ko ay halos maubusan ako ng hininga ng makita kong iisang dangkal na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Listen to me, Annellys. Mahal na kita, Kaya please, give me a chance" Nagsusumamo niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko at bumaba ang mata niya sa aking labi.
"I don't know what to say" Iyon lamang ang aking tanging nasabi.
Bago pa man ako makapag salita ulit ay marahang lumapat ang mga labi namin sa isa't-isa. Kung kanina'y mabilis ang tibok ng puso ko ay ngayon nama'y napakabilis na nito. Parang nakikipag habulan sa sampung kabayo sa sobrang bilis.
Matagal ang halik na yon. Puno ng pagmamahal, kaya ipinikit ko ang aking mga mata at itinugon ang kanyang labi. Butterflies starting to race inside my stomach, paranf kinikiliti ito.
Ang kaninang malungkot at nagdadalamhati na puso ay napunan ngayon ng iba't ibang nararamdaman. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako ngayon at mahal ko talaga si Julian.
Hindi ko alam kung hanggang kailan niya balak tapusin ang halik na iyon.
A kiss under the rain.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
Teen FictionLoving someone secretly is a very hard and tiring matter, but to a girl named Annellys Gonzaga, Loving secretly is not a sin. Loving unexpectedly is a blessing although it is hard for her.