Chaeyoung's P.O.V.
L-Leader-nim, pwede ba akong pumunta sa bahay ni Vurihel? tanong nito kay Jihyo. Pupunta ka nanaman doon? Ano ba meron sa lalaking yan? bakit hindi mo kayang kalimutan? ang mailap na sagot nito kay Chaeyoung. Pero Unnie~ nagbuntong -hininga na lamang si Chaeyoung dahil kung susumbatan pa niya si Jihyo ay baka mapahamak lang ang career nito kaya nagbalak ito na tumakas para makipagkita kay Vurihel.
Jagiya! Ikaw na ba yan? kanina pa kita hininhintay. ang taos pusong sigaw nito kay Vurihel na hindi siya naalala nito. nagbuntong-hininga na lamang ito at binulong sa sarili na ang "Haa, baka pagod lang siya from school kaya hindi niya ako naalala." . "Baaabbyyyy Beeeassstt! saan ka na? Tumakas ka nanaman! ang sigaw ni Ji Hyo na galit na galit dahil nalaman niya na wala nanaman si ChaeYoung sa dance practice nila para sa bago nilang kanta.
"Ha? Ano yun? Totoo ba ang narining ko na wala nanaman si Chaeyoung sa dance practice? ang nagtatakang at kagulat-gulat na sabi ni JYP. "yari! andito pa pala si JYP nim" ang bulong nito sa sarili. "Ah. uhmm, opo Seonsaengnim, wala po si Chaeyoung... hayaan niyo po muna, Ipapatawag ko nalang po kay Mina. ang sagot nito kay JYP. " Ok.. Sige.. Basta Girls, galingan niyo sa practice ha. kilala niyo naman na ako.. ayaw na ayaw kong hindi dadating sa trending ang bawat activities niyo. gusto ko kayo ang Number one sa buong mundo" ang kalmadong sagot ni JYP kay Ji Hyo.
"Miiinnnaaa!" ang pasigaw na tawag ni Ji Hyo kay Mina. " Yess, L-Leader nim" ang magalang na sagot ni Mina kay Ji Hyo. "Tawagin mo nga si Chaeyoung. Mukhang pumunta nanaman siya sa prinsipe niya "daw" na si Vurihel" ang utos nito kay Mina. "Ok po. Unnie" ani niya.
Naglakbay si Mina kung saan-saan dahil hindi niya alam kung saan o sino si Vurihel kaya hindi niya rin alam kung saan nagpunta si Chaeyoung. Habang naglilibot hindi niya namalayan na nakabalik na para siya at tinignan ni Mina ulit sa kwarto si Chaeyoung. Bumuntong-hininga si Chaeyoung at " Bakit kaya hindi ako naalala ni Vurihel?" bulong nito sa sarili. "Ayun! Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." ang sabi ni Mina na hingal na hingal kakahanap kung saan-saan. "Bakit Unnie? practice na ba natin?" ang sagot ni Chaeng kay Mina. "Oo, Chaeng" sagot nito. "Teka lang Unnie, Ipapanood ko lang kay Vurihel yung MV natin na One More Time sa youtube" sinabi ni Chaeyoung na tila humihingi ng permisyon kay Mina. "Sige, pero sasama na ako sayo para makilala ko naman yan kinakabaliwan mo." sagot ni Mina. "OK po Unnie salamat po." sagot nito na nagpapasalamat dahil pinayagan siya pumunta kay Vurihel para ipanood ang MV nila na One More Time.
"Ah. Chaeng-ah... Tama ka nga... gwapo nga itong lalakeng 'to. pwede bang akin nalang siya?" pabirong sagot ni Mina kay Chaeyoung. Ngunit hindi ito narinig ni Chaeyoung na bising-bisi kumakausap kay Vurihel.
Nang pabalik na sila sa kanilang studio , "Unnie, hindi mo pwedeng agawin si Vurihel sa akin ah. Akin lang siya!" ang sabi nito kay Mina na parang narining niya ang biro nito kanina. " Ah. Sige Dongsaeng-ah" "Tara na! na Unnie, leyt na nanaman tayo sa dance practice natin... Mianhae-yo Unnie... at pati ikaw nadamay sa kabaliwan ko kahit alam ko na hindi naman natin kapareho si Vurihel" ang patawad na sumbat nito kay Mina. "Ok. lang yun Chaeng... mas mabuti pa eh, bilisan nalang natin bago pa mainis ang ibang members sa atin" ang nagmamadaling paalala nito kay chaeng.
"Saan kayo galing? hindi niyo man lang kami sinama... T_T" sabi nina Na Yeon, Sa Na, at Da Hyun ng magkakasabay. " Halina kayo.. practice na tayo ng sayaw" sabi ni Ji Hyo na kanina pa nag-iintay para magpractice.
Habang nagpra-practice kami, nagtanong sa akin si Na Yeon kung gwapo daw ba. Ang sabi ko naman gwapo sino? sabi niya "Si Vurihel gwapo ba?" "Uhmm.. Oo naman po Unnie" ang magalang na sagot nito kay NaYeon.
"Ok members... break muna tayo" ani ni Ji Hyo. Nang Dumating si JYP para I-check kung nagpra-practice na ang TWICE sabay tanong na "Nandyan na ba si Chaeyoung?" Lumapit si Chaeyoung at Da Hyun kay JYP at "kaka-break lang po naming, JYP-nim" ang magalang na pagkasabi nina Ji Hyo at Chaeyoung. "Ah, Sige... Chaeyoung sumama ka sa akin sa office ko kailangan natin mag-usap... At kayo pagkatapos niyong mag break, practice agad kayo ha"Bago Umalis si Chaeyoung at JYP "Yess po JYP-nim" sagot ng TWICE members maliban kay Chaeyoung. "Tara Chaeyoung, Usap tayo sa office ko" Sumunod ito kay JYP-nim.
Hanggang sa nakarating na sila office nito at nakaupo na. "Ms. Son Chae Young, saan ka pumunta kanina?" tanong ni JYP kay Chaeng.
"Sa Dream Guy ko po" nahihiyang sagot ko. at nagtanong ulit siya na sino naman ang dream guy mo? "Si V-Vu-Vuririhel po" kinakabahan at nahihiyang sagot ko sa tanong niya. Vurihel? Taga saan naman yun? " sa ano po.. anyways, dream guy ko po siya" kabadong kabado na ako dahil alam kong hindi paniniwalaan ang sasabihin ko kahit na totoo ang sasabihin kong statement sa kanya dahil may iba talaga sa Vurihel na iyon.
"Sasabihin mo ba o hindi? Tandaan mo Underling lang kita" panakot ni JYP kay Chaeng.
"Si Vurihel po kasi ay nanggaling sa ibang mundo" katakot-takot na sinabi ni Chaeng kay JYP
"Huh? galing sa ibang mundo? what do you mean?" tanong ulit nito sa akin.
"Si Vurihel po ay isang tao .... at..... tayo ay nasa imaginative world ng mga tao" sagot nito kay JYP. habang unti-unting humihinto ang oras ng mundo nila JYP ay hinahatak papunta ulit kay Vurihel o sa Real World si ChaeYoung.
**To be Continued**