Vurihel's P.O.V
"Vurihel, may naghahanap sayo na isang magandang babae na nagsasabing Jagiya mo raw siya" sabi sa akin ng guard sa school
"Ah. baka si Chaeyoung yun pero bakit pumunta pa siya sa school ng ganitong oras? eh, ang pinagusapan namin ay 3:30 at sa Max's kami magkikita hindi dito sa school." tanong ko sa sarili na tila nagtataka at patuloy na ako naglakad papunta sa klasrum namin nang biglang may humila sa braso ko na bubuksan ko na sana ang pinto ng klasrum para makapasok. At nang tinignan ko kung sino ang humila sa braso ko si Hani para iyon at nagmamadali niyang sinabing " Si 크리스탈 nahimatay sa hagdanan, Please Vurihel tulungan mo naman siya." sa akin na mabilis naman akong tumango sa kanya at pumunta kaagad dito para dalhin ito sa clinic dahil sa pagkawala nitong malay at sinabi ko sa mga kaibigan ni 크리스탈 na mauna na sila sa clinic at sabihin na mayroon nahimatay o biglang nawalan ng malay para maihanda ang paghihigaan nito sa clinic.
Nang hiniga ko na siya sa clinic at pabalik na ako sa klasrum bigla akong tinawag ng nurse na kailangan daw ng lalakeng magbabantay dito para pag nawalan ulit ito ng malay ay maibabalik na ito kaagad sa clinic at para hindi na siya tumumba kaya pinabalik na rin niya sa klase ang mga kaibigan nito.
Nang magising na si 크리스탈 bigla siyang nagtanong na "Anong nangyari? Bakit ako nandito?"
"Nahimatay ka 크리스탈 sa hagdanan at sa akin nagpatulong ang mga kaibigan mo para dalhin ka dito sa clinic" ang mahinahon kong sinabi sa kanya
"Anyways, Kaya mo na ba? Hindi ka na ba nanghihina para makabalik na tayo sa klase natin?"
"Baka magpalipas muna ako dito saglit at magkuwentuhan muna tayo. Tara! upo ka dito sa tabi ko"
"Uhmm. 크리스탈 gusto mo bang malaman ang sikreto ko?
"Sige sure.."
"Kung gusto mong malaman ang sikreto ko ay basahin mo itong notebook at malalaman mo ang lahat" ang kalmadong sabi ko sa kanya habang iniaabot ang isang notebook na may laman na gusto kong sabihin sa kanya ngunit wala akong pagkakataon at lakas ng loob para sabihin ito ng personal kaya ginamit ko na ang pagkakataon na ito para makausap siya at sabihin na mahal ko siya.
Ang nakasulat sa note book ay naka Hangeul pero marunong din naman siya magbasa ng Hangeul kaya okay lang kahit makita ng ibang tao dahil hindi naman niya ito masyadong maiintindihan.
"Seryoso ka dito Vurihel? gusto mo talaga ako?"
"Go on! basahin mo pa hanggang sa huli" ang utos ko sa kanya para maiwasan ang mga tanong nito
"Ano?! Op-Oppa kita? Kailan ka ba pinanganak?" tinanong niya sa akin at nagtataka na mas matanda ako sa kanya
"January 30, 2000 ako naipanganak kaya ako mas matanda sayo" sagot ko sa kanya para maniwala siya na Oppa nga niya ako
"런닝맨 fan ka rin?... Kailan pa?"
"Oo, matagal na..." sabi ko sa kanya at pinatuloy pa niya ito ang pagbabasa sa notebook na parang interesado na sa kung anong nakasulat
"Ahh. Twice fan ka rin tapos tawag sa inyo ay Once... " at nabasa niya na rin ang nag-iisang English phrase roon. ang "We always bumped to each other but we don't even converse once" at tinanong niya ako.
"Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin? O kaya eh kahit maglakas ng loob man lang para sabihin ito sa akin... " ang tanong niya sa akin at ibinalik na ang notebook ko kahit na hindi pa niya nababasa ang lahat ng nakasulat.
"Binabalik mo na sa akin?.. pero hindi mo pa nabasa lahat..."
"hindi na kailangan pa.. dahil alam ko naman na ang ipinaparating mo sa akin, Tama ba? at bibigyan kita ng pagkakataon na kausapin ako ng personal araw-araw"
"Oo.. nabasa mo na nga ang lahat ng kailangan mong mabasa at salamat dahil bibigyan mo ako ng chance na makausap ka sa personal.. Salamat talaga"
Hindi na namalayan ni Vurihel na lampas na pala sa oras ang napagsunduan nina Chaeng at Vurihel at sa ganoon, hindi alam ni Vurihel na sinusundan na siya ni Chaeng para malaman niya kung bakit wala pa siya sa meeting place nila.
"Chaeng, Sorry kung na leyt ako, marami kasing pinapagawa ng teacher namin eh" agad na sabi niya kay ChaeYoung ngunit alam ni Chaeng ang tunay na na nangyari at alam din niya na nagsisinungaling si Vurihel.
At nang tapos na sila kumain, Bigla kong sinenyasan ang waiter na para ihanda na ang dessert sa mesa pero ang nilagay ng waiter yung isa naka takip at yung isa at walang takip na kita-kitang halo halo ang dessert na nilagay nito sa tapat ko habang nilagay ng waiter ang naka takip kay ChaeYoung at pag angat nito ng takip bigla akong lumuhod at nag propose na biglang nagulat din ni ChaeYoung sa mga nakita niya at bigla itong kinilig.
**To be Continued