Ikaw at Ako = TAYO

1.6K 15 1
                                    

I.
Sa dinami rami ng tao sa mundo
Bakit sayo pa ako nagkagusto
Isang araw paggising ko
Ikaw na ang laman ng aking puso

II.
Hindi ko ninais na mahalin ka
Pero sa tuwing nakikita kita
Pintig ng puso ko'y kakaiba
Dahil ba sa kaba o sadyang mahal talaga kita.

III.
Kapag ika'y kausap ko na
Ngiti ko'y abot hanggang tenga
Hindi mapigilan ang saya
Sa tuwing kasama kita

IV.
Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito
Pero tulad nga ng sabi ko, hindi ako aalis sa tabi mo
Sana ay paniwalaan mo ako
Dahil pagdating sayo, seryoso ako

V.
Sa mundong ito
Mayroong Ikaw at Ako
Humadlang man sila
Ipaglalaban parin kita

VI.
Noong una nating pagkikita
Hindi ko inaasahang ikaw na pala
Ikaw na pala ang saaki'y nakatadhana
Ang saaki'y magpapasaya at magpapaluha

VII.
Nagseselos ako sa taong malapit sayo
Hindi dahil madamot ako, pero dahil natatakot ako
Baka kasi sumaya ka sa iba
At makalimutan mo kung paano kita napasaya

VIII.
Ibibigay ko ang buong tiwala ko
Dahil alam kong mahal mo ako
Ikaw yung nagpapasaya sa araw ko
Sa mga panahong natatakot at nalulungkot ako

IX.
Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko
Pero ang gusto ko
Ikaw ang huling hahawak ng puso ko
Dahil sa mga oras na ito, wala ng hihigit pa sayo

X.
Hindi man tayo laging magkasama
Hindi naman yon ang dahilan para ipagpalit kita
Huwag mong kalimutan na sa bawat araw na wala ka
Wala akong ibang iniisip kundi ang makasama ka

XI.
Lumabo na lahat kahit mga mata ko
Huwag lang lumabo yung TAYO
Yung TAYO na mayroong IKAW at AKO
IKAW at AKO hanggang sa DULO.

Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon