Chapter 1

340 3 0
                                    

Chapter 1

"Casey!"

Ughh. Grabe talaga kung kumatok 'tong landlady na 'to. Kulang na lang sirain nang tuluyan yung pinto ko. Nagmimistulang alarm clock ko na nga ang boses ni Aling Mary An eh. Kung hindi araw-araw, parati naman.

"Casey! Gising ka na ba? Nasa linya ang mga magulang mo!" sigaw niya.

Ha? Hindi naman yun tumatawag sa telepono ng boarding house ah. Chineck ko kagad yung phone ko pero lowbat pala. Ayshh!

Bumangon kaagad ako at sinuot yung shorts na nakalatag sa sahig. Kapag kasi natutulog ako, oversized shirt at panty lang ang sinusuot ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa may telepono.

Pagsagot ko ng telepno..

"ANAK! SAANG LUPALOP KA NANAMAN BA NANGGALING?!"

Hindi pa nga ako nakaka-hello, tumalak na kaagad si Mama. Aga-aga, sesermonan nanaman ako.

"Hindi ka naman ganyan dati ah. Napakaresponsable mong bata. Hindi mo kami pinag-aalala ng papa mo. Ang bait bait mo nuon." pagdadagdag niya.

Hay. Ito nanaman si Mama. Ginagawang issue yung malaking pagbabago ko. Una, Bastos na daw ako. Pangalawa, hindi na raw ako sumusunod sa kanila. And the list goes on..

Hindi ko na pinalalim ang usapan tungkol dun at baka pagalitan niya lang ako, "Ba't po kayo napatawag?" change topic kaagad ako.

"Hay nako anak. Miss na miss ka na namin ng papa mo." may halong lungkot ang pagkasabi ni Mama at sa tingin ko'y naiiyak siya.

Miss na miss ko na rin sila. Simula kasi nung 1st year ako hanggang ngayong nasa 2nd year college na ako ay nagtatrabaho pa rin silang dalawa bilang nurse sa ibang bansa. Kaya maaga rin akong natutong mamuhay ng mag-isa.

"Miss ko na rin po kayo." Ayoko talaga ng ganitong mga drama. Ayokong maiyak.

"Sorry anak kung parati kaming wala sa birthday mo. Bumabawi rin naman kami kahit papano, diba?"

Tama si mama dahil sa tuwing birthday ko, kahit na wala sila, binibigyan pa rin naman nila ako ng mga magagarang regalo. But honestly, their presence will be the best present I'll ever receive. Pero siyempre hindi mangyayari yun kasi nagtatrabaho sila sa malayong lugar.

"Anak, balita ko magcoconcert daw diyan si Taylor Swift!"

Bakit kami napunta sa usapan tungkol sa concert ni Taylor Swift? Ang weird ni Mama. Kala mo kung sinong close kay Taylor Swift eh. Mas updated pa tong mama ko kesa sa akin ah.

"Opo." Gustong-gusto ko talaga pumunta dun kaso ang mahal ng ticket! Grabe! Ilang cornetto na rin ang nakain ko! Feeling ko nga magkaka-diabetes na ako sa rami ng nakain ko.

"Nagpadala kami ng papa mo ng pera para makapanuod ka. Sa araw ng birthday mo rin yun gaganapin diba? Alam ko idol mo yung si Taylor Swift."

A silent pause.

Nananaginip ba ako?!

"Shiiit! No kidding?" Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko namalayang nakapagmura ako sa mama ko.

Ngayon siya nanaman ang napahinto, "Hoy anak! Anong shit-shit yang pinagsasabi mo? Hindi porke't wala kami sa tabi mo ay matututo ka ng magsalita ng ganyan." galit niyang sabi.

"Sorry ma! Nabigla lang talaga ako! Ohemgee! Ang cute niyo po kung kayo ang nagsasabi! Thank you po Ma! Pa-thank you na rin po kay Papa!"

Kahit naging pasaway akong anak ay niregaluhan pa rin ako ni mama ng concert ticket ni Taylor Swift! Ahh! Ang saya-saya ko! Dabest talaga si mama!

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon