Chapter 2: Ang Pagguho ng Bahay dahil sa Shooting Star???

3K 50 6
                                    

KAYCEE's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa harap ng field..

Mag-isa lang ako dahil may pinuntahan pa sila Jinky at Sheryn..

Hinihintay ko lang din sila..

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang love letter na ibibigay ko sana sa kanya.

To: Niccolo Irie

Basa ko sa love letter ko kahit di pa nabubuksan..

Akmang bubuksan ko sana nang tinawag ako ng kaibigan ko..

"Kaycee!!!"-sigaw ni Sheryn

"Andito na pala kayo"-sabi ko tsaka tumayo mula sa kinauupuan ko

"Pasensya na kung natagalan kami.. Kinausap pa kasi namin si Sir"-sabat naman ni Jinky

"Di. Okay lang. Tara!"-yaya ko sa kanila

Nagsimula naman kaming naglakad

"Sya nga pala, tapos na ba yung pinagawa nyong bahay?"-biglang tanong ni Jinky

"Hmm. Oo.. Lilipat na kami simula ngayong Linggo"-nakangiting sabi ko

"Waaaaaaww.. Ang galing! Magkakaroon na kayo ng sariling bahay"-Jinky

"Ah. Oo. Magandang pagbabago yun para samin ng Papa ko"-sabi ko

"Tama yun. Magkakaroon kayo ng simulang pagabago kapag lumipat kayo sa bagong tirahan nyo. May magandang mangyayari!"-Sheryn

"Mmm"-pagsang-ayon ko naman kay Sheryn

"Tama ka! Naniniwala ako sa sinabi mo!"-dagdag ko pa

"Sabihin mo, 'I BELIEVE'.."-Sheryn

"Oo. I BELIEVE"-sabi ko

"I BELIEVE"-pag-ulit ni Sheryn

"Hihi.. Tutulungan ka namin sa pagligpit"-alok ni Jinky

"Hmm. Salamat, ha?"-baling ko kay Jinky

"Ako din"-sabat naman ni Sheryn

"Salamat din sayo, Sheryn"-baling ko naman kay Sheryn

*******************************

Next Day...

Umaga na..

Wala kaming pasok at ngayong araw na ito.. Ang lipat namin sa aming bagong bahay (^_^)

Dumating naman ang mga kaibigan ko para tulungan kami sa paglilipat^^

"Good Morning!!"-masayang bati ko sa kanila

"Oh, nandito na pala kayo! Mabuti naman"-sabi naman ni Papa

"Good Morning Papa.. Andito po ako para tumulong sa anak nyo.. Lahat po gagawin ko para kay Kaycee. Ako pala si Kaloy Ikezawa "-intro naman ni Kaloy

"Ako din po si Jojo"-pagpapakilala ng kaibigan ni Kaloy kay Papa

"Hindi ka kasali!"-pagsaway ni Kaloy

"Mag-utos lang po kayo Papa.. Sabihin nyo lang po kung ano ang gusto nyong ipagawa.. Bilang manugang, gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos nyo"-magalang na sabi ni Kaloy

Mischievous Kiss Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon