8.

30 11 12
                                    

isabel?

Hindi ako makalapit kay Se Jun.
Kanina pa kami nakauwi.

Kanina parin siya walang kibo.
"S-se.. jun?"

Unti unti akong naglakad papalapit sakanya.
Di niya ako sinasagot kaya tinabihan ko siya.

"Sino nga pala yung.. babae kanina?"
Tumalikod siya pagkatanong ko nun.

Kinuha niya ang cellphone niya.
"Park Se Jun."

lumipat ako ng pwesto at pumwesto ako sa harap niya.
"Akin na nga yan"

Kinuha ko ang cellphone niya at inilagay sa tabi ko.
"Bakit ba hindi mo ko pinapansin?"

Kinukuha niya ang cellphone niya sa tabi ko pero hinaharangan ko siya.
"Park...."

"Yung cellphone ko"
Naputol ang pagtawag ko sa pangalan niya.

"Kausapin mo muna ako"
Nagkamot siya ng ulo at nagpe face palm na siya.

Kinukuskos niya ang mata niya.
Alam kong iiyak na siya pag ginagawa niya na to.

"nal bwa"
Nakatungo parin siya.

"nal bwa.. hana.. dul"
Tinignan niya ako sa mga mata ko.

Namumula na ang mata niya kakakuskos niya dito.
"Sino yun?"

Hinila niya ako papalapit at saka niya ako niyakap.
Iyak siya ng iyak habang nakayakap saakin.

"E-eom-eomma"

"Se.. se jun-ah"
Pinapatigil ko siya sa pag-iyak.

Lalong humihigpit ang pagyakap niya saakin.
magulang niya iyon.

"Se jun, tama na"
Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ko ang mukha niya saka ko pinunasan ang basang basa niyang mukha.

"Pero bakit mo sinabi yun ha? Bakit mo sinabi na hindi mo sila kailangan?"
Tinitigan niya lang ako bago siya nagsalita.

"Matagal na nila ako gustong balikan"
"Pero ayoko... ayoko na"

"Iniwan nila ako dati sa tita ko, at di na sila nagpakita ulit ni papa"
"Wala kaming contact sakanila."

"Tapos nalaman ko na nagkaron ng bagong asawa si mama."
"Nagkaron sila ng anak"

"At hindi na niya ko inintindi ulit"
Hinawakan niya ang kamay ko.

Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak.
Dahil wala naman akong magagawa sa ngayon.

"Iiyak mo lang, andito lang ako"
"Pero tandaan mo, magulang mo parin siya"

"Siguro, nagawa niya yon kase nagkaproblema sila ng papa mo"
"Siguro... may mabigat na rason se jun."

Tumayo siya at lumabas ng dorm.
Sinundan ko siya at kinuha ko ang coat niya dahil naka tshirt lang siyang lumabas.

"Se jun! Malamig ano ka ba naman"
Sinundan ko siya sa labas at saka ko ipinatong skaanya ang coat.

"Malamig oh, gusto mo bang magkasakit ha?"
Inaayos ko ang coat at napatingin ako sa mga mata niya at agad ko ring inalis ang atensyon ko doon.

Alam kong nakatitig lang siya sakin.
"Alagaan mo rin yang sarili mo, pano na ko pag wala ka"

Ang winter scarf na suot ko ay inilipat ko sakanya.
Sobrang lamig, doble doble ang suot kong coat at siya naka tshirt lang.

"Yan, okay na"
Hinawakan niya ako at hinila niya ako papalapit.

Niyakap niya ulit ako.
"Salamat"

Niyakap ko rin siya at pabiro ko siyang hinampas.
"Sus, salamat saan?"

"Sa lahat"
"Ako nga dapat nagsasabi niyan diba?"

Hinihpitan niya pa ang pagyakap saakin, mainit sa pakiramdam lalo na makapal ang coat na suot ko.
"Hindi lang yun"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya.
Tinignan ko lang siya.

"Huh?"
Huminga siya ng malalim at saka umupo sa hagdan sa labas ng dorm namin.

"Magpahinga ka na dun, masyadong malamig"
Tinabihan ko siya.

"Iniiba mo naman usapan eh, ano yung sinasabi mo na hindi lang yun?"
Sinasalo niya ang bawat snowflakes na nahuhulog.

Hindi niya parin sinasagot ang tanong ko.
"Se jun, gusto mo kausapin mo ang mama mo?"

Tinignan niya ako.
"Ayoko"

Nag buntong hininga ako.
"Please?"

"Bakit ka ba nagpplease?"
Gusto ko na kausapin niya ang mama niya at magkalinawan sila.

Mama niya parin yun, magulang.
"Kase, mama mo siya. Mahal ka niya Se Jun."

Umiwas siya ng tingin.
"Kalokohan"

Pinalo ko siya sa braso ng mahina.
"Anong kalokohan ka diyan? Basta kakausapin mo siya okay?"

Inialis niya ang scarf na nilagay ko sakanya at ibinalik saakin.
"Basta ayoko, sumunod ka na dito, matulog ka na"

Pumasok siya sa loob ng dorm at iniwan niya ako sa labas.

Basta may gagawin akong paraan.
Mag-aayos sila ng mama niya.

4 O'Clock-book 2 [completed]Where stories live. Discover now