Dahil Sa Piso (Sequel)

1.2K 50 21
                                    

A/N: owryt.. ito po ay subok lamang.. sorry po kung mapapangitan kayo.. subok lang po.. salamat po.. para po sa mga nag-request.. sana hindi kayo ma-disappoint.. salamat po.. try lang po ito.. ^_^

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sa'yo na ito." hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko yung piso.. Waaaaaaaaahhhhhhh.. May kuryenteng nanulay sa ugat ko.. "Sa isang kondisyon."

Kondisyon? Ano naman yun?

"A-ano yun?" utal lang?

"Girlfriend na kita."  O_O

"Ano? Ako? Girlfriend mo? Wag na uy. Kahit mahal na mahal kita. Hindi naman ako cheap nuh." ooops! Natutop ko ang aking bibig.. Parang may nasabi akong hindi ko dapat sabihin.. Ang daldal kasi ih..

"Nadulas ka ata, Claire. Pakiulit nga ng sinabi mo." tatawa-tawang sabi ni Blue.. "Mahal mo ako?" 

"H-hindi. Ang sabi ko, sa'yo na yang piso mo. Hindi yan kawalan sa akin." sabi kong nakairap sa kanya.. I need to compose myself.. Wag aamin.. Baka mapahiya.. 

"Kakasabi mo lang ih. Mahal mo ako." pangungulit pa niya.. Nag-beautiful eyes pa  ang ungas..

"Bingi ka. Wala akong sinabing ganun nuh. Tsura mo. Tse." pagtataray ko pa rin..

"Mahal mo ako ih." ngiting-ngiting tudyo pa ni Blue.. 

"Hindi nga sabi." mariin kong sabi.. "Kukutusan kita ih."

"Claire, sinabi mo ngang mahal mo si Blue." sabi ni Annie.. Lalo tuloy nagtawa si Blue..

"Oo nga, Claire." sang-ayon naman ni Mina..

"Tse! Asar kayo." naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko.. Tama ba namang ibuking pa akong  lalo.. Kaasar oh.. "Tara na nga." aya ko na lang sa kanila at naglakad na ako palayo..

"Claire." tawag ni Blue ng medyo malayo na kami sa kanya.. "Yung piso mo."

"Bahala ka sa buhay mo. Sa'yo na yan." sigaw ko ng hindi lumilingon sa kanya.. "Marami ako nyan."

A/N: okay.. i need votes and comment kung kailangan ko pang ituloy o wag na.. salamat po talaga.. :) sana nagustuhan ninyo.. ^_^ sana, sana, sana.. :)

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon