Chapter Six

59 4 0
                                    

CHAPTER SIX

Nasa senior high na ko ngayon. Naging busy ako sa school dahil sa malapit na din ang pasukan sa college. Diko nga alam kung anong kukunin kong course eh. Gusto kong mag teacher pero mas nangingibabaw sakin ang mag sulat ng mga storya, Gusto kong maging publish writer.

Hindi ko na din nakakausap yung mga kaibigan ko. Napaka busy din kase, Sa ilang taon naming magkakaibigan masasabi kong sobrang saya. Sa lahat ng dumaan na kaibigan sa buhay ko, They're the best. Nagkaroon kami ng mga tampuhan at hindi pag kakaintindihan pero naaayos din. Para ko na silang mga kapatid. May kanya kanya na din silang love life, Ako nalang ang zero.

Anyways, Hindi ko naman kailangan iyon. Mas madami na kong priority ngayon. Simula nung pag uusap namin ni Julian, Oh. Madami ng realizations na pumasok sa utak ko.

Yung feelings ko? Hindi ko masasabing naka move on ako. Oo, siguro naka move on nako kase di ko na siya nakikita. Pero paano kung nakita ko siya? May sparks pa din ba? Sana hindi ako traydurin ng puso ko pag dumating yung time na magkita na kami.

Wala kaming klase ngayon sa pangalawang subject kaya nandito lang ako sa may court, nakaupo sa isa sa mga bench doon. Naisipan kong mag log-in sa facebook. Ngayon nalang ulit ako magbubukas dahil dumaan ako sa mahabang proseso ng pag mu-move on. Umiiyak ako gabi-gabi, I always think na sigurl hindi ako worth it kaya hindi ako yung pinili ni Julian or talaga ngang hindi niya 'ko mahal. Tama na Annellys, Hindi ka talaga niya mahal. Pag browse ko nang newsfeed mukha agad niya ang nakita ko. Masaya sana ako kung siya lang yung nandoon.

Kasama niya yung girlfriend niya......... Si Jaezel. Sila na nga talaga. I can seen Julian's smile. Sa lahat ng dumaan na babae sa buhay niya ay si Jaezel ang masasabi kong swerte. Siya ang dahilan kung bakit ang mfa ngiti ni Julian ngayon ay abot hanggang tenga, makikita mo talaga ang saya sa kanyang mga mata. Hindi tulad ng ibang babae, hindi nila nagagawa yon. Kahit ako din naman hindi ko nagawa iyon. Kailangan ko na talagang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa ni Julian, kahit masakit. Sabi nga nila, Love is when you're happy with someone's happiness. Tinago ko na ang cellphone sa loob ng aking bag. Nag palipas muna ko ng ilang minuto doon saka bumalik sa aming room. Pagdating ko doon nandoon na sila. Napangiti ako doon, Namiss ko ang mga bababeng yan. Tawanan agad nila ang mangingibabaw sa apat na sulok ng silid. Nagtungo ako sa pwesto nila saka umupo sa isa sa mga upuan doon.

"Hi" Nakangiting bati ko sa kanila."Kamusta ka na? Kamusta ang pag momove on? Succesful ba?" sunod sunod na tanong ni Jopay.

Noong sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang diko na kaya ang sakit, Sinabi ko sa kanila ang lahat. Imbis na damayan nila ko sa pag iyak, We just spent our nights together. Kanila France kami nag palipas ng gabi. "Naku, Don't tell me di ka pa tapos?" nag aalalang tanong naman ni Daisy. Nginitian ko lamang sila at saka humugot ng malalim na hininga.

"I'm okay. Nasa Accepting Stage palang ako. Hindi pa umaangat. Pero alam ko, Makaka move on ako." niyakap ako ni Hazel "Were always here for you girl. Makaka move on ka din sa kanya." mahinahon niyang sabi habang hinihimas ang likod ko.

Napapikit ako "Thank you girls" saka ako kumalas sa pagkakayakap. Hinarap ko sila ng nakangiti. "Makaka move on din ako. Not now, But soon" I smiled at them an assuring smile. Niyakap nila ko at saka ko lang na realize na masyado na pala kaming madrama.

Sabado ngayon, Mag kakaroon kami ng touring isang National Park sa lugar namin. Naka assign kami sa am session, So kami yung pinaka una. Balak kong hindi na pumunta dahil bukasa makalawa ay flight ko na patungong France, Pero hindi pa pala ko nakakapag paalam sa mga kaibigan ko kaya pupunta nalang ako.

"Tatawag ka palagi ha" mangiyak ngiyak na paalala nila sakin bago ako sumakay ng eroplano.

Ngayon na ang flight ko kaya sinamahan nila kong lahat, Sila ang naghatid sakin. Hindi na dapat ako papayag pero dahil makulit sila ay pinlit nila ko. They're making this hard for me.

Nginitian ko sila "I'm gonna miss you girls." Saka nila ko niyakap, Mabilis din naman silang bumitaw. "Ano ba kayo! This is isn't a goodbye yet. Mag kikita pa tayo."

Pero makikita mo sa mga mata nila na nagihirapan sila at ayaw nilang umalis ako. We're like a family. "Are you really sure about this?" May pag aalalang tanong ni Cherry. Bago ako umalis sinabi ko sa sarili ko na ito na yung first step para makapag move on nako. Feelings ang kakalimutan ko hindi si Julian. Tumango ako at ngumiti sa kanila.

"So, I guess this is really the end huh?" Nakangising sabi ni Francis. "Our crazy friend over Julian Magno will finally signing off after how many carrying years" Nakangiti pero parang nang aasar na sabi ni Patricia. "I know that it is hard for you to do this, Ally. But i just want you to know na nandito lang kami palagi para sayo" Cherry said and she smiled, A genuine and sincere one.

I'm so lucky na naging kaibigan ko sila. Leaving a close friend is harder than leaving the one who you love and also broke your heart.

"Thank you for everything guys, Mauuna na nako. I'll promise to call you more often. We'll keep in touch"

Sa huling sandali ay nginitian ko sila. Kinawayan nila ko and they mouthed 'I love you'. May tumakas na luha sa mga mata ko kaya mabilis kong pinaling sa iba ang mata ko at pinunasan iyon saka nagsimulang maglakad palayo.

"Aalis ka without saying any goodbye?" Tanong ng boses sa likod ko.

Ang taong may dahilan kung bakit aalis ako ngayon. Nilingon ko siya, Sinubukan kong maging matapang kahit nanlalambot at nagsisimulang tumibok nanaman ang puso ko.

"This is isn't a goobye" Nakangiti kong sabi sa kanya. After almost years nagkita ulit kami. Sa huling sandali matama kong sinayasat ang kabuuan ng kaniyang mukha. Wala pa ding nagbago siya pa din si Julian, siya pa din ang lalaking minamahal ko ng patago.

"Mag iingat ka doon, Pupuntahan kita kapag may time ako" Nakangiting paalala niya sakin.

"Ano ka ba, Bakasyon lang to. Doon ko icecelebrate ang pasko. Alam mo namang pangarap ko ng makapunta sa Paris"

"Pero kahit na hindi ko pa din maiwasang hindi mag alala sayo. Kaibigan kita" May pag aaalala ang kaniyang tinig.

Kaibigan.

May part sakin na tanggap ko na meron namang hindi.

"Sana pagbalik mo dito may boyfriend ka na. I still want you to end up to a boy who can give all back your love and efforts that you're giving me before." He smiled at me.

Tumango ako sa kanya "Be happy Julian, Sana maging masaya na kayo ni Jaezel sana kayo na. By the way, Send my regards to her."

Natawa siya "Sige, I will. Don't worry pagbalik mo dito kasal nako. Promise yan ikaw una kong sasabihan.Ikaw ang kukunin naming maid of honor"

I smiled at him. Sana din sa pagbalik ko tanggap at limot ko na yung nararamdaman ko. Sana makaahon nako.

"Sige una nako, Bye Julian. See you when i see you" Kaway ko sa kanya saka nagsimulang maglakad ulit papuntang eroplano. Hindi ko na siya nilingon pa.

Masakit pa din, Pero alam kong lilipas to.

Magpapahinga lang muna ako Julian, Pero susubukan kong sumuko.

Susubukan kong makaahon sa lubid mo.

Pagkaupo ko sa pwesto ko ay pinikit ko ang aking mga mata at humugot ng malalim na hininga. Madami pang sinabi ang mga staffs doon at pinakinggan ko na lang. Mula sa pwesto ko ay nakikita ko ng umaangat ang sinasakyan naming eroplano.

I will always love you Julian hindi magbabago iyon. Ata naramdaman ko na din na hinihila ako ng antok.

Secretly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon