Dahil Sa Piso (Sequel 8)

577 33 4
                                    

A/N: salamat sa lahat ng nagbasa, babasa at bumabasa nito.. salamat din po sa nag-vote, magvovote.. salamat po.. ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Annie, anong meron?" tanong ko kay Annie ng bumungad sa room.. Para kasing nagkakagulo sila..

"Ha? Ahh.. Ehh.. W-wala naman." tila may ayaw sabihin sa akin si Annie..

"Annie? Ano ngang meron?" tinabig ko siya ng kaunti para makita kung anong nangyayari..

O_O Nagulat ako sa nakita ko.. Si Blue.. Nakahiga sa sahig at may nakapatong sa kanyang na babae.. Ang lapit ng mukha nila sa isa't-isa.. Si Megan ang babae.. Ang alam ko.. May gusto rin siya kay Blue.. Anong nangyari?

"Claire. Wala lang yan. Natapilok lang kasi si Megan. Sinalo lang siya ni Blue." pagpapaliwanag ni Annie.. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko.. Basta ang alam ko.. Nasasaktan ako.. Ang sakit.. Ang sakit pa lang makita na mayroon iba ang mahal mo.. Sabagay.. Hindi naman talaga ako mahal ni Blue.. Ano nga bang magagawa ko?

"Claire?" nag-aalalang sabi sa akin ni Annie.. Nakita ko na napatingin sa akin si Blue.. Biglang niyang tinulak si Megan at tumayo.. Lalapit siya sa akin.. Bago pa man siya makalapit sa akin.. Lumabas na ako ng room.. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino..

"Claire!" narinig ko pang tawag ni Blue..  Patuloy lang ako sa paglalakad papalayo sa kanila.. Umiiyak na ako.. Wala akong pakialam kung may makakita sa pag-iyak ko..

"Claire!" naabutan ako ni Blue.. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya.. "Umiiyak ka ba?" tanong ni Blue.. Obvious ba?

"Bitawan mo ako." pagpupumiglas ko.. "Layuan mo ako. Doon ka na lang kay Megan." 

"Nagseselos ka ba?" nakangiting tanong ni Blue.. Anak ng.. Manhid ba 'to?  Magtatanong pa ay..

"Hindi." mariing sabi ko.. 

"Nagseselos ka ih." hinawakan niya ang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko..

"Hindi sabi. Bakit naman ako magseselos?" mataray na sabi ko.. Tinabig ko ang kamay niya sa pisngi ko..

"Kasi mahal mo ako." ayun na naman.. Ang palagi niyang reason.. Kasi mahal ko siya.. Hindi ba pwedeng mahal mo naman ako.. Yung ako naman ang mahal mo.. "Ganoon naman 'di ba? Nagseselos ang isang tao kapag may mahal siya?" sabi niya..

"Hindi ako nagseselos." mariing sabi ko..

"Ows? Selos ka ih." sabi niya.. "Aminin mo na."

"Okay. Nagseselos nga ako. Wala na nga akong karapatang mahalin mo. Pati ba naman pagseselos. Wala na rin akong karapatan?" sigaw ko..

"Wag ka nga sumigaw. Wag ka na rin  magselos. Kasi.." ako na ang nagtuloy sa sinasabi niya..

"Kasi nga mahal kita." sabi ko na lang at iniwanan na siya.. Argghh.. Ano ba? Palagi na lang ba ako masasaktan.. 

"Claire!" tawag niya.. Pero, deadma na lang ako..

A/N: hala.. panget po ba? comment po.. salamat po.. ^_^ pagpasensyahan ninyo na po.. last 2.. ahahaa.. sana magustuhan.. 

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon