Natasha's POV
"Kate! Sa school nalang ako kakain ah!" Hindi kona sya hinintay sumagot at tumakbo na ako papuntang kotse ko
Inagahan ko talagang gumising ngayon dahil kinakabahan ako para mamaya
Pagdating ko sa parking lot ay konti palang ang mga sasakyan dun dahil 5:00 am palang ngayon
Naupo muna ako sa isang bench na malapit para doon hintayin si Chris dahil ayoko namang mangawit sa kakatayo
"Grr.. Dapat pala nagdala ako ng jacket" sabi ko at niyakap ang sarili ko dahil sa malamig na ihip ng hangin
Lumipas ang ilang minuto at nilalamig na talaga ako kaya tumayo muna ako at pinagkiskis ang dalawa kong palad saka inilagay sa magkabila kong pisngi
Nagulat ako ng biglang may naglagay ng jacket sa balikat ko kaya napaharap ako sa gumawa nun
"Tssk.. Ang lamig mo bakit ba kasi nandito ka sa labas?" Naiinis na tanong nya sakin
"Ehh.. Hihintayin kasi kita... " sabi ko habang sinusuot ang jacket nya
"Bakit naman? Susunduin naman kita sainyo ah?" Nakataas ang isang kilay na tanong nya
"Ehh... Basta! Kaylangan mo kasi sakin sumama Christian.."
"Huh? Anong gagawin mo sakin? Ate... Wag po..." At tinakpan pa ang dibdib kaya pinalo ko naman sya
"Sira! Kabadingan mo talaga e noh? Anong kala mo sakin Rapist Tssk!" Pagtataray ko at tinalikuran sya
Tssk! Anong kala nya sakin ra-rapin ko sya Duh!
"Hindi na babe haha... San ba kasi tayo pupunta mamaya?" Tanong nya ng makasabay na sya sakin
"Sa bahay namin..." Sabi ko na ikinahinto nya kaya nahinto din ako... Binigyan ko namna sya ng nagtatakang tingin
"Bakit anong gagawin natin dun?" Parang natatakot na tanong nya at tinakpan na naman ang dibdib
"Tssk! Chris isa?!"
"Hindi na talaga babe hehe.. "
"Gusto ka kasing makilala nila mom and dad pati na din si kuya"
Nakita ko naman syang parang kinakabahan
"Parang di ko kaya Asha.. " sabi nya kaya nagtaka ako
"Bakit naman?"
"Kasi yung kuya mo nga diba kahapon?" Sabi nya kaya natawa ako dahil mukha syang batang may kasalanan sa magulang kaya ayaw pumunta haha...
"Haha... Hindi yun! Akong bahala sayo" sabi ko at saka nagderesto papunta sa kotse ko
"San ka namn pupunta ha?" Tanong nya ng papasok na sana ako sa kotse ko
"Uhmm.. Kakain? Hehe" sagot ko
"Tssk! Bat hindi kana naman kumain?! Diba sabi ko sayo kumain ka bago pumunta sa school?!" Singhal nya sakin kaya napanguso ako
"Ehh.. Kasi nga---- Uy! Teka baka madapa ako!" Sigaw ko sakanya dahil bigla nya nalang ako hinila
Pumunta kami sa kotse nya at pinagbuksan nya ako ng pinto pero tumingin lang ako dun
"Pasok Dali!" Nauubusang pasensyang utos nya napasimangot naman ako at saka pumasok sa loob
Napatingin naman ako sa likod at agad na nanlaki ang mata ko dahil sa nakikita ko
YOU ARE READING
THE GAME (On-Going)
Teen FictionKaylangan bang pati ang Pag-iibigan ng Dalawang tao ay gawing laro? Hindi ba pwedeng kung iibig ka ay yung totoo at nag-iisa lang hindi yung iibig ka pero hahanap kapa ng iba na parang nakukulangan ka sa pagmamahal ng iyong kapares...