Pt. 11

20K 432 16
                                    

MAGAAN na ang mood nila kinabukasan. Hawak ni Zaq ang cell phone at ipinakikita kay Dahl ang pictures nila noong ikinakasal sila.

"Para akong namalikmata bumababa ka ng hagdan pagkabihis mo noong wedding day natin," sabi ni Zaq. "Mukha kang diyosa na bumaba sa langit."

"Kasal na tayo, hindi mo na kailangang mambola pa," biro ni Dahl.

Tumatawang kinudlit siya ni Zaq sa baba. "Ikaw talaga. Well, hindi ako nagkamali sa pagpapakasal sa 'yo. Sa ER pa lang, naramdaman ko na 'yon."

Pilit ang ngiti ni Dahl. Hindi niya masabing ganoon din ang naramdaman niya, pero alam niyang hindi talaga ito nagkamali sa pagpapakasal sa kanya. Dahil sa kabila ng weird na circumstances sa kanila, pipilitin niyang maging ulirang asawa. Malaki ang utang-na-loob na tinatanaw niya kay Zaq. Ngayong mag-asawa na sila, alam niyang patuloy at mas lalo pa nitong tutulungan ang kuya niya.

"Dahl..." Ngumiti ito habang may hawak na rock glass sa tabi ng mini-bar. "I will make you happy."

Gumanti siya ng ngiti. "I know. Salamat. Sorry about last night." Napakagat-labi siya pagkasabi niyon.

"No, it's alright. I'm sorry about our... situation."

"It's okay. At hindi ka dapat nagso-sorry. By marrying me, you're doing me a huge favor."

Kumunot ang noo nito. "No, it's my honor--"

"Zaq, malaki ang utang-na-loob na tinatanaw ko sa 'yo. Binigyan mo ng refuge ang pamilya ko sa panahong alam ko na walang ibang tatanggap sa amin. I will be the best wife I can be, promise 'yon. Susubukan kong pagsilbihan ka bilang asawa, ibigay lahat ng pangangailangan mo, bigyan ka ng anak na magpapatuloy sa lahi n'yo. Basta, Zaq, please... 'wag mong pababayaan ang kuya ko." Sinagot na nito ang lahat ng fees kay Atty. Marupit in the future at hindi na lang ang matandang Marupit ang hahawak sa kaso kundi pati ang dalawang anak nito na parehong matitinik ding criminal lawyers.

"He's as good as a free man," sabi ni Zaq. "Hindi na maipa-file ang kaso sa kanya. I assure you that."

"Magkano ang magagastos mo do'n?" nag-aalalang tanong niya.

"Hindi tayo magkukuwentahan, Dahl." Iniiwas nito ang tingin sa kanya at lumagok ng alak. "Ang pera ko, pera mo na rin 'yon kaya hindi kita sisingilin. Saka kahit singilin kita, magbabayad ka ba?"

Napangiwi siya. "Hindi cash... in kind."

Kuminang sa kapilyuhan ang mga mata nito. "What kind?" tudyo nito.

Siya naman ang nag-iwas ng tingin. "Any kind."

Tumawa ito. "I know which ones. I'll teach you how. We'll start later."

Awtomatikong nag-init ang katawan ni Dahl at nag-settle iyon sa kanyang puson. Na-get over na niya ang inisyal na nerbiyos kagabi.

Tumalikod na siya at kinuha ang terry-cloth robe sa sabitan, saka pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo, nag-blowdry na siya ng buhok at nagsuklay bago lumabas ng banyo. Umiinom pa rin sa bar si Zaq. Hula niya ay tensiyonado rin ito nang mga sandaling iyon.

"Matulog ka muna," sabi nito. "Puyat ka na naman, eh. Naaalimpungatan ako sa kakakilos mo magdamag."

Nahiga nga siya sa dambuhalang kama at nagbalot ng comforter.

"Gusto mo ng shot? Para makatulog ka agad," alok ng lalaki. "Alas-tres pa lang naman. 'Saktong dinnertime siguro gising ka na mamaya."

Hindi na siya nagpakiyeme. Bumangon siya at lumapit sa bar. Naupo siya sa stool doon at hinintay na matagayan siya ng asawa.

"The Good Samaritan" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon