Pt. 27

18.4K 392 9
                                    



"HAPPY first monthsary, Mrs. Erazo."

Napangiti si Dahl. Ang akala pa naman niya ay nakalimutan ni Zaq ang tungkol doon.

Nagsipunta nga sila sa resort ni Ninang Mely nang hapong iyon. It turned out na mag-o-overnight pala sila roon at pagsapit ng hapunan, saka lang sila binati ng mga kasalo.

Their meals consumed, nagsipulasan na ang mga ito para bumalik sa swimming pool at naiwan sila ni Zaq sa long table kung saan sila nag-boodle fight kanina. Nang dumating ang service crew ng restaurant ng resort at iniligpit ang mesa, naghugas silang mag-asawa ng mga kamay bago bumalik sa mesa.

"May monthsary ka pang nalalaman, ha," biro niya, magaan na magaan ang mood. "Pero happy monthsary, husband."

Ngumiti si Zaq at dumukot sa bulsa nito. Inilabas nito ang isang botelya at ipinatong sa mesa.

"Ano 'yan?" tanong ni Dahl.

"Massage oil na frangipani," sagot nito.

"Calachuchi?"

"Uh-huh. Pasalubong ni Tabby galing Bali."

"Huh? Dumating na si Tabby?"

Tumango ang lalaki, hindi nabubura ang ngiti.

"Hala, pa'no 'yan? Pa'no si Kuya?"

"Bahala sila sa buhay nila."

Napakunot-noo si Dahl. "Anong bahala sila sa buhay nila?"

Ngumisi si Zaq. "Four days na siya rito. Mukhang okay na naman 'ata. Hindi pa ulit sumusugod sa ospital si Tabitha. Noong twenty-second ng gabi dumating dito at umagang-umaga, pinuntahan ako sa Sacred Heart, kung ano-ano'ng pinagsasabi. Pero hindi na naulit."

Napasinghap si Dahl sa natanto. Kung twenty-third ng umaga nagpunta si Tabby sa ospital, ibig sabihin ay...

Napahawak siya sa kanyang noo, hiyang-hiya sa sarili. Mabuti na lang pala at nagpigil siya at hindi kinompronta ang asawa! Kung nagkataon, kahiya-hiya na naman siya.

Iyong kay Claire na lang ang patuloy na magpapagulo ngayon sa isip niya.

"So, nandito na pala si Tabby noong Christmas, pero hindi siya nagpakita sa mommy at lola n'yo."

"Nang malamang nandito si Dylan na inirereto nina Mommy sa kanya, alam niyang masisira ang Christmas niya. Alam mo naman 'yong dalawang matanda. At desidido silang i-manipulate na mapakasal si Tabby kay Dylan. Iniisip nila na napapag-asawa nila ako, magagawa rin nila iyon sa kapatid ko. Hindi nila nare-realize na iba naman 'yong atin."

"Bakit, ano ba 'yong atin?"

"Destiny." Kinindatan siya nito.

Parang inihele si Dahl doon. Para siyang tanga na kinikilig sa asawa.

"Anyway, 'yon nga. Ang aga-agang sumugod sa ospital ni Tabby, mukhang inabangan ako talaga. May nadatnan nga raw siya sa bahay niya na kamukha ni Osama. Hindi naniniwalang bayaw ko. Wala naman kasi kaming nabanggit na may bayaw ako."

"Naku naman, nakakahiya sa kanya..."

"Okay lang 'yon," sagot nito. "Hindi pa rin niya ipinapasabi kina Mommy na nandito na siya kaya quiet ka lang."

"Paano si Kuya?"

"Bahala na sila do'n. Mag-isip sila ng setup nila."

Napatitig siya sa mukha ng asawa. Nagsasayaw sa amusement ang mga mata nito, ngingisi-ngisi. "Para saan ang ngising 'yan?"

"The Good Samaritan" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon