Their side

11 4 0
                                    

            *Kyla's Pov*

Paggising ko palang ay amoy ko na agad ang mabangong ulam. Matapos kong gawin ang daily morning rituals ko ay agad na akong bumaba.

"Goodmorning ma!."-bati ko kay Mama na busy sa pagtimpla ng kape niya.

"Goodmorning baby. Oh kumain kana. Si Red ang nagluto niyan."-sabi ni Mama.

"Si Red? Eh, asan siya?."-takang tanong ko.

"Ah oo pero maaga ding umalis dahil may pupuntahan pa daw. Ang aga ng batang yon. Sinabi ko ng wag na lang niyang gawin to eh ayaw pa din tumigil."-Sabi ni Mama na abala sa pag ayos sa hapagkainan.

"Baka may gagawin lang saglit yon Ma."-sabi ko naman.

"Baka nga."-tumatango tangong sabi naman ni mama.

Matapos kong kumain ay bumungad naman si papa na galing sa labas.

"San ka galing pa?."-tanong ko sakanya.

"Ah..sa hospital anak."-sabi ni papa.

"Po? Ano naman pong ginawa niyo doon?."-takang tanong ko.

"Si tita Lacey mo kasi naaksidente kaya ako ng nagbantay sakanya kagabi."-paliwanag ni papa.

"Ah..eh kamusta naman po si tita pa?."-tanong ko.

"Stable naman na siya. Minor head injury lang naman. "-sabi ni Papa.

"Mabuti naman pa."-sabi ko.

Isinuot ko na ang sapatos ko para mag ready na papasok.

"Ay oo nga pala. Nakita ko kanina si Red sa hospital. May kamag anak ba siyang naka confine doon?."-tanong ni Papa.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Papa.

"Po? Eh, wala naman po siyang sinasabi sa akin Pa."-sagot ko nalang.

Hanggang sa school ay hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Papa. Anong ginagawa ni Red sa hospital?

Maaga akong pumasok ngayon at hindi na ako nagtaka ng makita ko si Dona na nasa upuan na niya katabi si Marj na naka ...glasses?

"Uy anong trip niyong dalawa ha?."-pang aasar ko sakanila.

Tinignan lang naman ako ni Dona na halatang puyat.

"Hoy! Ano nga?."-tanong ko pa.

Hindi naman nila ako pinansin pa. Anong nangyari sa mga to?

Tinanggal ko ang glasses ni Marj at napatigil ako sa gulat nang makita ang mata nitong mugto na.

"M-may nililihim ba kayo saking dalawa?."-tanong ko.

Tinignan lang nila ako at sabay na naglakad palabas. Anong trip ng mga to? Tsk!

Sinundan ko naman sila sa labas at huminto kami sa may garden. Wala paring umiimik ni isa sa amin.

"So, anong problema guys?."-akward na tanong ko.

Una akong tinignan ni Dona at saka niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero ilang sandali palang ay nag umpisa na itong umiyak.

"K-kasi...nag away kami ni B-blue.."-umiiyak na sabi nito.

"H-ha? Paano? Bakit?."-takang tanong ko.

"K-kasi...nakita niya k-kami ni J-jeoff na nagyayakapan...huhu! "-umiiyak pang sabi niya.

Ikwenento naman niya ang nangyari at naawa ako sakanya. Hindi manlang pinag explain ni Blue. Tsk!

"Ano ka ba, ayos lang yan. Magkakaayos din kayo. Kayo pa ba? Kahit immature kayo pareho alam kong matured enough na kayo na mag handle ng relasyon. Pag usapan niyo lang yan mareresolba din yan."-sabi ko habang hinahaplos naman ni Marj ang likod niya.

Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon