Sequel #1

26 8 5
                                    

3 years and 6months later..

"Bro, seryoso, im nervous. Di ba talaga ako nananaginip?" Tinapik tapik ni namjoon ang likod ko. Kanina pa ako kinakabahan. Sobrang nakaready lahat ng sasabihin ko para sakanya. At kagabi pa ako hindi makatulog. Pero bago yon, pinuntahan muna namin si taehyung. Gusto naming magpakita sakanya bago kami ikasal. Pero hindi parin talaga ako makapaniwala. Mamaya lang, makikita ko na ang bride ko habang naglalakad sa aisle habang papalapit sakin. Ang babaeng makakasama ko habang buhay.

"Nababakla ka na sejun! HAHAHAH" Pang-aasar ni renz at ngayon nakaupo lang sila ng kapatid niya sa sofa. Parang last 2 years sa pagkakaalam ko ako naman yung nang-aasar sakanya ng ganyan. I didnt know na gagantihan niya ako ngayon! "Seryoso! Kinakabahan talaga ako."

"Alagaan mo yung bestfriend ko ha?" Tinignan ako ni namjoon. Sobrang swerte rin ni isa sa bestfriend niya. Swerte sila sa isa't isa. "Pag nalaman kong pinaiyak mo yon, hinding hindi ka na makakalabas ng buhay sa bahay niyo" Nagtawanan naman sila renz sa likod. Kahit ako napangiti rin. "Oo naman, I promise, I'll take care of her at hindi ko siya sasaktan. Dont worry, magiging maayos ang lagay ng bestfriend mo."

"Mabuti na yung malinaw." Dagdag pa ni namjoon at bigla namang pumasok sa room namin ang kapatid ni isa, si kuya Jin. "Oh ready na pala ang mapapangasawa ng kapatid ko!" Sabi niya habang papalapit saamin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang.

"Alam mo na ha, kami ni namjoon ang bahala sayo pag sinaktan mo yung kapatid ko." Ngumiti naman ako at tumawa naman sila ni namjoon. "Yes kuya, promise aalagaan ko siya. Kinakabahan na nga ako kuya. Feel ko mauutal ako pag kaharap ko na siya."

Ganun ba talaga pag ikakasal ka na sa taong pinakamamahal mo? Hindi mo na alam kung anong ikikilos mo or sasabihin mo basta nasa harap mo na siya.









Nagbukas na ang malaking pintuan ng simbahan. At ang unang nakita ko, ay siya. Ang pinakamagandang babae sa buhay ko. Sobrang bagay na bagay sakanya ang wedding gown na suot suot niya. Lalo na, sobrang ganda ng ayos niya, Nakatali ang buhok at sobrang aliwalas ng mukha. Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga ngiti niya. Ngiting nagpabihag sa puso ko una palang. Napabuntong hininga ako. "Hindi na kita papakawalan pa, isa, hindi na."

Mabagal na paglalakad ang ginawa niya habang papalapit sa altar. At habang naglalakad siya, kitang kita ko ang mga ngiti niya. Unti unti ko nang namalayan ang namumuong luha ko sa mga mata ko. Iba talaga pag nagmamahal. Kahit sobrang tagal, kaya mong hintayin. Kahit sobrang tagal, kaya kong magsakripisyo.

Sinalubong ko kaagad siya dahil malapit na siya saakin, hinawakan ko ang kamay niya at sobrang lambot parin nito. Tinignan ko siya, nginitian niya ako. At sa mga oras na yun, nahanap ko na ang totoong kahinaan ko.

"You look beautiful, love." Bulong ko sakanya at inalalayan ko siya papalapit sa altar. Lumapit naman siya saakin at bumulong, "Thank you"

Hanggang sa nagsimula ng ang kasal at ang pinakahinihintay ng lahat, ang pagpapalitan ng wedding vows para sa isa't isa. Ang pinakahinihintay ko. Pero hindi ko na papahabain pa, alam kong nasasabi ko na sakanya ang lahat ng to araw araw. Gusto ko nalang na, sabihin ang mga bagay na gusto kong tandaan niya at wag na wag niyang kakalimutan.

Hindi ko naman akalain na iiyak ako sa harap niya habang nagsasalita. "Love, being with you is what I call happiness. Being with you is priceless. Dati palang alam ko na, ikaw yung perfect na babaeng papakasalan ko. Napagdaanan na natin lahat ng hirap lalo na habang nagaaral tayo sa medical school. At lahat ng pagod na yon, laging nawawala basta andiyan ka. Sabi ko sa sarili ko na pag naging akin ka, lagi kitang aalagaan, papasayahin, poprotektahan." napahinga ako ng malalim at saka ko pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. Tinignan ko siya ulit sa mga mata niya, ang ganda. Ang ganda mo parin talaga. Hindi lang ako makapaniwalang makakasama ko siya habangbuhayl "At... sa totoo lang, hindi ko alam na aabot tayo dito. Diyan, sa kinatatayuan natin ngayon. Sa harap ng altar, at sa harap ng madaming tao na makakakita kung paano tayo ikasal. Hindi ko maisip na may kasama akong iba, kundi ikaw lang. You are all I want, at hindi magbabago yon. I love you." I sighed. "I, Park Sejun, take you, Isabel Reyes, to be my wife, I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life."

At kasabay ng paglagay ko ng singsing sa kamay niya, sumagi sa isip ko na wala ng makakahadlang satin. Taehyung, alam kong andito ka, alam kong masaya ka. At salamat sayo, nakilala ko siya.

"Sejun-ah.." Ngumiti pa siya at hinawakan ang kamay ko bago magsimula. "Araw araw kong pinapaalala kung gaano ako ka thankful dahil andiyan ka. Naalala mo pa ba nung sinabi ko sayo na, ikaw yung dahilan kung bakit ako naging masaya ulit? Ikaw ulit yung nagbigay ng kulay sa buhay ko na akala ko, matatapos na. Masyado ng cliche kung sasabihin ko pa to, pero wala na kong hahanaping iba basta nasa tabi mo ko. Pag andiyan ka, alam kong safe ako. Alam kong poprotektahan mo ko, and I want to do the same thing para sayo. Tandaan mo na, kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa kamay ko. Katulad mo, hindi ko rin naman inexpect to. But everything has changed. And thanks to you, nagagawa ko na ulit ang mga bagay na wala akong lakas gawin noon. I love you, please stay with me kahit na hindi na ko makatayo." She chuckled. Kahit sa huling hininga ko, sasamahan parin kita. "I, Isabel Reyes, take you, Park Sejun, to be my husband, I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life."

And by that time, I softly kissed her lips, na puno ng pagmamahal.








"Patingin ako nung isang picture love dali, feel ko ang cute mo dun eh! Loveeee dali" Natauhan ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at kumaway kaway sa harapan ko. "Ah? Oo love hehehehe sorry"

"Ano bang iniisip mo loveeeeyy?" Sobrang clingy niya lagi, basta ewan ang cute cute niya lagi pag ginagawa niya ang aegyo niya. Hindi ko maintindihan pero hanggang ngayon sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Ano bang ginawa mo sakin isa.

"Wala love, naalala ko lang yung kasal natin" Tinitigan ko siya na ngayon ay nasa harap ko habang hawak hawak ang photo album. "Love, sana wag munang lumaki si Jin Ae no? HAHAHAHHAA, Ang cute niya kasi diba jagi?" Tinignan niya ang anak namin na kasalukuyang natutulog sa crib. "Love baka maliit rin siya"

Napatingin namana ko bigla, aaaaahhhhh eto nanaman siya. "ISAAAAAAAAA!!!" Bago ko pa siya tuluyang mahabol tumayo na agad siya papalabas ng kwarto namin. HAY KAHIT KELAN TALAGA!

EXCUSE ME, TUMATANGKAD NA KAYA AKO.

























please understand kung puro fastforward.
because this is just a sequel, and siningit ko nalang talaga.
ayoko naman na iwan ko kayo sa part na hindi sasabihin kung ano na ang nangyari kela isa and sejun.
and saakin rin, hindi rin ako makuntento pa sa ending.
konti nalang to guys, sana wala ng bitin bitin ganern. HAHAHA.
im planning to edit my previous chapters, then lalagyan ko ng pictures or videos bawat chapter, siguro pag naend ko na talaga ang story saka ko gagawan.

enjoy reading!

4 O'Clock-book 2 [completed]Where stories live. Discover now