Dahil Sa Piso (Sequel 2)

784 46 17
                                    

A/N: hala ka.. sana magustuhan din ninyo.. ^_^

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Claire." nilingon ko ang tumwag sa akin.. O_O Naman.. Si Blue at papalapit siya sa akin..

"Oh? Ano namang kailangan mo?" mataray na tanong ko ng makalapit siya sa akin..

"Ang taray naman. Ganyan ka ba sa mahal mo?" ngingiti-ngiting sabi niya..

"Tse. Mahal ka dyan. Ano bang kailangan mo?" tanong ko..

"Ibibigay ko lang 'to sa'yo." binuksan niya ang bag niya at may kinuha.. O_O Isang pulang rosas na may nakasabit na... Ano yun? Piso? "Para sa'yo." sabay aboy niya sa akin ng rosas..

"Para saan naman ito?" takang tanong ko pero tinanggap ko naman yung rosas..

"Binibigay ko yan sa'yo kasabay ng pagbibigay ko ng puso ko." medyo mahinang sabi niya..

"Huh?" tama ba yung narinig ko? Yung puso niya? Bibigay niya sa akin? Bakit? May gusto ba siya sa akin?

"Hala. Wala. Ang bingi mo naman." napakamot sa ulong sabi niya..

"Eh sa hindi ko naman narinig ih." pagtataray ko.. 

"Basta ingatan mo na lang yan." sabi ni Blue at umalis na siya.. Sinundan ko na lang siya ng tingin..

Tiningnan ko yung rosas.. Inilagay sa ilong ko at inamoy.. Ambango.. Parang.. Pabango ni Blue.. Napatingin ako sa piso.. Bakit may kasamang piso 'to? Namumulubi ba ako? Para namang timang yung lalaking yun oh.. Magbibigay na nga lang may piso pa.. Pero ang sweet niya.. ^_^

A/N: comment and vote po.. para alam ko kung nagustuhan ninyo rin.. salamat po.. ^_^

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon