Last word

14 4 0
                                    

                 *Dona's Pov*

Nakatingin ako sa kawalan at naghihintay na umimik siya.

Ano ba dapat ang tamang sabihin?

"Sorry.."-sabay naming sabi.

Tinignan naman niya ako at kitang kita ko ang lungkot dito.

"Ikaw na ang mauna."-sabi ko.

"Sige..."-sabi niya at saka bumuntong hininga.

"Masakit...masakit yong makita na yakap mo yong taong pinagseselosan ko."-Sabi niya.

"Pero wala ka namang dapat na ipagselos sakanya."-medyo inis na sabi ko.

"Wala nga ba?."-sarcastic na tanong niya.

"Oo naman, wala."-sagot ko.

Napatingin naman ako sakanya ng tumawa siya.

"Talaga? Hahah! Masakit kasi Don eh..yong oo ako yong boyfriend mo pero iba yong mahal mo. Nakakatawa diba?."-puno ng sarkastikong sabi niya.

"Ano bang sinasabi mo Blue? Anong mahal? Ano?!?."-inis kong sabi.

"Bakit totoo naman diba? Totoo na mula nong umpisa hanggang ngayon si Jeoff pa din yong mahal mo diba?!."-galit na sabi nito.

"H-hindi...that's not true!."-sagot ko.

Tinignan naman niya ako na parang hindi naniniwala.

"Pwede ba Dona kahit ngayon lang magpakatotoo ka naman! Pwede ba kahit ngayon lang sabihin mo naman lahat sa akin hindi yong nangangapa ako ng sagot!."-sigaw niya at kasabay non ay ang pagkahulog ng luha niya.

"B-blue.."- humihikbing sabi ko.

Pilit ko siyang inaabot pero iniwas niya ang kamay niya.

"Lahat ba ng pinakita mo sa akin ay totoo?...lahat ba ng nararamdan mo sa akin ay totoo?...lahat ba nang pinakita mo...totoo?."-umiiyak na sabi niya.

Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihing tama na pero natatakot ako....natatakot akong itulak niya ako palayo..

"P-pwede bang kahit n-ngayon lang....sabihin mo naman ang t-totoo?."-pagmamakaawa nito.

Naninikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Alam kong hindi lang to dahil sa pagyakap ni Jeoff sa akin kundi may mas malalim pa.

"O-oo...Oo blue. Noong pinayagan kitang l-ligawan ako...si J-jeoff palang ang laman ng puso ko n-noon...P-pinayagan kitang ligawan ako para m-makalimutan ko na si Jeoff."-paliwanag ko.

"So ginawa mo lang akong reboun?!."-galit na sigaw niya.

"N-no Blue mak- - -."

"What the hell Dona! Parang awa mo na...wag ka ng magsinungaling!."-galit na galit at umiiyak na sigaw niya.

"H-hindi ako nagsisinungaling...Blue naman. O-oo nong una si Jeoff palang ang mahal ko...pero maniwala ka hindi kita gimawang Rebound."-sagot ko.

"M-minahal mo ba ako?."-tanong niya sa hinang hinang boses.

Napatigil naman ako. Oo aaminin ko nong una wala pa akong nararamdaman para saknya pero hindi nagtagal ay minahal ko din siya.

"Oo...oo Blue."-sagot ko.

Ngumiti naman siya pero hindi abot ang mga mata niya.

"Sapat na yon...sapat na yon sa akin."-sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya. Ngayong hulog na hulog na ako sakanya ayoko na siyang mawala. Ayoko na.

Ilang sandali pa ay niyakap niya din ako pabalik at kasabay non ay ang pagkahulog ng mga luha ko.

Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon