Ara's POV
Kakauwi lang namin galing Starbucks. Hindi naman kami masyadong nagtagal dun. Medyo pagod na din kasi si Yeye eh.
Pumasok na kami sa dorm at naabutan dun si Cienne, Kim, Camille, and Carol na nanonood ng TV.
"Hello bullies! Anong pinapanood niyo?" Tanong ni Ye at kumuha ng chips sa mesa.
"Ah. Wala Mika. Browse lang. Walang magandang panuorin eh." Nakabusangot na sagot ni Cienne.
"Oo nga pala, san kayo galing?" Naka taas kilay si Ate Kim. Paktay. Hahaha!
"Nag starbucks lang Ate." Sagot ko habang all eyes on the TV.
*knock knock*
"Tao po? "
"Kim! May tao!" Sabi ni Cienne.
"Carol may tao oh! Puntahan mo nga!" Sabi naman ni Ate Kim.
"Camille, may tao ata sa labas." Sabi ni Carol.
"Mika! Pagbukasan mo nga yung tao." Naiiritang sabi ni Cams.
"Ara! Buksan mo nga! Bilis!" Atat na sabi ni Ye.
"Hay. Nagaaway pa talaga kayo kung sino ang magbubukas. Punyatera! Hahaha!" Patawa kong sabi at dumiretso na sa pinto.
"Hel---"
"Bestfriend!" Sabay yakap niya saken.
"Tin?!"
"Miss me?"
-----
Mika's POV
"Hel---"
"Bestfriend!"
"Tin?!"
"Miss me?"
Fuuudge! Yumakap siya kay Ara! At sino naman 'tong Tin na 'to? Ang kapal! May payakap yakap pa kay Ara!
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Pampanga?" Tanong ni Ara dito kay.. Tin.
"Wala. Naisipan ko kasing dalawin ka kasi sabi ng mama mo na nagdorm ka."
"Ah. Ganun ba? Salamat." Walang siglang sagot ni Ara.
"Parang di mo ko namiss?" Nagpout pa siya. Eww! Kadiri! Hahaha
"Syempre namiss kita." Nakangiting aso naman tong si Ara.
"Ara, labas tayo! Treat ko." Tss. Excuse me, kumain na po kami.
"Sige ba! O, guys alis muna kami ah? Babalik naman ako agad."
Di ko nalang pinansin. Tumango naman sila.
"Bye po!" At nagpaalam pa talaga siya? Baka kidnapin niya si Ara! Naku!
"Sige alis na kami. Bye!" Hay.. Ara.
"Oh, anong gagawin natin?" Tama. Anong gagawin namin? Boring naman.
"Truth or dare tayo!" Sabi ni Cienne na may nakakalokong ngiti sa mukha.
May naiisip naman tong maga 'to! Hahahaha
"Game!" Lahat kami.
Sa totoo lang, gusto ko talaga mag truth or dare. Kasi ako yung taong mahilig magtago ng emotions. Hahaha
"Go, si Cienne muna."
"Daya mo Kimtot!" At nakapout pa talaga tong si Cienneang! Hahaha
"Ganyan talaga love, truth or dare?" Love? Hahahahaahaha! Lagot ka Kim kay Cienne!
"Love your face! Dare." Hahaha! Sabi na eh.
"Dare? Hmm. Isigaw mo dito sa dorm kung sino ang mahal mo!"
Napatingin ako kay Cienne. Mukhang kabado. Hahahaha!
Tumayo si Cienne at tumungtong sa mesa sa gitna. Tumingin muna kay Kim at nag smirk.
"Sino ang mahal ko? Si..."
-------
Abangan... Joke! Hahahaha! Enjoy po:)
BINABASA MO ANG
Just The Two of Us (Mika Reyes & Ara Galang FanFic)
FanfictionWhen people does not accept you, as yourself. When people tries to find the real you. All of them, good or bad, they're still there for you no matter what. In this story, Mika and Ara doesn't mind other people. As long as they have their family, lo...