"Cee, lika na dito!" rinig ko pang tawag niya sa akin. Agad naman akong tumayo at patakbong sumunod sa kanya.
Umangkla ako sa braso niya, pero pinipilit niyang alisin ito. Hinigpitan ko pa lalo para hindi ako makawala. Alam ko namang nagtatampo lang 'to eh. Dahil hindi ko masabi ang totoong dahilan ng pagbabalik ko dito.
E anong magagawa ko? Panigurado na sa oras na malaman niya ang totoong nangyari ay pupunta siya doon at hahanapin si TJ para lang saktan din ito. Oo nga at hindi man niya ito emotional na masaktan, tulad ng ginawa niya sa akin pero pisikal naman. At ayokong mangyari yun sa kanya.
Dahil kahit na sinaktan niya ako ng sobra, mahal ko pa rin siya. Hindi naman iyon magbabago dahil lang sinaktan niya ako.
"Wag ka ng magtampo sa akin. Sasabihin ko naman sa'yo pag ready na ako eh." pagpapaintindi ko sa kanya. Ayoko namang pati siya ay magalit din sa akin. Baka hindi ko kayanin iyon e.
"Oo na, naiintindihan ko naman." aniya, at ginulo pa ang buhok ko na parang bata. Napangisi naman siya ng mapansin niyang nainis ako sa ginawa niya.
Pagkadating namin sa dining area ay nandoon pa rin sila at nagku-kwentuhan. Ni hindi man lang kami pinansin ng umupo kami, masyado kasi silang busy at seryoso sa mga pinag-uusapan nila.
Magkatabi kaming naupo at nagsimula ng kumain. Maya't maya ang abot niya sa akin ng pagkain pero hindi naman siya nagsasalita. Pakiramdam ko tuloy ay nagtatampo pa rin siya sa akin.
Siniko ko siya, "Tampo ka pa rin?"
"Hindi," mariin niyang tanggi. "Kailan ka pala mag-e-enroll?"
"Ewan," sagot ko. "Samahan mo ba ako?"
"Gusto mo ba?" balik tanong niya sa akin.
"Siyempre!" nakangiti kong sagot.
Pakiramdam ko ay tama lang na bumalik ako dito. Kasi nandito naman si Trick, e. Nandito siya sa tabi ko at alam kong kailanman ay hindi niya ako iiwan sa ere.
"Pero paano 'yan, gusto kong subukang mag-aral sa Pinas?" seryoso niyang wika.
"Bakit naman?" kunot noong tanong ko. "Mas maganda dito, promise!" dagdag ko pa.
Kinabahan ako sa mga sinabi ni Trick. Pakiramdam ko ay gusto niya talagang malaman ang dahilan, na kahit hindi ko sabihin sa kanya ay may alam pa rin siya.
Ang masama pa nito ay mahirap pigilan si Trick. Dahil kung gusto niya, gusto niya talaga. At gagawa siya ng paraan para makuha ang gusto niya.
"Seryoso ka talaga diyan, Trick?" Malakas na ang kabog ng dibdib ko. Mukhang balik Pinas na naman ako, ah.
"Mukha ba akong nagbibiro?" seryoso ulit niyang wika. "Isang taon lang, Kaycee. Tatapusin lang natin ang highschool. Promise, babalik tayo dito para mag-college."
Natigilan sina Mama sa pag-uusap dahil narinig ata nila ang pinag-uusapan naming dalawa. At ang nakakainis pa, mukhang payag silang lahat.
BINABASA MO ANG
When Blindness Take Over
Fiksi Penggemar[REPOST] Love isn't blind. People are. Love doesn't complicate things. People does. Cover: @ellaaaaavyou