Chaeyoung's P.O.V
Sinubukan kong puntahan ang bahay ni Vurihel Ngunit hindi na ko kayang gawin ang ginagawa ko dati para makapunta kaagaad sa tabi ni Vurihel kaya naglibot-libot ako para mahanap ko si Vurihel. Patawid palang ako sa isang kanto at may nakita akong isang lalake na may hawak ng album ng TWICE kaya na-curious ako at sinundan ko siya at nagbakasakali na siya na nga ito. Ang lalaking ito at hindi ko namumukhaan at nakahood pa kaya hindi ko masabi na siya ba talaga o hinde.
"Kuya, kilala niyo ba si Vurihel Lee?" tanong ko sa lalakeng sinundan ko. at hindi ang sagot niya sa akin. Ang hirap naman niyang hanapin baka naman nakaka-travel din sa ibang world gaya ko o baka naman nasa school pa siya ang nag aalangan ko na sinabi sa sarili kaya muli niyang tinanong ang lalake kung nasaan ang HBC para puntahan sana si Vurihel.
Habang nasa biyahe, paano kapag hindi ko maabutan si Vurihel sa school nila. "Ano nang gagawin ko? " ang bulong sa sarili. tumingin ako sa orasan ko at 5:00 PM na pala hindi pa ako nakakarating at baka wala na doon si Vurihel.
Nang nakarating na ako sa HBC at tinanong sa guard na kung nasaan si Vurihel Lee ay ang tanging sagot lang niya sa akin ay "Hindi ko alam" na nakasimangot pa niyang sinabi ito sa akin. At napaisip agad ako bigla na guard nga ba talaga siya dito? bakit hindi niya kilala si Vurihel Lee.
At nagtanong ako sa ilan mga schoolmates ni Vurihel na naglalakad pauwi at sa nakarating ako sa isang grupong magkakaibigan na puro lalake na sina Mark, Jarvis, Joshua, at Alex.
"Kilala niyo po ba si Vurihel Lee? Saan siya pumunta?" ang tanong ko sa kanilang magbabarkada at nasagot nila ang tanong ko sa kanila ngunit nalungkot ako sa sinabi nilang iyon at nagtanong ulit ng "Saan po ba bahay nila?" na Nagaalalang sinagot nina Jarvis, Mark, Joshua at Alex ang tanong na iyon subalit bakit hindi nila masagot ito kaagad? kaya hindi ko na naintay na masagot ang tanong ko sa kanila at umalis agad ako dahil ang sabi nila sa akin na naka uwi na daw kasi si Vurihel sa bahay nila kaya nagmamadali akong sumakay ng bus para maglibot ulit na para makita ko na siya. At tinatry ko ulit kung gagana pa ang ginagawa ko dati para makarating kaagad sa tabi ni Vurihel ngunit nabigo nanaman ako. Habang nakasakay ako sa bus, may nagtanong sa akin na isang lalake na hindi naman katangkararan sa height, "Miss, saan ka bababa?" at sinagot ko naman siya ng maayos at magalang na paraan "Sa lugar ni Vurihel, saan po ba iyon?" at sinabi niyang kaibigan ko iyon si Vurihel Lee. "Ahh... Samahan na kitang pumunta doon." ang bigla niyang sabi na napalaki niya ang mga mata ko sa sobrang gulat ko na kaibigan daw niya ito kaya tinanong ko kung ano ang pangalan niya para may I-kwento ako kay Vurihel sa oras na magkita kami.
"Ano pong pangalan niyo?.. Mister mabait" ang tanong ko sa kanya
"Allen... tawagin mo nalang akong Allen dahil diyan ako nakilala ni Vurihel" ang sagot nito sa akin na tila may tinatago ba ito sa akin na ayaw niyang ibigay ang totoo niyang pangalan.
Nang nakarating kami sa gate nila Vurihel, may isang babae ang nakita naming binubuksan ang pintuan ng bahay.
"Tao po? Dito po ba ang bahay ni Vurihel Lee?" ang tanong ko sa babae
"Oo,dito nga... anong kailangan niyo sa kanya?" ang sagot ng misteryosong babae na nanay pala ni Vurihel
"Salamat Allen.. ha. ng itinuro mo sa akin ang bahay nila Vurihel" ang tuwang-tuwa na sabi nito sa kanya.
"Vurihel! may bisita ka dito sa labas!" ang sigaw nito sa kanyang anak at nagmamadaling kumilos ito para lumabas ng itinanong nito ang kanyang nanay na "Sinong Bisita?"
"Jagiya mo daw" ang sagot ng kanyang ina. Jagiya? napangiti ito at isipin na may Jagiya pala siya kaya dali-daling binuksan ang gate ngunit nakita niya ang itsura ng babaeng parehong-pareho sa nakapasok sa kwartong ni-lock niya at sinabing