Fool 1

10 1 0
                                    

Chapter 1

"Iloveyou!" Walang kurap  at nikatiting na kaba ang naramdaman ko ng sabihin ko ang matagal ko ng nararamdaman para kay Rashid. Di na din mapalis ang matamis na ngiti sa mga labi ko habang nakatitig sa napaka gwapo nyang mukhang  tila hindi manlang nagbago ng marinig ang pag amin ko.

Yes, I am a girl. So what kung ako ang naunang umamin? Hello. Modern day na ngayon at hindi na uso para sa akin ang pahinhin effect na kailangan  babae ang mauunang umamin sa lalaki. Paano nalang diba kung torpe yung lalaki edi nasayang ang love kasi walang maglalakas loob sa inyong dalawa na umamin! I won't waste my time waiting for Rashid's confession about his unconditional love for me. I am pretty confident naman na bet na bet ako ni Rashid kaya I know na walang magiging problema. I am doing him a favor pa nga e.

Rashid Randel is my childhood bestfriend slash sweetheart. 5 years old palang yata kami ay di na kami mapaghiwalay. Ay let me rephrase that. Ako ang ayaw humiwalay. Well, bat naman ako hihiwalay sa kanya e lagi syang nagagalit sa akin tuwing di nya ako nakikita. Like nung 7 years old kami. I met a boy na kasing age din namin, he is sweet and jolly kaya nagkapalagayan kami ng loob ni Nathan. That day niyaya ako nung bata na maglaro sa kabilang village at hindi ako nakapagpaalam. Inabot kami ng 2 hrs kakalaro at hindi ko na namalayan ang oras. And there sumulpot si Rashid, fuming mad. Inuwi nya ako sa bahay saka pinagalitan at sinabihan na wag sasama kung kani kanino. At a young age, I fell for him until now.

And two months from now ay papasok na kami sa iisang university kaya dapat lang na bakuran nya ako diba? Yes, di ulit kayo nagkakamali! Ako ang babakuran nya. Why? Simply, because I am drop dead gorgeous. Ang isang gaya kong nilalang na may napakalakas na alindog ay di nya pwedeng hayaang single sa isang university dahil malakas ang chance na pagkaguluhan ako ng mga lalaki. Nakakaawa naman kung mabbroken si Rashid kapag napunta ako sa diba, right?

Hinagod ko ang kulot at brown kong buhok na umaabot sa mga balikat ko saka pinanood ang pagtagis ng kanyang panga at pagkunot ng makakapal nyang kilay habang matamang nakatitig sa akin.

My man is so fine! Ugh.

Lalo kong inilabas ang matamis kong ngiti saka nilapit ang mukha ko sa kanya habang nakasuporta ang dalawa kong kamay sa aking baba. Kasalukuyan kasi kaming nasa hardin ng bahay nila, ang tanging pagitan lang namin ay ang isang patio table.

Bukod sa pagtangis at kunot ng kilay nya ay wala na akong natanggap pang  sagot sa kanya. Napanguso ako.

Bat di pa to nagsasalita? Don't tell me hanggang ngayon gulat pa din sya at hindi pa din tapos kiligin? Come on, Rashid. Kailangan mo ng masanay. I flipped my hair saka tumayo at tumabi sa kanya. Mabilis kong ipinulupot ang mga braso ko sa kanya at walang pagdadalawang isip na hinalikan sya.

The kiss was quick ngunit hindi napigilan niyon ang pagdaloy ng tila libo libong bultahe ng kuryente na dumadaloy mula sa katawan ko hanggang sa sistema ko. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nya ng humiwalay ako kasabay niyon ay ang isang hikbi na narinig ko mula sa likuran ko.

And there, I saw a girl dressed in a white dress. Her long black hair is set with a clean braid. She has pink lips and a pale skin. The girl have the looks but not enough to match my beauty.

Just a plain ordinary girl indeed.

Rinig ko pa ang pagsinghap ni Rashid ng makita nya ang babae at walang pagdadalawang isip akong tinulak palayo sa kanya at saka mabilis na tumayo para habulin ang babae na ngayon ay nagtatakbo na siguro palabas.

"Aira!" Tawag pa ni Rashid sa babae umaasang titigil iyon sa pagtakbo pero hindi. Patuloy lang iyon sa pagtakbo, di nag abala pang lingunin ang lalaki.

I don't know why pero tila bumigat ang dibdib ko. Bumagal ang tibok ng puso ko at tila tinutusok iyon ng maliliit na karayom.

Huminga ako ng malalim saka sinubukang tawagin si Rashid pero tila wala itong narinig.

Sino ba ang babaeng iyon? She ruined our moment.

Wala nalang akong nagawa kundi ang panoorin ang likod ni Rashid palayo sa akin habang sinusundan ang babaeng iyon.

I didn't know. Wala na pala akong ibang magagawa kundi ang panoorin syang mabaliw at maghabol ng iba.

Rashid kelan ba makikita ng puso mo ang isang Crane Crishelle Ford?

Too Fool To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon