Chap. 1 (Spaget-- Spaghetti)

4 0 0
                                    

"Mang Bert! Pasundo si ako!" tawag ko sa driver namin.

"Ah sige ija. Sandali lang." sabi niya at kinuha ang susi sa tabi ng tv sa sala

Nauna na ako sa sasakyan at hinintay nalang siya. Nasa backseat ako ng sasakyan. Ayoko ng umuupo sa harap.

Mamaya-maya ay hinatid na ako ni Mang Bert sa school. Mabait naman si Mang Bert.

Ilang taon na rin siyang nagta-trabaho sa pamilya namin. 55 years old siya ng magsimulang mag-trabaho sa 'min at hanggang ngayong 63 years old na siya ay andito pa rin siya. Matanda na rin si Mang Bert.

Naglakad na ako kasabay ng mga ibang estudyante papasok ng school. May mga bumabati at hindi naman ako nag-aatubiling batiin din sila pabalik

"Bebot bebot be-bebot bebot be bebot bebot break it down yow!" narinig ko na ang maingay na boses ni Polly. "Heyyow wassap My Dear Friend! Do you know BTS?"

"BTS?"

"Behind the scenes men!" sabi niya sa 'kin.

"Joke ba yun?"

"Hindi."

"Tara na nga pumasok nalang tayo. Anong oras na oh." aya ko sakanya

"Late nga nga tayo eh. Hinintay lang kita."

"Edi sana pumasok ka na"

Hindi naman ako ganon ka-sikat sa school. Medyo lang, ganon kasi tita ko ay ang owner ng school na ito. Walang pake ang mga estudyante sa isa't-isa, pero hindi yung as in na walang pake. Pero kahit na ganoon mababait naman sila.

"Goodmorning class." sambit ni Mr. Morgan, Proffesor ng Reading at literature.

"Goodmorning Mr. Morgan" ani ng lahat

Si Mr. Morgan ay isa sa mga mababait na teacher sa eskuwelahang ito. Paano ko nasabing mabait? Well, hindi siya nagpapa-project sa amin :3 at silahis siyaaa!

"Ilabas niyo muna mga notebook niyo. Hindi muna ako magdi-discuss. Kopyahin niyo muna 'to." ani niya sabay itinanggal ang takip sa projector na kanina niya pa kinabit.

After 20 mins.

"Andami namang pinapakopya nito." bulong ni Polly

"Ssh!"

"Okay class, sa susunod niyo na 'yan kopyahin. May date pa kami ni Mr. Calix, so it means malaya na kayo. Go gala na."

Pagkatapos nun ay nagsigawan ang mga kaklase namin. Napatakip nalang ako sa tenga.

"Polly at Faiitthhh! Bakit kayo nagsosolo dyan? Napaka-petmalu niyo!" sigaw ni Noriko

"Dalawa kami so hindi solo yun." sagit ni Polly

"Tara. Nagugutom ako."

"Lagi naman Noriko Alyas Laylay Santos." ani ni Polly

"Gaga."

"Gago."

Pagkatapos nga nila mag-bangayan ay pumunta na kami sa cafeteria.

"Parang gusto ko kumain ng spag." sabi ni Nori habang hinihimas ang tyan

"Bumili ka."

"Bili mo 'ko, Faith." sabi niya sabay puppy eyes

"Mukha kang aso."

"Noriko mylabsosweeettt~!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Bartolome sa tabi ni Polly

"Yuck kadiri. Tara na nga Faith." bigla akong hinila ni Polly

The Tall BoyfriendWhere stories live. Discover now