Pagkadating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Manang Lanie.
"Hay nako, ija. Sinabihan ko na si Berto na unahin kang sunduin." sabi niya sabay kuha ng bag ko. Napa 'hehehe' nalang ako dahil sa katangahan ko.
Susunduin naman pala ako eh. Hindi ko nalang hinintay ha ha ha.
"Hi, my niece." nagulat ako ng may narinig akong boses ng lalaki
"Pukenengina naman oh!" pasigaw kong sabi
Tumingin naman sila Manang at ang mga kasama niyang naghahanda ng pagkain.
"Sir kunin ko na po bagahe niyo hihi." sabi ng maid naming bago lamang.
Tinitignan ko lang siya habang binubuksan niya ang tv sa sala namin
"Di mo manlang ako tatanungin kung ba't ako nandito?" di makapaniwala niyang sabi.
"No need, Lucas."
"TITO Lucas." may pag-diin niyang sabi sa 'tito'
"Tsk."
"Uy sakto Spongebob!" masigla niyang sabi pagkabukas ng telebisyon
Umakyat nalang ako sa kwarto ko para makaligo at makapagbihis.
Tinanggal ko na ang aking mga damit at nagbabadsa maligamgam na tubig. I don't like soaking in cold water that much. Nagbabad ako ng ilang minuto at nagbihis na. Narinig ko namang tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko ito. Bigla namang nawala ang tawag at nakakita ako ng isang unkown number. Hinayaan ko nalang ito at baka prank lang.
Mamaya-maya'y bumaba na ako dahil tinawag na ako ni Manang dahil dumating na daw sila dad at mom at kakain na.
Nakita ko naman sila sa kusina kaya dumiretso na ako dun.
"Hey, Faith our girl." sabi ni mommy sabay halik sa pisngi ko.
Pinisil ko naman ang pisngi ni Lance na siya naman ikinangiti niya. Si Lance ay ang aming babyboy, 1 year old palang siya but anlaki-laki na. Wala siya kanina dahil dinala siya ni mommy sa clinic.
"How are you, Faith?" tanong ni Daddy
"Uh fine? I think?" sagot ko sabay umupo sa tapat ni Lucas
Inirapan niya lang ako. Psh bakla.
"By the way, Faith. Tito Lucas will be having a vacation here for a while. Take care of him, huh?" sambit ni Dad habang kumakain kami
Tumingin naman ako kay Lucas at nahuli nakatingin sa akin at itinataas baba ang kaniyang mga kilay.
"Tanda tanda na nyan" pabulong kong sabi
"Yes nak?" Dad.
"Opo.. Opo sabi ko po opo hehe."
"So how's school?" tanong ni mommy habang ngumunguya ng steak
"Okay lang naman po." sagot ko.
"So, Lucas... Do you have any girlfriends? Flings?" tanong ni daddy kay Lucas
"Sandy..." narinig kong bulong ni Lucas sabay sigaw ng "Ah!" tumawa ng sandali "Wala na po hehe."
"Oh. Si Polly may boyfriend na ba?" tanong ni mommy
"Uh, hindi ko po alam?" nagdadalawang isip kong sagot dahil hindi ko alam kung babae ba ang hanap nun o lalaki
"Why? If wala, ireto mo si Lucas sakanya. Tutal Lucas have such good looks, matalino din naman siya, mabait. Halos lahat na sakanya." sabi naman ni daddy habang tinitignan si Lucas.
Naks napuri ang gago
"Ahe gugugaga."
Hindi na namin matapos-tapos ang pagkain dahil daldal ng daldal sila mommy at daddy. Kaya nung umakyat na ako sa aking kwarto ay diretso tulog na.
Makalipas ang 8 oras.
Tumingin ako sa cellphone ko. 4:15 AM. Maaga pa. Ano kayang pwedeng gawin ng ganitong oras?
Lumabas muna ako ng kwarto ko para uminom ng tubig... Pagkababa ko...
'It's a penny, Spongebob!'
'Oh, it's so shiny Mr. Krabs.'
'I know boy, I know.'Really? Ganitong oras manonood siya ng Spongebob?!
"Oh. Hey pamangkin kong tatlong taon lang agwat ng edad ko." bati ni Lucas
"Tss. Aga-aga."
"Ag ag?"
"Tse."
Dumiretso ako sa kusina para uminom. Pagka-inom ko ay tumabi agad ako sakanya sa sala at nanood din ng Spongebob.
"Sinasabi ko kasi sayo. Iwan mo na 'yang boyfriend mo. Di ka na mahal nyan. Naghihintay ka pa sa reply nyang supot na yan." sabi ni Lucas na ikinagulat ko.
"Gago, wala akong boyfriend." ani ko.
"Wehhh? Sumbong kita kay tita dyan." sabi niya sabay tingin sa akin
"Eh wala nga akong boyfriend eh." depensa ko.
"Tsk okay hehe." sabi niya sabay tutok sa pinapanood niyang Spongebob sa TV.
"Akyat na 'ko." sabi ko nang ma-bored sa Spongebob. Binigyan niya lang ako ng 'like' gesture o ng thumbs up.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay nakita ko na 4:35 na kaya't napag-isipan kong matulog nalang muna.
Pagkagising ko nakita ko 7:36 na ng umaga. Medyo late na ako pero hindi pa naman.
Naligo na ako atsaka nagbihis ng school uniform namin. Bumaba na 'ko pagtapos nun.
"Hatid na kita?" sambit ni Lucas pagkababa ko.
"Alam mo ba kung saan school ko?"
"Oo. Di naman ako nagka-amnesia."
"Okay."
Sumakay na kami pagkatapos ng usapang 'yon.
"Musta buhay?" tanong niya.
"Buhay pa din."
"Umayos ka nga Polly."
"Naks nag-seryoso siya."
Nakarating na kami sa school ng napakatiwasay dahil sa bangayan namin.
"Dito ka na. Tsupi! Manonood pa ako ng Spongebob." sambit niya.
"Bye Lucas!" ngingisi kong sabi habang naglalakad ng patalikod
"You mean tito Lucas?" sabi niya at labas ang ulo sa bintana
"Lucas."
Pumasok na ako ng campus at
tumakbo na papuntang classroom."Faith!" salubong sa 'kin ni Noriko.
"Oh?"
"Gawa na tayo assignment jusme wala pa 'ko. Pakopya nga."
"Okay? Asan si Polly?" tanong ko ng mapansing walang maingay
"Bumili ng napkin."
"Napkin?"
"Oo."
"Sinong may regla?"
"Ikaw." nginunguso niya naman ang baba ng upuan ko kaya't napababa ako ng tingin at nakita ang isang paper bag.
"Joke lang talaga yon. Lumabas si Polly para bumili ng inumin niya. Kanina may pumuntang lalaki dito na matangkad, sabi daw ibigay sayo."
Kinuha ko naman agad ang paper bag at tinignan ang loob nito. Nakakita naman ako ng isang girl's uniform, napkin, at pulbos. Binasa ko naman ang nakalagay sa sticky paper na nakadikit sa girl's uniform.
Sabi ko na nga ba...
YOU ARE READING
The Tall Boyfriend
Teen FictionIn a relationship, it doesn't matter who's taller. It matters how much you love each other.