Chapter 5

94 3 2
                                    

Chapter 5

Casey's POV

Kung kelan naman kailangan kong magmadali saka naman ako itataksil ng alarm clock ko. Ngayon pa hindi tumalak si Aling Mary An! Ayan tuloy, natanghalian ako ng gising! Kahit kelan talaga di maasahan 'tong alarm ng cellphone ko. Ang dami ko ng oras na nasayang! Panigurado ang dami ng tao sa school ngayon. Ngayon kasi ako mage-enroll eh at ayokong makipagsiksikan at makipaghintayan sa iba pang mga tao. Nakakairita kasi.

Isa pa yung Gelo na yun! Kung hindi sana siya nangulit kagabi eh di sana maaga akong nakauwi at nakapagpahinga. Pinilit ba naman akong sabihin sa kanya kung saan ako nakatira dahil gusto niyang siya ang maghatid sa akin. Siyempre hindi ko sinabi, malay ko bang rapist siya oh kidnapper, diba? Kahit anong gwapo nun di malayong makagagawa yun ng kasamaan.

Kahit pilit ko siyang itinaboy patuloy pa rin siya sa pangungulit. Hindi niya talaga ako tinantan kahit na nandun na ako sa sakayan ng taxi, nandun pa rin siya, nangungulit.

*Flashback*

"Ba't ba kasi ayaw mong sabihin yung address mo. You drank a lot. Let me do the honor to bring you home. Baka mapano ka pa."

"Hoy! Di mo ba talaga ako tatantanan? Hindi ko nga ibinigay sa'yo yung number ko, address pa kaya? At isa pa, I have a high drinking tolerance. So, don't worry."

"Sandali nga lang, wala akong natatandaan na hinihingi ko yung number mo ah.."

"Ah! Basta! Bahala ka diyan! Uuwi na ako!"

"I didn't know that the exchanging of numbers crossed your mind...pwede bang exhange of hearts na lang?"

Hanggang sa nakasakay na lang ako ng taxi patuloy pa rin siya sa pangungulit. Buti na lang hindi siya sumabay at sumakay sa taxi. That will be the death of me! Tiningnan ko siya sa rearview mirror at napansin kong wala na siya dun. Buti naman. Baka bumalik na yun sa bar at naghanap ng panibagong biktima. Grabe, ibang klase rin yung lalaking yun.

*End of flashback*

Kita niyo na? Grabe ang kulit ng lalaking 'yon. Ang ayoko sa mga lalaki yung mga makukulit! Kapag sinabing awat na, awat na! Hindi yung pinipilit pa yung tao kahit ayaw na. Buti na lang talaga at hindi na niya ako sinundan. The truth is I really don't know how to deal with people, that's because I was used to being alone. Kaya pasensyahan kung magsusungit ako sa inyo.

Kailan ba kasi ako magkakakotse para naman hindi na ako commute ng commute. Nakakapagod tapos ang init pa, nakakawala ng ganda. Pero kahit may kotse na ako, useless lang kasi hindi naman ako marunong magdrive. Pero kahit na, madali namang matutunan yun. Kailangan ko lang talaga ng kotse lalo na sa panahong kailangan kong magmadali tulad ngayon.

Naglakad na ako papuntang sakayan. Wala na kasi akong pera kaya kailangan kong magjeep. Buti na lang hindi masyadong malayo yung sakayan mula sa boarding house na tinutuluyan ko.

"Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin 'to inaayos?" sabi ko sa sarili ko nung napansin kong barado pa rin yung drainage dito sa kalsadang parati kong dinadaanan. Hindi naman umulan ng grabe kagabi pero bakit bumabaha pa rin dito? Ang mas nakakainis pa, ito lang yung tanging daanan papuntang kanto.

Habang sinusubukan kong umiwas dun sa parteng may baha, bigla na lang may dumaang sasakyan na napakabilis ang takbo...

"AHHHHHH! SHIT!" sigaw ko.

Walang hiyang driver yun! Pakshet! Grabe! Ang basa-basa ko na! Late na nga ako tapos mangyayari pa 'to! Bulag ba siya?! Di na ba niya nakita na may tao sa tabi?! Ughhh! Humanda talaga yung driver na yun sa'kin! Huwag lang siyang magtangka magpakita sa akin at ang letche niyang kotse! Pano nako neto?! Buti na lang at nasalba ko yung bag ko. Nandito pa naman yung mga requirements ko.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon