P R O L O U G E

20 0 0
                                    


"Oy daldalera! Tara na!" Tawag ko kay Polly nang makitang nakikipagdaldalan pa siya sa mga taong nakakasalubong niya.

"Pollyyy!! Faiitthh! Pasabay kamiii!" sigaw nila Tres, Nathalie, at Kassey.

"Sige!" sumakay kami ng tricycle. Bale nasa harap kaming dalawa ni Polly, nasa likod si Kassey at Nathalie at nasa backride naman si Tres.

Naiinis ang tricycle driver dahil sa sobrang kaingayan ni Polly. Nilibre niya ako sa tricycle.

Nang makakababa ako ay lumipat si Tres sa tabi ni Polly na siyang kinauupuan ko kanina

"Bye Faith!" pagpapaalam nila Kassey at Nath sa akin.

"Byebye!"

"Bye Tres at Polly! Huwag kayo gumawa ng baby dyan ah?" pang-aasar kong sambit kay Polly at Nathalie

"Walang sperm cell tong katabi ko!" sigaw ni Polly pabalik sa akin.

Umandar na ang kulay asul na tricycle at nakita kong iwinagayway ni Polly ang kaniyang mga kamay at nilabas niya ang kaniyang mga dila. Napailing nalang ako sa mga kalokohan ng babaeng yun.

Kundi dahil sa kanila, hindi ako magiging masaya sa bawat pag-uwi ko. Wala akong makakausap kapag sumasakay ako sa tricycle. Tunay silang mababait. Dahil nililibre nila ako wahaha!

Naglakad na ako patungo sa susunod na istasyon ng tricycle. Nasa likod ako ng dalawang lalaki. Iilang mga tao lang talaga ang mga dumadaan dito dahil puro sasakyan lang naman talaga ang dumadaan dito.

Dahil sa sobrang bagal maglakad ng dalawang lalaki, nag-overtake nalang ako sa kanilang dalawa at binilisan ko ang paglalakad. Mamaya-maya ay nakakita ako ng tuta na dumedede sa kanyang inang aso. Natuwa naman ako dito kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphoneko.ara kuhanan ito ng litrato. Pagkatapos nun ay naglakad na ulit ako. May naramdaman akong tao sa likod ko kaya binilisan ko ang paglalakad. Maya-maya'y nararamdaman ko pa din na nasa likod ko pa rin siya.

Nang patawid na ay tumigil ako dahil masyadong mabilis ang mga sasakyan. Mahirap na baka masagasaan pa. Sumunod naman sa 'kin ay isang lalaki na matangkad. Hindi ko alam kung matangkad ba ang tawag sa kanya o sadyang maliit lang ako.

"Sabay ka na sa'kin. Parang hindi ka marunong tumawid eh." ani niya sabay kuha ng kamay ko. "Ang cute naman ng kamay mo.".

—————–—–—

The Tall BoyfriendWhere stories live. Discover now