Pt. 30

17.9K 410 20
                                    



HUMABA ang nguso ni Zaq nang magtama ang mga mata nila ni Jun. Nakahalukipkip ang bayaw niya habang nakasandal sa dingding ng harap ng bahay-bahayan ng kapatid niya, may hawak na bote ng beer sa isang kamay.

Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan nina Tabby at Dahl. Nagulat siya dahil walang-wala sa hinagap niya na alam ni Dahl ang tungkol kay Jill... at ang 'first everything' niya kay Claire.

Kaya naman pala ganoon na lang ang pagpuputok ng butse ni Dahl kay Claire!

At kaya rin pala ganoon na lang kung pigilan siyang maging ob-gyn!

Pinigil na lang niya ang mapangiti. Well, marami-rami siyang itatama sa kanyang asawa. Lahat ng pinagtakhan niyang pagmamarakulyo nito, they all made sense now.

"Yuck daw," pambubuska sa kanya ni Jun. "Hindi siya in love sa 'yo... pero grabeng maka-emote."

Napangiti si Zaq doon.

"Hintayin mong malasing-lasing nang konti, bibigay 'yan."

"Kaya?" Duda siya roon. Naalala niya nang malasing si Dahl noong honeymoon nila at napangiwi siya.

"Uh-huh." Lumagok si Jun ng alak. "O, ba't ka nga pala nandito? 'Di ba may pasyente kang baliw? Baliw sa 'yo."

Umungol siya. "Hindi ako psychiatrist. Nang dumating 'yong espesiyalista, nilayasan ko na at sumunod dito. Mabuti na rin pala, at least nalaman ko ang mga sama ng loob ng asawa ko. Wala akong kamalay-malay--"

"Sshh! Gumaganda ang usapan," sabi ni Jun at tumahimik para ulinigin ang dalawang babae sa likod.

Nahagip ng pandinig niya ang pangalan ni Sam, pagkatapos ay sinabi ni Dahl na payo raw ni Sam na pagurin siya at ubusan ng sperm at stamina nang sa gayon ay wala nang matira para sa ibang babae.

"Jesus Christ," bulong ni Zaq, iiling-iling. Sinasabi na nga ba niya, may something sa bigla na lang pagka-hustler ni Dahl sa kama.

Ang lakas ng hagalpak ng kapatid niya sa pagdedetalye ni Dahl ng kuwento. Medyo napangiti siya roon dahil bihira niyang marinig na tumatawa ng ganoon si Tabby. Mukhang magkasundong-magkasundo nga ang dalawa.

"Mas rito kung nandiyan si Sampaguita," sabi ni Jun.

"Speaking of Sampaguita, may sinabi si Mommy sa akin."

Tumingin ang bayaw niya sa kanya.

"Nagpaalam daw sa kanya si Sam kung puwedeng i-date si Dylan."

"Dylan?"

"Kinakapatid namin na matagal nang inirereto kay Tabby. Hindi ko alam kung naging sila, basta may memory ako na nagka-something sila noong high school. Nagkawalaan siguro, basta na lang hindi na nagpupunta sa bahay si Dylan."

"Baka naman parang si Dahlia lang. Gano'n 'yon. 'Pag naligawan, hate agad 'yong nanligaw. Parang na-rape agad ang pakiramdam."

Nagkibit-balikat siya. "Cool naman si Tabby. She's not interested in boys dahil sa art niya nakatutok ang buong atensiyon."

"Ganoon din si Dahl. Hindi interesado sa mga lalaki. Pero hindi naman kasing-devoted ni Tabby sa sining."

"Kaya magkasundo sila."

Sabay pa nilang sinabi iyon kaya pareho silang natawa. Pagkatapos ay muli silang nakinig sa usapan.

"What? Gano'n lang 'yon? Kasal na kayo, Dahl. Hindi nagku-cool off ang married couples," sabi ni Tabby na ikinakaba ni Zaq.

"Eh, kaysa naman maloka ako, matulad sa Claire na 'yon."

"O di magsa-psychiatrist nang tuluyan ang kuya ko."

"The Good Samaritan" by Kumi Kahlo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon