CHAPTER 20: THE PREPARATION

23 2 0
                                    




**************

MARJs POV:

Nandito kaming anim ngayon sa may garden sa likod ng school.

Sobrang peaceful kasi dito na para bang gusto kong dito nalang ako.

Nakaupo kami ni Gray sa may trunk ng malaking kahoy habang nakasandal dito.

Sina Dona at blue naman ay kumakain ng kung anu ano. Wala trip nilang mag foodtrip eh..

Sina kyla at Red busy sa pagbabasa at pagkwekwentuhan ng tungkol sa mga binabasa nila.

Nakatingin lang ako sa Sky habang kumakain ng Stick-o samantalang si Gray naman ay nag sa soundtrip.

"Gray tignan mo yon oh! Dalawang tao na nakaupo sa magkabilang gilid ng puno!."- excited kong sabi sa formation na nabuo ng clouds.

"Ah...ano yon.?"- tanong nito

Saka ko lang narealize na naka headphones pala siya.

"Wala!. Bawal ulitin bingi ka kasi!."- sabi ko.

"Sige na kasi ulitin mo na! "- pagpupumilit nito.

"Ayoko nga."- me

"Sige na."- Gray.

"Ayaw."- me.

"Gusto."- Gray.

"Shhhh!!!Ang ingay niyong dalawa tahimik nga!."- bulyaw nk kyla sa amin kaya napatahimik nalang kami.

Woah!Grabe maka impluwensya si Red naging book worm na ang bestfriend namin.

"Btw, Gray wala ba kayong banda nina Red at Blue?."- tanong ko.

"Meron....dati."- sabi nito at kukuha na sana siya ng Stick-o buti nalang nailayo ko agad.

"Penge ako..."- naka pout na sabi nito.

"Ew,, nakakadiri ka Gray tigilan mo nga yang pag nguso mo mukha kang pato!."- sita ko.

"Ehh..bigyan mo na kasi ako..."- sabi niya

"Oh eto na! Tigilan mo na ako."- sabi ko at binigyan siya ng isa.

"Isa lang.?."- tanong niya.

"Aba! Nanghihingi kana nga lang magdedemand ka pa ah."- giit ko.

"Ako kaya nagbigay sayo niyan."- bulong nito.

" Binigay mo na kaya akin nato ."- sabi ko.

"Back to topic na nga tayo."- sabi ko

Shinare ko nalang yong Stick-O ko kawawa naman kasi si Abo eh.

"Abo anong name ng banda niyo noon?."- tanong ko.

"Wala. Nakalimutan ko na."- plain na sagot niya.

." Ganon na ba katagal iyon?."- tanong ko.

"Oo....?."- gray

"Eh kung sumali kaya kayo sa 3rd day ng Intramurals day natin sa battle of the bands?."- suggest ko.

"Oo nga Red, Blue, Gray sumali na kayo malay niyo makilala kayo ."- dagdag ni Kyla na nakikinig na pala sa usapan namin.

"Ehh..Wag nalang."- sabi ni Blue habang kinakamot ang batok.

'Try niyo lang naman ehh."- Suggest ni Dona.

"Sige ..pero in one condition.."- sabi ni Red.

"Anong kondisyon?."- tanong ko.

"Sasali din kayo."- nakangiting sabi nito.

"NO/YES!."- kaming tatlo.

"Ehh bat naman ayaw mo Marj?."- tanong ni Dona.

"Oo nga best maganda kaya."- excited na sabi ni Kyla.

"Guys paalala lang ah..Hindi ako magaling kumanta at wala akong alam na tugtuging instrument."- sabi ko.

"Problema ba yon eh di tuturuan kita. May time pa naman eh."- sabi ni Gray saka ako inakbayan.

"Chansing ka Abo ah! Oo na nga ."- sabi ko.

"Yehey! Oh ganito ah ..Sina Dona at Blue ang Vocalist sila ang magdu-Duet. Kami naman ni Red sa Guitar at sina Marj at Gray naman sa Drum. Settled?."- tanong at explain ni kyla.

"SETTLED!"- sagot namin.

Nagpaalam na kami sa isat isa at nagkanya kanya na para makapag practice.

Bumili muna kami ni Gray ng snacks bago pumunta ng Music room at dumiretso sa may drum sets.

"So, simulan muna natin sa basics ah."- panimula nito.

"Sige..."- sabi ko at umupo na.

Iniabot niya sa akin ang dalawang drum sticks.

"Tumugtog ka muna ng kahit ano kahit walang lyrics titignan ko lang kung anong bagay sayo.."- sabi nito.

"Ikaw ..."- me.

"H-ha.?"- takang tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng marealize ang sinabi ko.

"Ah..ha? Ang sabi ko ay ikaw...ikaw na ang mauna."- sabi ko.

"Ahhh...oh sige."- sabi niya at umalis na muna ako para bigyan siya ng space.

Aish! Dika naman nag iisip Marj eh..

Nagsimula na siyang pumalo at tumugtog ng drum.

Sumasabay sa beat ang katawan niya at ang gaan ng kamay niya sa bawat pag palo niya sa drum.

Sobrang seryoso at nakapikit pa siya habang tumutugtog.

Napako ang tingin ko sa panatag nitong mukha...

Kung mahuhulog ako sana naman saluhin mo ako...Aish! Ano ba tong nangyayari sa akin?. Erase! Erase!

"Ikaw na.."- sabi niya sabay abot ng drum sticks sa akin.

Umupo na ako at nagsimulang tumugtog. Napangiwi naman ako ng marinig ko ang tune ng tinutugtog ko at masakit ito sa tenga.

"Teka...dapat kapag tumutugtog ka may passion and dedication with matching confidence..Isipin mo na parang nag se siesta ka lang at isipin mo ang magagandang ala ala. Pero kailangan parin ng focus para dika mawala."- Sabi nito.

Passion. Dedication. Confidence.

"Got it!."- sabi ko.

"Wrong din ang paghawak mo sa drum sticks. Dapat ganito. "- Gray.

Lub.dub.lub.dub.lub.dub.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko , biglang uminit ang mukha ko. At parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa kamay ko nang hawakan niya ito...

"Dapat huwag mong masyadong diinan dapat hawakan mo ito na parang parte na siya ng katawan mo."- nakangiting paliwanag nito.

Napatingin lang ako sa kanya...

"Marj..."-Gray.

"Hmm.."- me.

"Y- yong kamay ko..hehe.."- nahihiyang sabi niya.

Agad ko namang tinanggal ang kamay ko..

"S-sorry.."- sabi ko..

AKWARD....

"So simulan na natin.."- sabi nito.

"Ah..sige."- sabi ko.

Damn Marj! Your so Pabo!( Stupid,Fool in korean)

*************

KYLA's POV:








Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon