Natasha's POV
Agad na nag-igting ang mga bagang ko ng makita kong Si Christian pala yun
"Hoy!! Anong ginagawa mo jan?!" Sigaw ko sakanya agad naman syang bumaba sa puno at nakangising lumapit sakin kaya napa-atras ako
"Dapat nga ako nagtatanong nyan sayo eh" sabi nya habang lumalapit at wala naman akong nagawa kundi ang umatras
Magsasalita sana ako kaso Bigla akong nadulas naipikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay na mahulog ako sa tubig... Pero hindi nangyare yun
May naramdaman akong Pumulupot sa Bewang ko at pagmulat ko ng mga mata ko halos magkanda-duling ako sa lapit ng mukha namin
"Be Careful" He said With His Husky Voice at inayos ang pagkakatayo ko
"Uhmm.. Thabk you" sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon dahil sa hiya
"Tssk.. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong nya kaya napatingin na ako sakanya
"Ahh.. Ano kasi... Nililibot ko yung school tapos napadaan lang ako dito kaso nagandahan ako kaya humaga muna ako jan" sabi ko habang nakaturo pa sa pwesto ko kanina
Napatango-tango naman sya at hinila ako hanggang sa makatawid kami sa Bridge
"Wait... San ba tayo pupunta?"5anong ko pero hindi sya sumagot kaya nagpahila nalang ako
Dinala nya ako sa Canteen at Nakita naman namin si Josh at Kate na nag-uusap.. Napalingon naman samin si Josh
"Ohh.. San kayo galing?" Tanong nya pero di naman sya pinansin ni Christian hindi ko naman sya masagot dahik hila-hila parin ako ni Christian hanggang sa makarating kaming Line
Nang makabili na ako ay dederetso na sana ako kila Kate kaso kinuha ni Christian yung Tray ko at dinala sa ibang Table sinundan ko naman sya at tumingin muna kila Kate... Nakakunot naman ang noo ni Kate habang Si Josh ay May Mapang-asar na tingin..
"Sit down" narinig kong sabi ni Christian kaya sinunod ko nalang sya
Nagsimula na kaming kumain.. Tahimik lang kami habang kumakain dahil siguro wala pareho kaming walang maisip na topic :/
Nang matapos kami ay pumunta muna ako sa line para bumili ng Coke in Can dahil hindi ako nakabili kanina..
Nang makabili na ako ay bumalik na ako sa pwesto namin kanina kaso wala na sya... Asan naman kaya ang isang yun :/
Bahala ng sya.. Pumunta nalang ako sa Pwesto nila Kate at Doon umupo
"San kayo nanggaling? At bakit magkasama ako? " sunod-sunod nyang tanong napabuntong hininga naman ako
"Isa isa lang Kate"
"Tssk! Sagutin mo nalang"
"Una sa lahat... May pinuntahan lang ako at pangalawa Diba iniwan nyo kaming dalawa? Kaya wag kang magtaka kung magkasama kami" pagtataray ko sakanya... Napaka-ulyanin talaga
YOU ARE READING
THE GAME (On-Going)
Teen FictionKaylangan bang pati ang Pag-iibigan ng Dalawang tao ay gawing laro? Hindi ba pwedeng kung iibig ka ay yung totoo at nag-iisa lang hindi yung iibig ka pero hahanap kapa ng iba na parang nakukulangan ka sa pagmamahal ng iyong kapares...