Chapter 6

2 0 0
                                    

Christian's POV

Ewan ko pero...  Pakiramdam ko biglang tumamlay si Asha simula nung natapos kaming kumain sa ilalim ng puno

Kanina pa sya napapabuntong-hininga

"Hey..  Are you alright?" Tanong ko sakanya

"Hmm..  I'm alright" matamlay nya paring sagot...  Hindi ako sanay na ganito si Asha kaya nag-aalala ako

"Wala ka namang sakit" sabi ko pagkatapos kong salatin ang noo nya

"Tssk..  Okay lang talaga ako Chris" sabi nya at nginitian ako kaya medyo nawala ang pag-aalala ko

"Asha!" Sabay kaming napalingon sa pagtawag ni Kate na kasama si Josh sa hindi kalayuan

"Ohh?  Bakit?" Takang tanong ni Asha ng makalapit na sila

"Nandun daw sa bahay si Ate Maxine..." Sagot ni Kate na tinutukoy ay yung Ate ni Asha

Nakilala kona si Ate Maxine dahil sa kadaldalan ni Kate....  Naging madaldal yan si Kate simula nitong nakalipas na linggo

"Bakit daw?" Tanong ni Asha

"Gusto nya daw tayong makita....  At ewan ko kung bakit...  Lika na!" Sabi nya at saka hinila si Asha pero hindi naman agad nagpahila si Asha at tumingin muna sakin

"Sige na...  You can go..  Magpahinga kana din" sabi ko at ginulo ang buhok nya

"Sige ingat ka pauwi ah" sabi nya at saka nagpahila na kay Kate

"Saan kaya pupunta yung dalawang yun" Takang tanong ni Josh kaya binatukan ko sya

"Loko! Ehh kakasabi nga lang na sa bahay daw sila pupunta dahik nandun yung ate ni Asha" nakangiwi kong sabi skanya

"Tssk..  Ang sungit mo ngayon dre ah?  Meron kaba ngayon?" Pagbibiro nya

"Tssk! Wag ngayon Josh....  Wag ngayon" sabi ko na may masamang tingin sakanya

"Tara sa mall nalang muna tayo" sabi nya at saka inangkla ang kamay sa Braso ko na agad ko namang inilayo

"Kabadingan mo na naman Josh!  Ano naman gagawin natin dun? At saka may Klase pa tayo ah?"

"Tanga! Wala na tayong Klase Absent daw yung mga masisipag nating Lecturer" sagot nya at saka hinila ako palabas ng School

At dahil may Kotse kaming pareho ay naghiwalay din kami

Pagkadating namin sa mall ay pinagtitinginan na agad kami syempre dahil gwapo ako...  Pero Sorry Girls I'm taken

"Napaka-charming ko talaga dre...  Nagsisitinginan na naman sakin yung mga babae ang lupet pati lalaki tumitingin haha" natatawang biro nya kaya natawa ako.. 

"Charming pala ah...  Isusumbong kita kay kate" pananakot ko at akmang ilalabas na ang Cellphone ko ng pigilan nya ako

"Sabi ko nga kasi hindi sila sakin nakatingin...  Sa Damit ko lang" sabi nya at parang Kinakabahang tumawa

"Tssk..  Kabadingan talaga..  Lika dun tayo sa Doraemon Shop"

"Hindi ka parin nakakamove on kay Doraemon? Isusumbong kita kay Asha Kumakabit ka kay Doraemon" pagbibiro nya kaya natawa nalang ako dahil sa pagiging OA nya

"Stupid!  Para saming dalawa yung bibilhin ko"

"Ayy..  Mahilig din sya sa Doraemon?" Napapaisip nya pang tanong kaya binatukan ko na naman sya "Ano ba! Kanina kapa ah!" Reklamo nya habang hawak hawak ang parteng binatukan ko

THE GAME (On-Going)Where stories live. Discover now