Chap. 3 [Second Interaction]

6 0 0
                                    

'Hi ganda, alam kong may regla ka ngayon :)'
-A

Ayan. Ayan ang nakalagay sa sticky note na nakapatong sa damit ko. Hindi ko alam kung maiinis, maaasar, o matutuwa ako dito.

"So may ideya ka na ba kung sino iyan?" tanong ni Noriko habang tinitignan ang mga kuko niya

"Sikretong petmalu." sagot ko. "So asan na nga ba talaga si Polly?" kamot ulo kong tanong sa kaniya.

"Hinanap yung nagbigay sayo nyan."

"Eh?"

"Pero joke lang ulit. Absent siya ngayon."  sabi niya sabay nag-peace sign.

"Wala naman akong regla ngayon, gaga!" singhal ko kay Nori

"Heyow bro's!" nakarinig naman ako ng high pitched voice.

Mukhang alam ko na kung kanino iyon ah :3

"Uy Polly bakit ka late, gaga! Ano oras na oh. Akala ko a-absent ka na." nagaalalang tanong ni Noriko

Lumapit naman siya sa amin at parang may pilit tinatago sa likod niya.

"Gaga kasi kanina papasok ako nakita kong tumagas yung regla ko!" bulong niya sa amin nang makalapit siya

Lumaki naman ang mga mata namin ni Noriko nang mapagtanto kung para kanino talaga ang uniform at yung napkin

"May ibang nakakaalam ba ng tungkol dyan sa regla mo?" tanong ko sakanya

"Hindi ko matandaan." ani niya sabay inilagay ang kamay sa baba na tila nag-iisip.

"Oh." kinuha ko ang paper bag at binigay sakanya "Para sayo ata yan." ani ko habang pinipigilan ang tawa

"Ano..." napa 'o' shape nalang ang bibig niya nang makita ang laman non. "I need this right now." sabi niya sabay takbo palabas habang tinatakpan ng jacket ang likod niya

"Sino kaya naglagay nun dyan?"

Naging palaisipan sa aming tatlo ang kung sino ang nagbigay ng paper bag na may lamang napkin at school uniform na mukhang bago pa. Tinanong namin si Marriex na laging maaga pumapasok at sinabi niya na pagkapasok niya daw ay wala pa yun doon, pero nang lumabas daw siya para pumunta ng cr ay may lalaking naka jacket at mask papunta sa direksyon ng aming classroom.

"Baka naman si X yon?" sambit ni Jaemi pagtapos namin kausapin si Marriex.

Andito kami ngayon sa classroom, hinihintay na dumating ang teacher. 4th subject na. 10:15, isang subject nalang lunch na.

"Gaga sinong X? Yung sa School 2017?" sabi ni Unice sabay batok kay Jaemi.

"Gaga din you. Yung ex. Dating boyfriend gaga."

"NBSB yan si Polly." sabi ko sabay tayo at binuksan ang bintana para tignan ang mga puno sa labas.

"No birlfriend since birth?" nakayukong sambit ni Polly, tinitignan ang kaniyang mga sapatos.

"Magseryoso ka nga. Ikaw na nga tinutulungan." singhal ni Noriko kay Polly.

"Ookkaayy cllaass! Ayooss!!"

Umayos na kami nang dumating ang Math teacher namin.

...a few hours later

Sabi ng nanay ko, dati ay naglalakad lang ang oras. Ngayon ay tumatakbo na. Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Uwian na pala.

"Kingina! May blue-na-may-gray haired handsome guy ang andoon sa gaattee!"

"Ay pota! Where babygirl? Ohmygod. I want to see him! I think ayan na ang forever ko!"

Inaayos ko ang gamit ko ng may marinig na nagsisigawan yung mga babae sa labas. Malalandi.

"Tara." aya ni Nori.

"Ang ingay naman." dumire-diretso na kami ni Nori ng gate. Nauna ng umuwi si Polly dahil may aasikasuhin pa daw.

"Ay anakngpalaka! Lucas!" sigaw ko ng makita kong pinagkakaguluhan ng mga babae ang nakangising si Lucas.

"Okay, stop, stop sweeties." tinaas niya ang kanyang dalawang kamay. "Andito na ang aking pamangkin."

"Omg! Sinong pamangkin?"

"Gwapo din kaya yun?" 

"Omygod. I want to meet him!"

"Girl. Andyan na pala si Driver Lucas. Alis na me. Baaabbyy!"

The Tall BoyfriendWhere stories live. Discover now