Fool 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

Muli ay sinulyapan ko ang wrist watch ko, 2 minutes bago magsimula ang susunod na klase ko. Napailing nalang ako.

Crane bat ka pa ba naghintay dito? Pinapaasa mo na naman ang sarili mo.

I smiled bitterly. Nakakainis kase! Kung hindi sana nag inarte si Arianna ay nakakain sana ako ng lunch kasama si Rashid!

Masamang tingin ang binato ko sa mga pagkain na nasa table. Maski bawas sa shake at steak na order sana ni Rashid kanina ay wala pang bawas. What the. Ayoko kayang kumain mag isa. Padabog na tumayo ako doon at inipit ang bayad at tip na rin sa mga order na yan. Ayoko namang isipin ng mga crew dito na nakiupo lang ako dito ng mahigit isang oras. Baka akalain nila hampas lupa ako, bigyan ko silang kotse e.

Taas noo akong naglakad palabas doon at dumerecho na sa Arellano bldg. kung nasaan ang susunod na subject ko. May tila eksena sa hallway na dadaanan ko at bumara dito ang madaming estudyante. At dahil maganda ako at ayoko makipagsiksikan sa kanila ay lumihis nalang ako ng daan. Mas gugustuhin ko pang dumaan sa parking lot para tumungo sa Arellano kesa naman makipaggitgitan sa dami ng tao doon. Ayoko nga malanghap ang iba't ibang amoy. Yak!

Nilalaro laro ko ang strap ng body bag ko ng mapatigil ako sa paglakad. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay pumarada ang isang itim na BMW. I know kung sino ang may ari niyon.

Hindi naman ako nagkamali dahil hindi din nagtagal ay lumabas si Rashid mula sa driver's seat at nakangiting binuksan ang isa pang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Anna hawak hawak ang isang supot ng hindi ko alam kung ano at isang plastic cup ng coke.

Napataas ang isang kilay ko sa aking nasilayan. So hindi ako nakapaglunch dahil inakala kong babalikan ako ni Rashid para sabayan and now makikita ko syang kasama si Angie at mukhang kumain na sila sa labas. Habang ako ano?

Nganga. Isang oras nagmukhang tanga.

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko pero hindi ko na pinansin iyon. Mas kaya kong mag tiis ng gutom kesa magtiis na makita si Rashid kasama ang jowa nya. Masyadong masakit sa mata. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang paghagikhik ni Aimee. Omg. Ang sakit sa tenga.

Ilang sandali lang ay nilingon ni Rashid ang kinalulugaran ko, kita kong tila natigilan ito saka kumaway at nilawakan ang ngiti.

Wow. Nakakangiti pa ang gago. Hindi ako plastic kaya inirapan ko lang sya at nagmartsa na papuntang Arellano. Rinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Busangot ang mukha ko hanggang matapos ang lahat ng klase sa araw na iyon.





Another day again. I sighed. Loner pa rin nga pala ako ngayon, hindi pa rin kami okay nila Kath at dedma ko na si Rashid. Galit pa din ako. Ni wala nga akong nareceive na sorry or tawag sa kanya e. Wala lang talaga siguro ako sa kanya. I smirked.

"Okay class dismissed." Rinig kong saad ni Prof. Mendoza saka niligpit ang mga marker at laptop na nasa lamesa nya.

Unti unti na rin naglalabasan ang mga kaklase ko para maglunch. I sighed saka tamad na isinandal ang likod ko sa hamba ng upuan at tiningnan ang bintana.

Hindi na ako lalabas para maglunch. Para saan pa? Hindi ako kumakain mag isa at wala na din naman akong gana. Ayoko din namang maglibot libot sa campus dahil makasalubong ko na naman ang magjowang Rashid na iyon at Aila, lalo lang masisira ang araw ko. Dahil sa kanila apat na araw na akong hindi naglalunch at nagtatambay na lang sa classroom paglunch. Mga mahaharot!


30 minutes nalang pala bago matapos ang lunch. Makakaidlip pa ako. Ipapasak ko na sana sa kaliwang tenga ko ang earbuds ko ng marinig na may kumatok sa pinto.

Agad na nilingon ko iyon at napakunot noo nalang ako ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni Rashid.

Umirap muna ako saka ipinasak ng tuluyan ang earphones ko sa tenga. Mahina ang volume niyon dahil pinapakiramdaman ko pa din naman ang gago ko habang nakadukdok ako sa arm rest.

"Nagtatampo ka pa din ba?" Rinig ko ang tinig ni Rashid pero hindi ako nagrespond. Galit ako! Wag mo pansinin Crane.

Sumunod kong narinig ay ang mga hakbang nitong tila papalapit sa akin.

"Crishelle, come on. Bati na tayo please?" Rinig kong saad nito na may malambing na tinig. Dang! I can almost imagine him pouting.

No Crane. Keep your walls up.

Hindi pa din ako kumilos o nag angat ng tingin manlang. Bahala ka jan.

"Di mo pa din ba ako papansinin?" Sunod na tanong pa din nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

Ramdam ko ang pagtindig ng mga balahibo ko sa batok sa bawat hagod nya. Rashid what are you doing?!

"I brought your favorite." He said saka may inilapag sa tabi ko. Doon lang ako nag angat ng tingin at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Rashid. He is smiling like an idiot. Nakaupo na ito sa harapan ko habang inilalabas na nya ang dala nya.

Lasagna and iced tea. Napasimangot ako dahilan para marinig ko ang paghalakhak nya.

Omy. Bat feeling ko nalaglag na ang panty ko, marinig ko palang ang tawa nya?

"Tampo ka pa rin ba?" Nakangiti pa rin na tanong nito saka hinawi ang ilang hibla ng buhok kong humarang na sa mukha ko.

Lalo lang ako sumimangot at inirapan sya.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita?" Sunod namang tanong nito ng hindi ko sya sagutin.

"KULANG!" Singhal ko sa kanya saka sumimangot. Rinig ko ang paghalakhak nitong muli. Omy. His laughter is like a music in my ears. Hala. Ang corny ko na yak.

"Hindi yan kulang. Surprise!" He said saka inilapag ang isang box ng Hawaiian pizza na nagbigay ngiti sa akin.

Mabilis kong inabot ang box para buksan pero mabilis ma tinapik iyon ni Rashid.

"Ano?" Singhal ko sa kanya saka sya pianlisikan ng mata na tinawanan lang nito ulit.

Pwede bang wag na sya ngumiti? Nawawala lalo yung galit ko e. Kainis.

"Bati na ba tayo?" Taas kilay na tanong pa nito pero inirapan ko lang saka hinawakan ulit ang box.

"Not so fast Crishelle." Ngiting saad pa nito saka inilayo ang box sa akin. I groaned.

"Fine!" Sumu sukong saad ko saka sumandal na lang ulit sa upuan.



"Good. Imissyou." Rashid said na nagpatulala sa akin. He missed me?



Aasa na naman ba ako?









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too Fool To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon