May IKAW at AKO pero WALANG TAYO

591 13 0
                                    

I.
Sa mga oras na sinusulat ko ang tulang ito
Pumapatak ang mga luha ko
Pero kakayanin ko ang lahat ng ito
Para lang sa'yo

II.
Bumalik tayo sa umpisa
Sa umpisa na tayo ay masaya pa
Sa umpisa na walang kalungkutan
Sa umpisa na puro kasiyahan

III.
Hanggang sa dumating yung araw na kinatatakutan ko.
Nalaman mo ang aking sikreto.
Sikreto na matagal kong itinago sa iyo.
Sikretong pinaka iniingatan ko.

IV.
Ang sabi mo ay maghintay ako
Hanggang sa araw na iyong mapagtanto,
Na ako rin ay gusto at mahal mo.
Pero ang tanong, may mahihintay ba ako?

V.
Pero bakit bigla kang nagbago?
Iyong dating ikaw ay biglang naglaho
Ang ikaw at ako ay biglang nagulo
Pero hanggang ngayon ay umaasa ako.

VI.
Kahit masakit ay titiisin ko
Kahit mahirap ay kakayanin ko
Ikaw lang kasi ang gusto ko at ng aking puso.
Kaya hanggang ngayon ay maghihintay ako

VII.
Pinanghahawakan ko parin ang sinabi mo
Sinabi mo na maghintay lang ako
Miss na miss ko na yung dating tayo
Pero naisip ko, IKAW at AKO lang pala dahil WALANG TAYO.

VIII.
Hanggang isang araw, nagising nalang ako.
Na wala pala talagang TAYO dahil mayroon ng KAYO.
KAYO na binubuo ng siya at ikaw
Kaya ang tangi kong nagawa ay ang bumitaw.

IX.
Masakit mang isipin na walang TAYO.
Siguro nga ay dapat na akong sumuko.
Sa isang relasyon, hindi pwedeng may ikaw, siya at ako.
Dahil ang pagibig ay binubuo lang ng dalawang tao.

Mga Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon