CHAPTER THREE
Hindi naman kami nagtagal sa mall dahil baka ma late na kami. Masyado na kaming makasalanan kung ganon, Ako lang pala.
Pagpasok naming sa loob ng simbahan umupo kaagad kami. Hindi naman kami nahirapang makahanap ng pwesto dahil wala pang masiyadong tao, Sa gitna kami umupo para walang hassle.
Pagkaupong- pagkaupo namin nilibot ko ang paningin ko sa buong simbahan, Paglingon ko sa left side hindi nga ko nagkamali dahil naroon siya. Lihim akong napangiti, Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko, I felt a tight knot in my stomach, Feeling ko naka buhol buhol ang large at small intestine ko. I feel butterflies, Ang sarap sa feeling parang nakalutang ako. Siguro kung may salamin lang sa harapan ko kanila ko pa nakita kung pano mapunut ang aking mga labi sa pag ngiti.
Habang tinititigan ko siya sa iba naman siya nakatingin sa harapan mukhang alam ko na kung sino ang kanina niya pa tinitingnan.
Tumingin ako sa grupo ng mga mang- aawit (choir) na nasa unahan. Nawala ang akong mga ngiti, Napalitan ito ng malungkot at maoaklang ngiti sa aking labi.
....Si Divine
Sanay na ko kay Julian. Sa dami ng babaeng dumaan sa bahay niya gayundin din kadaming beses na nasaktan. Gusto kong manumbat sa kanya. Gusto kong magalit pero wala akong karapatan. Wala naman kase siyang sinabi na magustuhan ko siya diba?
Pustahan pa tayo, Sa susunod na mga araw iiyak na si Divine dahil napalitan na siya ni Julian. Walang nagtatagal na babae kay Julian minsan aabot ng taon pero hindi naman permanent.
Sa bagay. Di mo naman kase matuturuan ang puso mo na magmahal at magkagusto sa isang tao. Pwede kang masaktan once na magmahal ka.Sabi nga walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Kahit isip mo ang sundin mo puso mo pa din mananaig. Hindi naman tumitibok ang utak diba? Dadating lang talaga sa point na kung tamaan ka na wala ka ng magagawa kundi sundin na lamang ito.
Hindi naman mahirap magustuhan si Divine. Maganda siya, mayaman, mabait at kung ano ano pang katangian na gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae.
Di ko maiwasan na magkaroon ng inggit. Minsan talaga di mo namamalayan na kinakain na ng insecurities ang katawan mo. Sino nga ba naman kase ako? Ako lang naman si Annellys siya si Divine. Wala namang maganda sakin.
Grade 5 palang ako kasama nako sa choral group mas nauna lang sila Divine at Julian dahil wala namang nag rerecruit sakin. Hindi ko sila naging close ganging si Marielle at Raine lang ang close ko non pati yung kaibigan nila na si Ronald at Mhae.
Noon pa man close na silang dalawa dahil magkaibigan ang mga magulang nila, Lagi akong nakatingin sa kanila noon lalo na kay Julian kaya siguro nahulog ang loob ko sa kanya. Nakakainis lang dahil sa bawat pag ngiti niya hindi ako ang dahilan non.
Napayuko nalang ako para it ago ang pangingilid ng aking luha. "Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jam. "Oo naman. Okay lang ako" pilit na ngiti kong sabi. Tch. Mukha ba kong okay?Napabuntong hininga na lang ako.
Alam kong ang sama kong tao pero hinihiling ko na sana matapos na ang pag samba para magpahinga at matulog. Gusto kong itulog na lang ang lahat.
Buong or as kong tinuon ang isip ko sa pagsamba, Pilit kong iwinawaksi sa isip ko si Julian na nandiyan lang at ang babaeng gusto niya. Masasaktan lang ako pag pinansin ko pa sila. Lagi naman eh, Wala ng bago.
Pagkatapos ng pagsamba iniwan ko na agad sila Barb dahil sumama ang pakiramdam ko pero yung totoo masakit talaga puso ko. Ite- text ko na lang sila mamaya.
Palabas na sana ako ng gate when someone grabbed my wrist. Nilingon ko ang taong humawak sakin. Ganon na langa ng gulat ko dahil--- Agh! Si Julian ang humawak sakin for Pete' sake!
Ayaw ng tumigil sa kabog ang puso ko. Parang mga kabayo na naguunahan sa pagtakbo. Feeling ko kakailanganin ko na ng oxygen.
"B-Bakit?" nauutal kong tanongKinakabahan na ko. Ayoko na. Matagal ko ng pinaghandaan to eh. Iba pa din talaga pag personal na. Madaming beses na kaming nagkita pero hindi ko inaasahan to. Tapos, may may pa hawak hawak pa ng kamay na nalalaman.
"A-Ah. I'm sorry " nauutal niyang sabi na, Err. Nahihiya? No! Erase that! Namumula ata tenga niya? Bakit kaya? Napakamot siya batok niya habang nakayuko. Di pa pala siya nakabitiw sa kamay ko. Matagak kong tiningnan yon. Napansin siguro niya kaya siya na yung bumitaw. Napaiwas naman ako ng tingin. Para akong tanga dito siguro na kanina pa nakangiti. Siyempre naman, Kahit ako iisipin kong baliw siya. I'm sorry daw eh wala naman siyang ginawang kasalanan sakin! Meron siguro. Sinaktan niya ko. Exempted na siguro yon.
"Bakit ka nagsosorry? May Problema ba? " sabi ko na kunyari nahihiya sabay hawi ng buhok sa tenga. Pwede naman sigurong magpabebe muna no? Natigilan din siya sa sinabi ko. "H-Huh? Ah wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko tsaka kalimutan mo na din na nagkita tayo. See you around and nice meeting you" sabi niya at nagsimulang maglakad habang naka pamulsa.
Ako? I was left cluelessly. What was that? Kalimutan? Ha! Magno, kung alam mo lang kung gano ako kinabahan ng lumapit ka, Tapos iiwan mo lang ako? Napabuga nalang ako ng hangin. Grabe ang yabang nung Julian na yon!
Nasa bahay na ko pero di pa din ako maka getover kanina pako pagulong gulong dito sa sala. Hinawakan niya ko sa kamay! Hindi nga ko nag hugas eh. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang may nagtatambol.
Grabe, Iba pa din talaga ang tama sakin ni Julian lalo na ngayong nagkita kami ulit. Konti nalang punit na yung labi ko dito dahil sa kaka ngiti ko.
Pano kung dumating sa point na mapansin ka na niya pero sasaktan ka lang din pala?
Napa isip din ako, Kaya ko nga ba?
Siguro hindi ko na lang muna iisipin yon. Mag f-focus na lang ako sa nararamadaman ko ngayon di ko muna iisipin yung sakit. Sabi nga 'Just enjoy with the flow '.Pero sana wag kang masiyadong magpapadala para kapag dumating yung point na masasaktan ka kase di mo maiiwasan yon, Nagmahal ka lang. Mayroon ka pang natitira para sa sarili mo.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
Novela JuvenilLoving someone secretly is a very hard and tiring matter, but to a girl named Annellys Gonzaga, Loving secretly is not a sin. Loving unexpectedly is a blessing although it is hard for her.