Chapter 3

86 1 0
                                    

Chapter 3

Casey's POV

"Miss, tama na ho 'yan" sabi nung bartender nang napansin niyang naparami na yung nainom ko.

"Huwag mo nga akong pakialaman!" galit kong sinabi dun sa bartender.

Napaka paki-alamero naman kasi nitong bartender na 'to! Paki ba niya kung laklak ako ng laklak ng alak dito! Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ko.

"Hindi naman ho sa nangingialam, nag-aalala lang ho ako sa inyo. Madalas na po kasi kayong pumupunta dito eh."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Boypren ba kita? Isn't that also a good thing? I'm making this bar earn." uminom ako ulit. Basag trip naman 'tong bartender na 'to.

"Alcohol is not the answer. It just makes you forget the question." sabi niya habang isa-isang kinukuha yung mga basong nakapatong sa bar counter.

Napatingin ako sa kanya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganun sa isang bartender.

"Hoy, aminim mo nga sa 'kin. Bartender ka ba o counselor?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya tapos inentertain ang iba pang costumers. Aba bastos rin nitong lalaking to. Pinakealaman niya ako kanina tapos ngayon hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Binaliwala lang ako!

Bumalik na lang ako sa paglaklak ng alak. Buti umalis na rin yung pakialamerong bartender na yun. He's so creepy. Kung makapagsalita eh daig pa nanay ko.

1 message from Mama

"Casey, nakauwi ka na ba? Kamusta yung concert? Text ka kung nakauwi ka na ah. Love you, nak. Happy Birthday!"

Binasa ko lang yung message ni mama tapos inilagay ulit yung cellphone ko sa bag. Hah. Happy Birthday nga pala sa'kin. Hangang ngayon na 19 years old na ako, mag-isa pa rin ako nagdiriwang ng birthday ko. 19 years of living alone in this miserable life.

"That's enough. You're too young to drink that much." napalingon ako nang may biglang umupo sa tabi ko.

Isa nanaman 'tong pakialamerong 'to, "Excuse me? Para sabihin ko sa'yo, wala kang karapatan para diktahan ako. You're not my boss, mister." Inirapan ko lang siya.

Pagod na pagod na talaga akong sumunod sa mga gusto ng mga tao. Simula kasi nung highschool pa ako, palagi na lang akong ina-under. Parati nalang inaabuso ang kabaitan ko. Ni wala nga akong naging kaibigan eh. Wala na nga yung mga magulang ko dito, wala pa akong kaibigan na masasandalan. Hindi naman talaga ganito ang ugali ko dati eh, pero narealize ko din na baka dahil ako inaapi ay dahil sa masyado akong mahina. At dahil dun natutunan kong maging matapang at palaban. Sino pa ba ang maaasahan ko kundi ang sarili ko lang.

"Hindi naman kita dinidiktahan ah." tumingin siya sa'kin at mukhang binabasa yung mukha ko, "Love problem? Ha- tell me about it!" tapos sinabayan niya ako sa paginom ng beer.

Love problem? Nyemas! Kaya pala ako nagpapakalasing ngayon dito ay dahil dun sa bwisit na lalaking 'yon! Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina! Walang hiya yun, iniwan lang ako dun!

"O? Bakit parang sa itsura mo pwede ka ng pumatay ng tao? Nagbreak ba kayo?" tanong niya.

"Pano kami magbe-break eh wala namang nabuong relasyon." sagot ko sa kanya.

"Seryoso ka? Sa ganda at sexy mong 'yan?" pagtataka niya.

I just smirked at him. Whatever! Hindi talaga ako sanay na pinupuri ako. Para kasing hindi totoo. Para kasing may hinihinging kapalit sa'yo kaya ka nila pinupuri. Hindi kasi ako sanay ng atensyon simula pa nung nasa highschool pa ako. I was invisible to all.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon