Chapter Four

74 9 0
                                    

CHAPTER FOUR

Hindi na ko gumising kinagabihan para kumain, Ayoko din naman silang ka sabay lalo na si mama. Ayokong makita si mama. Baka marindi lang ako sa mga sasabihin niya at hindi ko maaatim na tumabi sa kanya kasama ang pangalawang asawa niya.

Simula ng mag asawa ulit si mama naging iba na ang pakikitungo ko sa kanya. Wala namang problema sakin kung mag asawa ulit siya eh. Simula lang kase ng dumating yung lalaking yun sa bahay namin parang nakalimutan na niya na mayroon pa siyang mga anak. Nagbago na rin ang ugali niya.

Si papa naman may ibang pamilya na. Wala na kaming balak balikan. Si mama ang nang iwan sa kanya dahil binubugbog niya lagi si mama kapag na lalasing siya, Lasinggero na nga sugarol pa. Gusto ko na din namang umalis sa poder ni papa dahil naaawa nako kay mama non.

Diko maiwasang mamiss yung pamilya ko na buo pa. Buo nga ang pamilya namin non pero walang pagmamahalan walang saya para kaming grupo ng mga robot na may kanya kanyang mundo.

Noon, Mahal nila ang isa't isa pero dumating sa point na napagod na si mama. Si papa nalang yung nagmamahal, Parang one sided love ang nangyari. Hanggang sa pati si papa bumitiw na.

Kaya ako, Kahit ganun yung nangyari sa pamilya ko. Kahit naging saksi ako sa pagmamahalan ng mga magulang ko hanggang sa magkasakitan sila ni minsan hindi ako nag isip na hindi totoo ang pag-ibig, na hindi totoo ang destiny.

Sa nababasa ko sa mga libro maging happily ever after, Kaya nga umaasa pa din ako kay Julian dahil alam kong may happily ever after kami. Pero sa libro lang yun. Napabuga na lang ako ng hininga.

Mabilis na dumaan ang mga araw at magpapasukan na naman para sa ikalawang taon ng highschool. Wala namang nangyari sa Grade 7 ganon pa din ang routine ko. Aasa at masasaktan hanggang sa paulit ulit lang. Siguro aasa ulit ako na may mangyayaring bago, Aasa ulit ako sa mga 11:11, Mga wishing wells, At kung ano ano pang kabalbalan para matupad mo ang mga gusto mo. Ganun naman kase yung role ko sa buong buhay ko.

Dumating ang pasukan at mas naging abala ako sa mga activities sa school. Hindi din ako nahirapang magkaroon ng mga kaibigan. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakarpon ng main if an sa kabila ng pag uugali ko.

Maging sa Facebook ay madami din akong kakilala pero natutuwa ako doon kase gusto ko ng atensiyon na hindi naibibigay ng mga magulang ko lalo na si mama. Ang hirap kase kanila mama kapag nakagawa ka ng mali gagawin nilang isyu yun, pero kapag nakagawa ka na ng tama ni isa wala man lang makakapansin.

Huli na din naming pag uusap ni Julian noon sa simbahan dahil pagkatapos non wala nakong nagiging balita sa kanya. Third week of July noon nang makita ko sa news feed ang isang post ni Julian.

Julian Magno
23 minutes ago Public
"Kung sino pa ang hindi mo pinapansin noon ayun pa yung mamahalin mo ng libis ngayon"

169 likes - 50 comments - at 60 shares na nanggaling sa mga fangirls niya.

Sa mga buwan na lumipas mas naging malaki ang pagbabago ni Julian sumikat na siya school dahil sumasali na din siya sa mga activities, Hindi kagaya noon na uupo lamang siya sa sulok at makikipag usap na parang walang bukas sa mga kaibigan niya.

Pati ang itsura niya ay malaki din ang pinagbago mas lalo siyang gumwapo pero hindi pa din naaalis ang braces sa mga ngipin niya hindi na din siguro siya nagpapagupit dahil naka tayo na ang mahaba niyang buhok payat pa din siya. At......... Mahal ko pa din. Ang hindi lang maalis sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya sa post niya. Sumibol na naman sa puso ko ang sakit.

"Bes, May sasabihin ako sayo!" kinikilig na sabi ni Aled sabay talon. Hinila ko siya sa upuan para magkuwento dahil nakakahiya, Kami lang kase ang pinagtitinginan ng mga kaklase ko napapailing na lumingon si Cherry sa gawing namin. Alam niyamg magkakasundo na naman kami.

Walo kaming magkakaibigan pero si Aled ang pinaka close sakin. Sa lahat ng bagay magkasundo kami, Alam din nilang lahat ang tungkol kay Julian kaya hindi ako nahihirapang maglabas minsan ng loob.

"Ganito kase yun, Nakaonline ako kahapon tapos nakita kong nakaonline si Julian, So naisipin ko siyang I chat. Alam mo naman makapal ang muks ko kaya kineri ko na lang. So ganito......." pinabasa niya na lang sakin ang nangyari sa usapan nila.

Aled: Hi po. May kilala kang Annellys Gonzaga?

Julian: Oo naman..... Hahaha crush ko yun eh

Alex: Seryoso?!

Julian: Oo nga.

Aled: So gusto mo nga siya?! Omg kinikilig ako sa inyo. Alam mo ba gusto ka din ni Ally?

Julian: Hindi mangyayari yun, Matagal nakong hindi pinapansin ni Ally kaya imposibleng magkagusto siya sakin.

Aled: Bakit di mo ligawan? Gusto mo pala siya eh.

Julian: I love her. Pero torpe ako......

Aled: Tanginamo! Mamatay ka na! Torpe ka bwiset!

Hindi na nasundan ang convo nila. In inbox zone na lang siguro siya. Nakakainis lang to si Aled dahil masyadong siyang prangka! Hindi pa mapreno ang bibig niya grabe. Feeling close pa ang baliw. Pero napangiti na lang ako sa nalaman ko. Pakiramdam ko nanalo ako sa lotto. After all this years, Napansin din ako ni Julian. May gusto siya sakin, Pwede maging kami. Grabe ang saya nito sa feeling, I felt a butterflies in my stomach, My feeling was light as feather. Hindi ko na maipaliwanag ang lagay ng puso ko.

Hanggang sa matapos ang klase ay di pa din maalis ang ngiti sa labi ko.
Palabas nako ng classroom nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Napanguso ako, Nakabukas pals ang data connection kaya biglang nag pop up sa screen ang message kaya ganun na lang ang gulat ko kung sino ang nag message. Sunod sunod na kalabog ang nararamdaman ko sa akong dibdib para itong kinikiliti na ewan, hindi ko siya ma explain. Nanginginig pa ang aking kamay habang binubuksan ang message niya sakin.

Julian: Hello?

Nabitawan ko ang cellphone ko sa aking nabasa nanlambot ang aking tuhod parang kakapusin ako sa hininga bago ko pa makuha ang cellphone ko Ay nawalan nako ng malay.
Everything went black out.......

Secretly Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon