Chapter 6
Irvin's POV
"IKAW?!" sigaw ko.
Napasigaw ako sa sobrang gulat. Sa dinadinaming oras bakit ngayon niya pa naisipang magpakita sa akin! Babaeng 'to talaga, laging wrong timing!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Sinusundan ba ko ng babaeng to?
"Um. Naghuhugas ng kamay?" mataray niyang sagot. Sa tono ng boses niya parang niyang pinapamukha sa akin na tanga ako.
"Lintek naman. Malamang naghuhugas ka. What I meant is, what are you doing here in this restaurant." paglilinaw ko. Aba't pilosopo rin 'tong babaeng to. Nakakairita! Maayos mong tinanong tapos pipilosopohin lang yung sagot sa'yo.
"Ah. Kakain?" sagot niya ulit. Nananadya ba siyang asarin ako?
"God. You're so annoying!" irita kong sabi sa kanya.
She's never going to get the point. Bobo rin pala to eh.
"Are you following me?" hindi na ako nakapagpigil at ako na mismo ang nagtanong sa kanya.
Tiningnan niya ako ng masama tapos tinaasan ng kilay. Hindi lang 'yon. Hinead-to-foot niya rin ako.
"Are you kidding me?" tinuro niya yung sarili niya gamit yung kanyang hintuturo , "Ako? Susundan ka! Wow! Gwapo mo ah!" she said sarcastically.
"Well, you can't spell handsome without ME." sagot ko sa kanya. Kala mo kung sinong maganda eh.
"Huh. And you can't define KAPAL without your face!"
Kala ko panalo na ako dun. May masasagot pa rin pala siya dun. Aba-aba. Babaeng 'to! Sumusobra na ata siya. Pangalawang beses niya ng tinatapakan yung ego ko. Hay! Kung di lang babae to kanina ko pa siguro to pinatulan.
"Tabi." utos niya. Tapos tinulak niya ako ng mahina para makadaan siya. Ang laki-laki ng space. I don't think pushing me is necessary. Kung alam ko lang, gusto niya lang ako mahawakan. Hah.
So that's it? Iiwan niya lang ako dito na wasak yung ego? She can't get away from me that easily! Kaya bago pa siya tuluyang makabalik sa table niya ay hinila ko siya at itinulak sa pader. Kinulong ko siya sa mga bisig ko.
"What are you doing?" tanong niya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkanerbiyos. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.
"Ganyan ba ang epekto ng halik ko?" tanong rin yung sagot ko. Ah shit. Bakit ko sinabi yun? Pinapaalala ko nanaman yung nangyari eh!
"For your information. I never expected my first kiss to be like that." sabi niya. Tapos biglang lumaki yung mga mata niya para bang may sinabi siyang hindi tama.
Sandali? Tama ba yung dinig ko? First kiss? So you mean? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Sandali..HAHAHAHAHAHAHA..
Napahawak na ako sa tiyan ko sa kakatawa. Whew. Grabe! HAHAHAHAHA ako pala ang first kiss niya? Ang swerte naman niya. Gwapo yung una niyang nakahilakan.
"Aray!" napa-aray ako nung bigla niyang sinuntok yung braso ko. Ano ba yun? Buto? Grabe, ang sakit naman! Ibang klase talaga 'tong babaeng to.
"Stop laughing. Because that subject is not a laughing matter!" seryoso niyang sabi. Bigla tuloy napawi yung ngiti ko. Wow, she's not even smiling or giggling. Talagang napakaseryoso ng mukha niya.
"Sorry" naguilty tuloy ako! Below the belt na ata yung sinabi ko. Tinawanan ko pa. Ganun ba kaimportante yung first kiss niya? She's making it a big deal. Mga babae talaga, parang gusto lagi yung first kiss galing kay prince charming. Swerte nga niya eh, hindi lang sa prince nangaling yung first kiss niya kundi sa hari ng kagwapuhan.
BINABASA MO ANG
Everything has Changed
RomanceKung kailan huli na ang lahat saka pa nila aaminin ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa.