Fool 5

15 0 0
                                    

Chapter 5

Aya looked at me habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa mga kamay ni Rashid. Hindi ko na din napigilan ang pagtaas ng kilay ko at pag irap sa ere. I hate her.

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako na hindi nakikita ni Rashid ang pagtataray ko sa girlfriend nyang si Amy dahil busy ito sa pagtitig sa babae. Gusto ko na yata masuka. Ang corny ni Rashid! He looks at her na para bang si Annie na ang pinakamagandang babae sa daigdig. Parang gusto ko tuloy rumampa dito at magflip hair.

Hi Rashid. Eyes on me please! Kuko ko lang yang tinititigan mo. Ako ang tunay na maganda! Pero syempre wala akong lakas ng loob na sabihin iyon. I don't want to look desperate on his eyes though I am.

Tumikhim ako para ipaalala kay Rashid na nag eexist pa ako. I plastered a sad smile ng tapunan ako nito ng tingin. Inartehan ko ang pagpapalungkot pa lalo,yung mukhang hindi kayang tiisin ni Rashid.

"I didn't know you're with Abby pala. Mauna na ko ha?" I said saka tinapunan si Andy ng apologetic look. Her mouth formed into a thin line at ang mga kilay nito'y biglang kumunot. She opened her mouth and was about to say something when Rashid spoke.

"Maglulunch ka bang mag isa?" Tanong ni Rashid saka ako tinititigan. I smiled sadly saka marahang tumango.

"Oo. Di kasi kami masyadong okay nila Kath." I smiled bitterly.

Gumuhit ang nag aalalang tingin sa mukha ni Rashid. "What happened? Are you okay?" He asked saka bumitaw sa pagkakahawak ni Ariella para daluhan ako.

Initsa naman ako ni Rashid paupo sa isang upuan at umupo na din sa harapan ko.

"I'm fine Rashid. Ano ka ba?" Alo ko saka sya nginitian. "May konting misunderstanding lang sa amin but maayos din namin ito." Saad ko saka tinapunan ng tingin si Ally na naiwan pala namin kanina sa may pinto. I smirked at her saka tumayo.

"Sge Rashid baka nakakaistorbo na ko. Bye." Paalam ko saka tumalikod na. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang maagap na mga kamay ni Rashid sa braso ko.

"Crishelle sumabay ka na sa amin." His voice is firm at tila seryoso.

Nilingon ko sya saka tiningnan.

"I can handle myself Rash. No need to worry." Sagot ko pa pero ang mga tingin ko ay tumatagos sa mukha ni Angie. Tahimik lang itong nakatitig sa amin walang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Now I realized, she looks like an angel. Yung mukha na tila hindi makabasag pinggan. 

"No. I know you. Hindi ka kumakain ng matino pag wala kang kasabay. Come. Join us." I was about to say something but he cut it.

"I won't take no as an answer." Saad pa nito saka ako inalalayan umupo sa silya.

A flashed a victory smile habang nang aasar na nakatitig kay Aria. Sa mga gantong sitwasyon ay dapat nakasimangot na ito or tinatapunan ako ng masasamang tingin pero wala. She just smiled at me saka tumango.

"Anong gusto mong kainin?" Agap na tanong ni Rashid sa girlfriend nya.

Umaliwalas ang mukha ni Anna saka ako sinulyapan sandali atsaka humarap muli kay Rashid.

"Baby I want veggie salad and a glass of lemonade please." The girl said sweetly as she stare at Rashid. Nakakasuka.

Lakas mag inarte ni Aimee. Nang sulyapan ko si Rashid ay kumunot na ang noo nito.

"Iyon lang ba?" Kunot noong tanong ni Rashid na tinanguan lang ni Aria.

"Mabubusog ka ba doon?" Pahabol pang tanong ni Rashid. Pinigil ko ang pag ngiti ng makita ang pamumula ni Aika.

"I'm on diet babe." Maikling tugon niyon at napa "o" na lang si Rashid. Mabilis itong nagtaas ng kamay para tumawag nang waiter.

"2 plates of beef steaks please. 2 bowl of creamy soup, strawberry shake and macha." Dere derechong banggit ni Rashid sa waiter habang umoorder.

Hinawakan ni Annie ang kamay ni Rashid para kunin ang atensyon nito.

"Babe I don't eat beef." Bulong niyon na umabot naman sa pwesto ko.

"I know. Para sa amin yon ni Crishelle." Sagot pa ni Rashid saka ginulo ang buhok ng babae. "Babe ano nga ulit order mo?"

Kita ko ang pagkunot ng noo ng babae saka marahang bumitaw sa pagkakahawak ni Rashid sa kanya. "Baby sorry ah. May nalimutan pala akong gawin sa library mamaya na yung pasahan non. Gawin ko nalang. Busog pa kasi ako."  Ani nito saka mabilis na tumayo ay harapin ako. "You can eat with Rashid nalang Crane. Mauna na ako." She gave me a sad smile saka ito lumakad palabas.

Nagkatinginan naman kami agad ni Rashid saka ito tarantang tumayo at habulin si Ashley.

"Kumain ka nalang muna Crishelle babalik nalang ako. Ayusin muna namin yun ni Aira ha." He said saka mabilis na tumayo at humabol sa babae. Hindi manlang nya nahintay ang sagot ko.

I smiled bitterly. Ano pa bang bago?

Too Fool To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon