Dati

126 14 0
                                    

Dati

I.
Mahal naaalala mo pa ba?
Yung dati na masaya pa tayong dalawa
Yung dati na walang problema
At yung dati na puro lang tayo tawa.

II.
Mga pangako natin sa isa't isa
Mga pangarap na binuo nating dalawa
Panghabang buhay na sana
Kung hindi lang dahil kay tadhana

III.
Anong nangyari sating dalawa?
Yung dating masaya ay biglang nawala
Biglang naglaho na parang bula
Sakit at kalungkutan ang aking nadama.

IV.
Hindi ko lubos maisip
Kahit manlang sa panaginip
Ang tadhana ay sadyang napakalupit
Pinaglayo niya tayo at ito'y nagdulot ng sakit

V.
Sakit na hindi inaasahan
Sakit na gusto kong kalimutan
Bakit ko ba ito nararanasan?
Bakit ko ba ito nararamdaman?

VI.
Ako'y iniwan mo.
Pinagpalit at niloko.
Sa pagkakaalam ko
Hindi ako nagkulang sayo

VII.
Huwag kang mag alala
Makakalimutan din kita
Hindi man ngayon
Pero sa tamang panahon

VIII.
Sana masaya ka sa piling niya
Sana ay alagaan ka niya
Katulad ng pagmamahal at pagaalaga ko sayo
Yung tapat, totoo at seryoso

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon