First official date

24 3 0
                                    

* Marj's Pov*

Tatlong buwan.... Tatlong buwan na akong hindi pinapansin ni Gray. Ni tapunan nga ng tingin di niya magawa eh.

Kapag nakitkita ko siya, bagsak ang katawan niya at may eye bugs na siya.

Gustong gusto ko siyang lapitan pero yong mga tingin niya, hindi na katulad ng dati. Hindi ko na siya nakakausap. Natatakot ako, natatakot ako na baka tuluyan na siyang lumayo.

Tama nga sila noh, saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag nawala na ito...

Sa tatlong buwan na yan ay si Angelo lagi ang kasama ko. Pano ba naman, ang kulit niya eh.

Nandito na naman ako sa bahay nila Dona. Wala si Kyla masyadong busy kay Red eh.

"Marj, okay ka lang?."- tanong niya.

"Oo naman, ikaw magpakit kana may date pa kayo ni Blue."- Sabi ko.

"Hays, oo nga pala. Diyan ka muna ah."- Sabi niya at umalis na.

Kumakain lang naman ako eh, simula noong iniwasan ako ni Gray wala na akong ibang ginawa kundi kumain. Tama nga sila Food can lessen your depression.

Napaigtad ako ng tumunog ang phone ko.

"Hello? Bakit?."- Tanong ko.

("Gala tayo, dali!.")- Sabi ni Angelo sa kabilang linya.

"Ha? O sige...teka lang ah."-Sabi ko.

("Sige sunduin kita sa bahay niyo.")- Sabi niya before hanging up.

Nagpaalam muna ako kay Dona bago umuwi. Naglakad nalang ako kasi malapit lang.

Nang mapadako ang paningin ko sa park ay nanlambot ako sa nakita ko..

I saw Gray, laughing with a girl beside him. Kumakain sila ng Ice cream habang tumatawa..

That should be me...

************

DONA's Pov

Nanlaki ang mga mata ko ng dalhin ako ni Blue sa Ocean Park.

"Omg! Ang ganda dito."- Diko mapigilang sabi.

Hindi ito ang unang pagkakataon na makapunta ako sa Ocean park pero iba ito. Sobrang ganda.

Diko mapigilang mamangha sa paligid. May mga sea creatures na sobrang bubbly nila.

"Tignan mo yong Sea horse blue oh."- Turo ko sa dalawang sea horse na magkasama.

"They look cute."- He said.

"Yeah, ang astig lang noh! Lalaki ang nagbubuntis pero ang sad kasi mamamatay din siya after manganak."- Sabi ko.

"Oo nga but it sounds cool!."- He said.

Marami pa kaming nakitang sea Creatures. At palabas na kami ngayon ng ocean park.

"San tayo pupunta?."- Tanong ko.

Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon