Chapter 2

121 0 0
                                    

Chapter 2

Irvin's POV

"Langya! Irvin! Ang tanga tanga mo naman! Hindi mo man lang napansin na ibang kamay yung hawak mo?"

Mukha na akong gago dito na kinakausap ang sarili ko. Wala na akong natitirang kahihiyan. Sira na yung pagkatao ko. Ang tanga rin naman kasi nung babaeng yun. Di man lang pumiglas nung hinawakan ko.

Umalis kaagad ako at iniwan yung babaeng nahatak ko. Hindi ko lang pala nahatak, nahalikan pa! Pinagtapat ko pa yung nararamdaman ko na dapat sana ay para sa girlfriend ko. Shit, sayang ang effort ko dun ah.

Bumalik na kaagad ako doon sa arena, baka kasi hinahanap na ako ni Megan. Saan ba kasi pumunta yun? Ang linaw na nga ng sinabi ko na huwag lalayo sa akin. Sabi ko sa tabi ko lang eh! Ang likot likot! Eh di sana siya yung nahila ko at hindi yung...babaeng yun. Di sana siya yung nasupresa at hindi ako.

Takte. Kung minamalas ka nga naman oo! Teka, tapos na ba yung concert? Ang dami na kasing taong naglalabasan mula sa arena. Lagot, si Megan! Paano ko siya mahahanap ngayon? Sinubukan ko siyang hanapin pero di ko talaga siya mahanap dahil na rin sa dami ng taong lumalabas. Kung tawagan, di naman sumasagot. Paano na 'to? Baka abutan pa ako ng isang taon sa paghahanap sa kanya.

"Vinnie!!" tawag ng isang pamilyar na boses.

Naghanap-hanap ako at laking gulat ko nang may biglang yumakap sa likuran ko.

"Thank you! Thank you for accompanying me to this concert, though I know you are not a fan of her."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Totoo naman talaga, hindi naman kasi ganitong klaseng genre ang pinapakinggan ko. Sinamahan ko lang 'tong si Megan, nagpupumilit kasi. Mas gugustuhin ko pang umattend ng concert ng Imagine dragons, Fall Out Boy o The Script.

Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang braso niya. Aba't mukhang nilalamig 'tong girlfriend ko ah. Pano eh nakasleeveless lang siya. Kawawa naman 'tong girfriend ko. Tatanggalin ko na sana yung coat ko pero narealize kong nilalamig din pala ako.

Grabe naman kayo, tao din namin kaming mga lalaki, giniginaw rin. Hindi sa lahat ng oras eh aalokan namin kayo ng jacket. Pano na lang kung magkasakit kami? Eh sino na ang mag-aalaga sa inyo? Hug na lang para mas sweet.

"Grabe! Nag-enjoy talaga ako! Ang gaganda nung mga pinakita niyang acts! Halatang pinaghandaan talaga! Hindi pa ako nakakadama ng ganitong klaseng saya! Haay! Sana magconcert ulit siya dito!"

Ang sakit nun ah. So ibig sabihin na kapag kasama niya ako, hindi siya masyadong masaya? Tsk. Mukha talagang nag-enjoy siya. Ni hindi man lang niya napansin na nawala ako. Hindi man lang nagtanong kung saan ba ako nanggaling. Mukhang wala siyang pakialam nung nawala ako sa tabi niya...grabe..

"Oh bakit ang lungkot mo?" Mukhang napansin niya na biglang napawi yung ngiti sa mukha ko, "Ah sandali, may ibibigay pala ako sa'yo. Kala mo nakalimutan ko, noh?" may dinukot siya sa loob ng bag niya at agad inabot ang isang kahon sa akin,"Happy Anniversary, Vinnie!"

Wow! Ang sweet naman ng girlfriend ko. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Siyempre, hindi ako magpapatalo. Ibibigay ko rin yung supresa ko sa kanya...

Crap. Eh paano ko naman ibibigay yung supresa ko eh naipakita ko na sa iba! Isa pa, baka nandun pa yung babaeng yun! Kasi naman Irvin! Ang tanga mo rin kasing gago ka eh!

*Ring*

Incoming call...

Great. Just great! Tumatawag yung assistant ko na tumulong sa aking magplano nung dapat sana'y matagumpay na supresa para sa girlfriend ko.

Everything has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon