“Sino ba iyang mga babaeng yan?” takang tanong ni Noriko.
Nakabalik naman ako ng half matiwasay kahapon sa classroom at mabuting wala pang teacher na pumasok sa amin nun. Kinwento ko kay Polly at Noriko ang adventures ko at naamaze sila. Alalang-alala sila sa akin diba? I’m so touched. At alam niyo kung bakit half lang? Dahil ‘pag balik ko kahapon andaming mga babaeng nakaabang sa hallway sa tapat ng classroom namin. Dumaan ako sa kabilang pinto dahil nakaharang sila dun.
-___-
“Aba ewan ko din.” Sagot ko sakanya dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ang mga yon.
“Oy Faith. Peymus ka na.” singit ni Polly.
“Famous naman talaga ‘yan.”
“Bakit?” kinunot ko ang kilay ko
“I mean yung tito mong hilaw. Famous na dito sa school.”
“Eh?” sabay naming sabi ni Noriko
“Naalala mo yung sinundo ka niya? Nung pinagkakaguluhan siya ng mga babae nung labasan na? Andami nun p*ta. Tapos sinabi pa niya na pamangkin ka niya? Edi nadamay ka din. So ayun. Congrats.” Inirapan niya ako.
Luh.
“Bakit mo ako inirapan?”
“Wala lang. Trip ko lang.” sabi niya sabay naghalungkat sa bag.
Itinigil na din naming ang pag-uusap dahil dumating nadin si Ms. Torress. Bale pangalawang subject na. History.
Isa pang subject ay break na namin.
Hindi naman kaming nahirapang lumabas ng classroom dahil paglabas namin ay wala ng tao sa hallway. Lahat ata nasa cafeteria.
Kasaukuyan kaming papunta ng cafeteria ng mag-paalam si Polly na pupunta muna daw ng cr at sinabihan kami na susunod na lang daw siya sa cafeteria kaya nauna na lag kami dahil gutom na daw si Noriko.
Pagdating namin dun ay busy lahat ng tao sa pagkain nila. Busy sa pagse-cellphone. Busy sa lahat. Kami naman ni Noriko ay dumiretso na sa mga pagkain at pumili na. Buti nalang ay walang pila ngayon.
Dahil wala akong gana pumili ng pagkain. Si Noriko na lang ang pinapili ko. Kung anong sakanya yung nalang ang akin. Natagalan siya sa pagpili ng pagkain. Tatlong minuto na kaming andito. Humahaba na rin ang pila sa sobrang katagalan niya.
“Libre ko nalang.” Nagulat ako ng may tumabi sa akin.
Puro na lang ba panggugulat ‘tong storya na ‘to? Hays.
“Uh. A-aiden.”
“Who you po?” sabi ni Noriko. “May pera po kami. Kaya po naming bumili ng sarili naming pagkain gamit itong pera namin.” Pinakita niya ang wallet niya.
Juskopo Noriko.
“Puta ni-blackmail niya ako.” Nakita ko si Noriko na nakahawak sa batok niya.
“Huh?”
“Binlakmeyl niya ako. ‘Pag hindi ko daw sinabi kung nasaan ka, ipagkakalat niya daw crush ko :<” Parang batang ani ni Polly.
“Aww.” Sabi ko ng may pumitik sa noo ko. “Ano ba ‘yon Aiden?!”
“Ow take it easy men.” May tumabi kay Aiden na lalaking kulay pink ang buhok.
“Bro.” sabay nilang sabi sabay nag-fist bomb sa isa’t-isa.
“This is Ryler. My friend since birth.”
"Wala kaming pake." sabi ni Noriko. Lumapit lang sakanya si Polly at may binulong sakanya.
"Yow young ladies. Nice to meet you.”
Kinindatan niya kami isa isa. To be honest, para siyang tang*
“Sige na pili na kayo. My treat.”
Tinignan ko si Noriko at nakita ko sa kaniyang mukha ang pandidiri. Binigyan ko nlang siya ng ‘Pabayaan-mo-na’ look at tinapik ang balikat niya. Tumango-tango nalang siya na nagpapakita na suko na siya.
YOU ARE READING
The Tall Boyfriend
Teen FictionIn a relationship, it doesn't matter who's taller. It matters how much you love each other.