Dahil Sa Piso (Sequel 3)

690 43 15
                                    

A/N: ahaha.. husgado ulit.. salamat.. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Claire. Claire." ay ulit-ulit lang?

"Bakit?" pagtataray ko kay Blue.. Sinabayan niya ako sa paglalakad..

"Taray mode lang?" sabi niya.. "Wag kang ganyan sa boyfriend mo." nakangising sabi niya..

"Hala ka. Boyfriend ka dyan." pagtataray ko pa rin.. "Tigilan mo nga ako."

"Asus. Pakipot ka pa. Mahal mo naman ako." ngiting-ngiting sabi niya.. 

"Hoy, Mr. Blue. Hindi porke't sinabi kong mahal kita, eh pwede ka ng umasta na boyfriend ko." sabi kong nakapamewang.. "Hindi kita boyfriend nuh."

"Pakipot mode." sabi niya.. "Love ako ni Claire. Love ako ni Claire. Love ako ni Claire." paulit-ulit na sabi niya.. May patalon-talon pang nalalaman..

"Blue!" tumigil naman siya.. Nakangiti pa rin..

"Girlfriend na kasi kita. Pumayag ka na." pangungulit pa niya..

"Ayoko. Bakit? Nanligaw ka ba?" nakataas ang kilay na tanong ko.. Kapal din nito ah..

"Mahal mo naman ako. Hindi na kailangan yun." sabi niya.. Asar talaga.. 

"Aba. Ano ka? Sinuswerte? Dalagang Pilipina ako nuh." sabi ko..

"Sus. Umamin ka na nga ih." kulit oh.. Sarap sakalin..

"Nadulas lang ako." sabi ko..

"Manligaw man ako o hindi. Mahal mo naman ako." ngiting-ngiting sabi niya..

"Hala. Ewan ko sa'yo." sabi ko.. "Ang kulit mo." binilisan ko ang lakad..

"Claire!" tawag niya at muling sumabay sa paglalakad ko..

A/N: hala.. maganda po ba? comment naman po oh.. salamat.. :) 

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon