Chapter 3: Living With Niccolo?? (O__O)

2.7K 46 8
                                    

Kaycee's POV

Ngayong araw pala ang lipat namin ni Papa sa bestfriend nya..

Pansamantala lang naman kaming maninirahan sila..

Kaya ngayong araw na iton, makikilala ko na sila V^^

Habang nasa byahe kami ni Papa..

"Pasensya ka na anak, pinaaga kita sa pag-uwi mo sa school ngayon"-Papa

"Okay lang po yun, Papa. Para naman tulungan kita sa paglilipat natin. Ayos lang po yun. Maiintindihan din naman po yun ng teacher namin"-nakangiting sabi ko kay Papa

Lumipas ang ilang sandali.. ay tumigil na si Papa sa napakalaking bahay..

'Ito na siguro yung pansamantalahang tirahan namin ni Papa'

"Yan na ang bahay ng kaibigan ko"-sabi ni Papa, matapos kaming mapahinto sa tapat ng napakalaking bahay

"Wow. Ang laki"-manghang komento ko sa bahay

"Presidente kasi ng sarili nyang kupanya ang kaibigan ko. Graduate din sya sa Tokyo University"-sabi pa ni Papa

"Toyo university?? Wow!! Siguro ang talino nya Papa! Ang laki talaga ng bahay nila. Pwede tayong magbarbeque dun, Papa!"-sabay turo ko sa bakanteng lupa nila

Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng labas ng bahay nila..

Hanggang sa nabasa ko ang "IRIE's FAMILY"

"Irie??? Bakit naman sa lahat-lahat ng pwedeng maging apilyedo nila, Irie pa??"

Magkaapelyedo kasi sila ni Niccolo! Imposible. Baka magka apelyedo lang sila! Baka nga :'>

"Irie ang apelyedo nila, Kaycee. Kaya Irie ang tawag ko sa kanya, dahil iyon ang apelyedo niya. Bakit??"-takang tanong ni Papa

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakabahan bigla..

Sana naman mali ang iniisip ko..

"Tara"-sabi ni Papa bago sya nagpark ng sasakyan namin

Pagkatapos naming magpark ay biglang bumukas ang pintuan nila at lumabas ang isang lalaki. Tingin ko ito na yung kaibigan ni Papa dahil kung titingnan mo sya, magkaedad lang sila ni Papa

"Kumusta ka na? Kanina ko pa kayo hinihintay"-bungad nya samin ni Papa

"Pasensya ka na Irie, kung natagalan kami. Nahirapan kasi kami sa pagkuha ng gamit namin dahil nga natabunan sa nasira naming bahay"-pagpapaumanhin ni Papa

"Ah ganun ba? Kinalulungkot ko ang nangyari sa inyo"

"Hihihi. Nagulat ako.. Kinakausap ko lang ang sarili ko. Hihihi"-pag-iiba ko ng usapan para hindi na tuluyang malungkot pa si Papa

"HAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHA"-sabay nilang halakhak

Natutuwa ako kasi napaka close nila ni Papa.

"Okay kanina pa kami naghihintay sa inyo"-lumabas naman yung babae na sa tingin ko ay asawa ng kaibigan ni Papa

"Napakasaya ko dahil dito kayo titira sa bahay namin"-nalulugod na sabi ng kaibigan ni Papa

"Maraming salamat talaga Irie. Salamat Nora"-baling ni Papa sa mag-asawa

"Naku wala yun. Ituring mo na lang itong parang tunay nyong tirahan"-sabi ni Tito Irie

Mischievous Kiss Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon