Dahil Sa Piso (Sequel 9)

572 28 6
                                    

A/N: yay.. salamat po sa magbabasa nito.. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Blue sa akin ng makasalubong ko siya sa corridor..

"Hindi." tipid na sagot ko sa kanya at iniwasan siya..

"Eh bakit ayaw mo akong kausapin?" tanong pa rin niya na sumabay sa paglalakad ko..

"Wala lang." sabi ko..

"Ano yun? Trip mo lang?" tanong niya..

"Oo." sabi ko.. Hindi ako tumitingin sa kanya..

"Claire! Kausapin mo naman ako." tila naiinis nang sabi niya..

"Ano pa bang dapat natin pag-usapan?" ang sama ng tingin ko sa kanya..

"Marami. Marami tayong dapat pag-usapan." giit niya..

"Ayoko makipag-usap sa'yo." sabi ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad..

"Claire!" sigaw niya.. "Pakinggan mo naman ako."

"Ayoko." sabi ko..

"Claire!" sigaw pa rin niya.. "Kakausapin mo ba ako o hindi?" tanong niya..

"Hindi!" sigaw ko..

"Eh bakit kanina ka pa nasagot sa mga tanong ko?" natigilan ako at napalingon sa kanya.. Oo nga.. Bakit nga ba ako nasagot pa sa mga tanong niya kung ayaw ko siya kauspin.. Ay, Claire.. Natatanga ka na.. Nakita ko siyang papalapit sa akin.. Nakangiti siya..

"Kakausapin mo na ba ako?" tanong niya.. "Ng maayos." 

"Ayoko. Masasaktan lang ako." sabi ko..

"Paano ka masasaktan kung hindi mo pa alam ang sasabihin ko?" tanong niya.. May tama siya.. Paano ko malalaman kung hindi ko siya pakikinggan.. Pero ayoko na talaga.. 

"Ayoko pa rin." sabi ko.. "Sige, una na ako." At iniwan ko na siya..

"Claire!" kulit.. Ayoko na nga siya kausap ih..

A/N: comment po kung panget o maganda.. salamat po.. ^_^

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon