Dahil Sa Piso (Sequel 6)

625 36 19
                                    

A/N: hulala.. ang saya.. nakaabot siya ng sequel 6.. ahaha.. salamat po sa babasa.. ^_^

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hi, Claire." naman.. Si Blue.. Nakasalubong ko siya sa corridor..

"Ano?" mataray na tanong ko..

"Hala ka. May period?" pang-aasar na tanong niya..

"Tse!" sabi ko.. 

"Para ulit sa'yo." sabay aboy niya ulit ng rosas na may nakasabit na piso.. Palagi na lang niya ako binibigyan ng ganoon.. Minsan iniiwan niya sa locker ko.. Minsan naman, ipinakikisuyo niya..

Iniingatan ko naman.. Yung piso, iniipon ko.. Magkabukod nga yung alkansya ko na pera ko talaga ang laman at alkansiya na mga piso galing kay Blue ang laman.. ^_^

"Matanong ko lang." sabi ko sa kanya.. "Bakit mo ba ako binibigyan ng rosas?" tanong ko sa kanya..

"Ay, hindi halata?" tanong niya..

"Bakit nga?" mataray na tanong ko.. Nagtanong ako, tanong din ang isasagot? Tama ba yun?

"Kasi, nililigawan kita." sabi niya.. 

O_O "Huh? Nililigawan mo ako? Nanliligaw ka na ng lagay na yun?" tanong ko..

"Oo naman." sabi niya.. Tila proud pa..

"At bakit mo naman ako nililigawan?" tanong ko sa kanya.. Hindi kaya? Mahal din kaya niya ako? 

"Kasi... Ano.." nauutal pala ang mayabang na ito..

"Kasi?" sabi ko..

"Kasi.. Ma-mahal..." sabi niya.. Napapakamot sa ulo.. Garapata na ata nasa ulo nito.. Kamot ng kamot..

"Mahal mo ako?" O_O napalakas na sabi ko.. Napatingin tuloy sa amin ang ibang estudyante.. Mahal ako ni Blue? Mahal niya ako? Yun ba ang gusto niya sabhin?

"Kasi mahal mo ako." biglang sabi niya na ikinanlumo ko.. Medyo napasimangot ako.. :(

"Ganoon? Kasi mahal kita? Kaya mo ako nililigawan?" tanong ko..

"Ahh.. Oo.. Tama.. Ganoon na nga." sabay ngiti.. "Mahal mo ako kaya kita liligawan." 

"Ahh.. Okay." sabi ko na lang.. Kaasar.. Hindi ba niya ako mahal? Pero bakit gusto niya akong maging girlfriend? Ay.. Baka dahil mahal ko siya.. Yun nga siguro.. -_-

"Tara na sa room. Baka ma-late tayo." sabi niya..

"Okay." sabi ko at nauna na akong maglakad sa kanya..  Hay.. Hindi niya ako mahal.. T_T How sad..

"Hintay, Claire." hindi ko siya nilingon.. Hinayaan ko na lang siyang sumabay sa akin.. Naiinis ako sa kanya.. -_-

A/N: hehe..husgahan ninyo po ulit.. salamat.. :)

Dahil Sa Piso (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon