I.
Noon, masaya pa tayong dalawa.
Noon, nagpapansinan pa.
Panahong wala pa tayong problema
Pero bakit nung nalaman mo bigla kang nag iba?II.
Matagal kong tinago ang nararamdaman ko.
Pero dumating na sa puntong nalaman mo ang sikreto ko.
Matagal kong sinarili ang pagkagusto ko sayo pero nagulat nalang ako...
Biglang nagkaganito...III.
Simulan natin sa umpisa.
Sa umpisang ako'y kinakausap mo pa
Sa umpisang masaya pa tayong magkasama,
At yong umpisa na puro lang tayo tawa.IV.
Ang sayang balikan ng mga alaala.
Yung mga alaalang masaya kasama ka.
Alaalang hindi ko naranasan sa iba.
Dahil sayo lang ako nakaramdam ng ganitong saya.V.
Pero sa isang iglap
Naisip kong ang hirap pala magpanggap
Magpanggap na kaibigan lang ang turing sayo.
Kahit ang totoo, sobrang napamahal na ako sayo.VI.
Kaso nalaman mo...
Siguro iyon ang dahilan ng iyong paglayo.
Iningatan ko ang katotohanang gusto kita.
Pero sa bandang huli, umiwas ka.VII.
Hindi na tayo tulad ng dati,
Na masaya pa sa tuwing magkatabi.
Pero ngayon, napapansin ko.
Na unti unti ng lumalayo ang loob mo.VIII.
Ngayon, mas masaya ka na sakanya.
Ngayon, kayo na ang gumagawa ng mga bagay na dati ay tayo ang gumagawa.
Tanggap ko na sanang may gusto kang iba.
Pero bakit sa kaibigan ko pa?IX.
Bakit kaibigan ko pa?
Sa dinami rami ng babae, bakit siya pa?
Yung kaibigan na lagi ko pang kasama,
Yung kaibigan na tinuring ko ng pamilyaX.
Ngunit tila lahat ng ito'y nagbago na
Dating kaibigan ko na ngayon gusto mo na.
Dating kaibigan ko na hindi mo naman napapansin.
Pero bakit sa kanya pa napunta ang iyong atensyon at paningin?XI.
Bakit ngayon nagbago ka?
Dahil ba nalaman mong gusto kita?
Dahil ba suklian ang pagmamahal ko sayo'y hindi mo kaya?
O sadyang umasa lang ako ng sobra?XII.
Na magugustuhan mo rin ako tulad ng pagkagusto ko sayo.
Pero magpapakatatag ako.
Dahil hindi lang naman sayo umiikot ang mundo ko.
Kung mas masaya ka sa kanya, edi magsama kayong dalawa.XIII.
Pangako, hindi ko kayo guguluhin.
Dahil alam kong may taong nakalaan para sakin.
Yong tipong mamahalin ako at mamahalin ko rin.
Panghabang buhay, hanggang sa huling hininga namin.